Ipinatutupad ngayon ng management ng SSS (Social Security System) ang bagong rule sa pagbayad ng interest rate sa sino mang members nito na nagnanais na mag-avail ng short-term loans.
Ito ang inihayag ni Ma. Luz. C. Generoso, SSS Assistant Vice President for Lending and Asset Management. Ayon sa kanya, magiging malaki na ang loan proceeds na madadala ng borrower pagkat hindi na muna ibabawas ng SSS ang unang taon na 10% interest rate. Sa pamamagitan nito, maiuuwi ng borrower ang buong amount ng kanyang loan.
Ang 10% interest rate naman taun-taon ay iko-compute sa pamamagitan ng diminishing principal balance, na ang ibig sabihin kung ano ang balanse ng loan sa katatapos na taon ay dun iko-compute ang yearly 10% interest rate. Kaya't habang lumiliit ang principal balance, lumiliit din ang interest rate.
Para sa iba pang detailye, bisitahin ang website ng SSS sa Link na ito.https://www.sss.gov.ph/sss
by Max Bringula Chavez
Tinig sa Disyerto
13 November 2012
Tuesday, November 13, 2012
Tuesday, November 6, 2012
Blacklisted Cargo Companies sa Saudi
As per the Circular released by DTI (Department of Trade and Industry) in the Philippines dated 12 October 2012, the following cargo companies in Saudi Arabia are blacklisted due to reports of undeliver
ed Balikbayan boxes and other violations under PSB (Philippine Shippers Bureau) Administrative Order No. 6 series of 2005:
1. Cargo Net Worldwide Services formerly FAL-World Express Cargo
2. Fil Asia Cargo Forwarders Philippines
3. Global Cargo
4. RJM Freight Cargo Forwarders
5. WRJ Freight Forwarders (A Division of Al-Zagel Cargo)
6. North and South Express Cargo
Overseas Filipinos Workers in Saudi are advised therefore to stop doing business with the above-mentioned foreign principal/cargo consolidators.
The said circular also contains names of cargo companies in other countries that are also being blacklisted, such as in five (5) in United Arab Emirates, eight (8) in United States of America, two (2) in Singapore, two (2) in Ireland, and one (1) each in Malaysia, Hongkong, Australia and Cyprus.
“Overseas Filipino workers who will send their balikbayan boxes and their consignees in the Philippines should book their packages only with reliable and PSB-accredited freight forwarders and Philippine agents to ensure that their packages will reach their destinations,” said Victorio Mario Dimagiba, DTI-PSB director-in-charge, in a statement.
“Senders may verify the company name of the Philippine sea freight forwarder counterpart at www.dti.gov.ph, or they may visit our Philippine Consulate offices abroad,” he said.
Dimagiba said foreign principals and cargo consolidators overseas must have local counterparts that are accredited by the DTI-PSB if it is a sea cargo forwarder and the Civil Aviation Authority of the Philippines if an air cargo forwarder.
He also warned cargo senders from abroad against very low door-to-door rates that some foreign principals offer. “With low rates, they [foreign principals] do not have enough funds to bear the cost of transporting cargoes, and they fail to remit delivery funds to their Philippine freight forwarders, causing the shipments to be abandoned at the ports and not being delivered to consignees,” the DTI official said.
“For consignees in the Philippines who have not received their packages from freight forwarders, they may contact DTI (02-751-3330) or go to PSB office to file an immediate claim or complaint,” he added.
Tinig sa Disyerto
07 November 2012
by Max Bringula Chavez
(Part of the news is lifted from InterAksyon.com)
1. Cargo Net Worldwide Services formerly FAL-World Express Cargo
2. Fil Asia Cargo Forwarders Philippines
3. Global Cargo
4. RJM Freight Cargo Forwarders
5. WRJ Freight Forwarders (A Division of Al-Zagel Cargo)
6. North and South Express Cargo
Overseas Filipinos Workers in Saudi are advised therefore to stop doing business with the above-mentioned foreign principal/cargo consolidators.
The said circular also contains names of cargo companies in other countries that are also being blacklisted, such as in five (5) in United Arab Emirates, eight (8) in United States of America, two (2) in Singapore, two (2) in Ireland, and one (1) each in Malaysia, Hongkong, Australia and Cyprus.
“Overseas Filipino workers who will send their balikbayan boxes and their consignees in the Philippines should book their packages only with reliable and PSB-accredited freight forwarders and Philippine agents to ensure that their packages will reach their destinations,” said Victorio Mario Dimagiba, DTI-PSB director-in-charge, in a statement.
“Senders may verify the company name of the Philippine sea freight forwarder counterpart at www.dti.gov.ph, or they may visit our Philippine Consulate offices abroad,” he said.
Dimagiba said foreign principals and cargo consolidators overseas must have local counterparts that are accredited by the DTI-PSB if it is a sea cargo forwarder and the Civil Aviation Authority of the Philippines if an air cargo forwarder.
He also warned cargo senders from abroad against very low door-to-door rates that some foreign principals offer. “With low rates, they [foreign principals] do not have enough funds to bear the cost of transporting cargoes, and they fail to remit delivery funds to their Philippine freight forwarders, causing the shipments to be abandoned at the ports and not being delivered to consignees,” the DTI official said.
“For consignees in the Philippines who have not received their packages from freight forwarders, they may contact DTI (02-751-3330) or go to PSB office to file an immediate claim or complaint,” he added.
Tinig sa Disyerto
07 November 2012
by Max Bringula Chavez
(Part of the news is lifted from InterAksyon.com)
Monday, November 5, 2012
Mga Pag-iingat na Dapat Gawin
Upang makaiwas na madamay sa insidenteng maaaring mangyari sa mga lugar ng Bahrain kung saan nagkaroon ng limang pagsabog ng bomba nitong umaga ng Lunes, 05 November 2012, sa Manama at karatig-pook nito, nariot ang ilang mga DAPAT GAWIN:
A. Limitahan ang PAGBIYAHE papuntang BAHRAIN
1) Ang pagbiyahe by road or by air mula Saudi hanggang Bahrain (maliban sa Bahrain Airport) ay dapat limitahan lamang sa business essentila/purposes.
2) Iwasan munang pumasyal sa Bahrain for leisure purposes.
B. Sa mga NAKATIRA sa BAHRAIN
1) Iwasan ang lugar ng Gudaibiya at Adliya (see map below).
05 November 2012
by Max Briingula Chavez
A. Limitahan ang PAGBIYAHE papuntang BAHRAIN
1) Ang pagbiyahe by road or by air mula Saudi hanggang Bahrain (maliban sa Bahrain Airport) ay dapat limitahan lamang sa business essentila/purposes.
2) Iwasan munang pumasyal sa Bahrain for leisure purposes.
B. Sa mga NAKATIRA sa BAHRAIN
1) Iwasan ang lugar ng Gudaibiya at Adliya (see map below).
2) Iwasan ang mga lugar na sasarhan ng security forces ng Bahrain na maaaring pagkaganapan ng pagbomba o kaguluhan.
3) Maaaring magkaroon ng mga delays sa biyahe sanhi ng malawakang checkpoints na isasagawa ng security forces.
4) Maging alerto at mapagbantay. i-report agad sa pulisya o awtoridad ang ano mang kahina-hinalang kilos o kaganapan na maaari ninyog makita o mapansin sa inyong kapaligiran.
Tinig sa Disyerto
05 November 2012
by Max Briingula Chavez
Bomb Explosions sa Bahrain
Sa circular na inilabas ng Philippine Embassy sa Bahrain dagted 05 November 2012, pinag-iingat ng Embahada ang lahat ng OFW's sa Bahrain at kung maaari ay iwasan ang maglalabas muna kung di naman kailangan.
Ito'y matapos ang limang sunod-sunod na bombang sumabog sa iba't ibang lugar ng Manama na siyang capital ng Bahrain, kasama na ang katabi nitong Qudhaibiya at Adliya.
Dalawang expatriates of Asian origin ang namatay sa nasabing pagbomba, bagama't di pa agad matukoy kung anong nationalities ang mga ito.
Ang nasabing insidente ay bunsod ng political and ethnic unrest sa Bahrain na nagsimula noon pang nakaraang taon, February 2011, kung saan hinihingi ng Shiites community sa Sunni-ruled government ng Bahrain ang greated political voice and participation para sa mga Shiites na siyang majority ng population nito.
Tinig sa Disyerto
05 November 2012
by Max Bringula Chavez
Ito'y matapos ang limang sunod-sunod na bombang sumabog sa iba't ibang lugar ng Manama na siyang capital ng Bahrain, kasama na ang katabi nitong Qudhaibiya at Adliya.
Dalawang expatriates of Asian origin ang namatay sa nasabing pagbomba, bagama't di pa agad matukoy kung anong nationalities ang mga ito.
Ang nasabing insidente ay bunsod ng political and ethnic unrest sa Bahrain na nagsimula noon pang nakaraang taon, February 2011, kung saan hinihingi ng Shiites community sa Sunni-ruled government ng Bahrain ang greated political voice and participation para sa mga Shiites na siyang majority ng population nito.
Tinig sa Disyerto
05 November 2012
Tuesday, October 16, 2012
Pag Lift-Up ng Ban sa DH, Mainam Ba o Hinde?
Ipinagmamalaking ibinalita ng DOLE
(Department of Labor & Employment) ang napagkasunduang Standard of
Employment Contract o SEC sa pagitan ng bansang Pilipinas at Saudi Arabia
patungkol sa mga Household Service Workers (HSW), o mas kilala sa tawag na DH (Domestic
Helpers).
Ayon kay Labor and Employment Secretary
Rosalinda Dimapilis-Baldoz, ang kontratang napagkasunduan ay naglalayon na mabigyan
ng higit na proteksiyon ang mga nagtratrabahong HSW o DH sa Saudi at matiyak na
mapapangalagaan ang kanilang kapakanan.
Kaakibat ng kasunduang ito ay ang
pagsisimulang muli ng authentication at verification ng mga bagong employment
contracts para sa mga first-time HSW na ipapatupad sa susunod na buwan ng
Oktubre. Matatandaan na natigil ang
pagpapadala ng Pilipinas ng HSW sa Saudi noong nakaraang taon, March 2011,
matapos ipahinto ng Saudi Embassy sa Manila ang pag-proseso para sa mga
first-time HSW na nagnanais na magtrabaho sa Saudi.
At kamakailan lamang nga ay naghayag ang
Saudi government na muli silang mag-i-ssue ng working visas para sa mga
Filipino maids. Na ibibigay na nila ang
demand ng Pilipinas na 400 US Dollars na minimum salaries para sa HSW, o
katumbas ng Saudi Riyals 1,500.
Ang balitang ito ay umani ng mixed
reactions sa ilang mga kababayan natin.
May mga agam-agam. Mga
katanungang “masusunod kaya ang
napagkasunduan” o ito’y sa papel lamang at salita, subalit kulang sa gawa
at implementasyon. Tapat kaya ang
magkabilang panig sa pagpapatupad ng kasunduan?
At kung malinis nga ang kanilang pakay at hangarin, yun kayang magpapatupad
naman nito’y susunod tulad ng mga recruitment agencies, at iba’t ibang ahensiya
ng Pilipinas?
“Tama
nga na kapag nasa Pinas at sa harap ng POLO, 400 USD ang suweldo pero kapag
nagpasuweldo na sa katulong 700 o 800 SR na lang ang ibibigay. Wala namang
magawa ang katulong dahil hindi naman siya puwedeng makalabas ng bahay na hindi
kasama ang among babae. Bawal ding gumagamit ng cell phone o computer kaya
patago lagi,” ang wika ng isa nating kababayan.
Paliwanag naman ng ating kasamang Lito
Tomas, “di pa nga natatapos ang mga
problema sa mga nandiritong DH sa Saudi, madaragdagan na naman. At sana madali lamang silang makakaalis sa
abusadong amo, kaso kung hindi man sila tatakas, nagagahasa naman o kaya’y
nanganganib ang buhay. Gustuhin man natin na sila’y tulungan, wala naman
tayong magawa pagkat kadalasan yung nagkukusa ay nadaramay pa.”
Ito ang reyalidad ng kalagayan ng mga DH o
HSW sa bansang tulad ng Saudi Arabia.
Subalit, tuloy pa rin ang pagdagsa nila at di mapipigilan lalo pa nga
ngayong na-lift up na ang Ban sa Filipino Maids.
Kunsabagay, di rin natin masisi ang mga
kababayan natin na umalis ng Pilipinas para magtrabaho ng DH, bagamat may mga
balitang di magaganda na kanilang naririnig at napapanood sa telebisyon at
nababasa sa mga peryodiko, pagkat di naman maibibigay ng Pilipinas ang sahod na
tatanggapin nila kung sa abroad magtratrabaho.
Kaya’t ito naman ang sinisikap ng ating
pamahalaan na tiyaking maiingatan at mapapangalagaan ang mga kababayan nating
nagtratrabahong DH o HSW.
Inatasan ni Sec. Baldoz sina Administrator
Hans Leo Cacdac ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Administrator
Carmelita Dimzon ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA), Philippine
Labor Attaches sa Saudi Arabia na sina Albert Valenciano, Alejandro Padaen, at
Adam Musa, at si Director Restituto dela
Fuente ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO) na magpalaganap ng
information at education campaign patungkol sa nilalaman ng bagong HSW Standard
Employment Contract, at ang pagkakaroon ng awareness sa mga do’s and don’ts,
pros and cons, at risk and rewards ng pagtratrabaho bilang HSW sa Saudi.
Binilinan niya ring makipag-ugnayan sila sa
mga lisensiyadong recruitment agencies sa Pilipinas at Saudi Arabia upang
matiyak na masusunod ang isinasaad sa pinirmahang kasunduan.
Nawa nga’y ang pagkilos na ito ng Pilipinas
ay magbunga ng maganda at di maging isang “ningas-kugon” na naman.
Ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya
ng Pilipinas at ng mga aplikante na titiyaking masusunod ang nilalaman ng
bagong SEC (Standard Employment ContractO ay higit na makakatulong upang
magtagumpay ang programang ito.
At sa gayon, masasabi nating ang pag-lift
up ng ban sa HSW o Domestic Helpers ay mainam nga.
by Max Bringula Chavez
Tinig sa Disyerto
17 October 2012
Friday, October 12, 2012
Bagong Set of Officers ng UAP, Nanumpa
by Max Bringula Chavez
Jeoffrey B. Asis – President / Celfred Recato – VP Programs
& Development / Romualdo P.Quario – VP Operations / Leonardo L.
Losaria – Secretary / Louise Louel Fabria – Treasurer / Michael P.
Cabatan – Auditor / at mga Board of Directors na sina Rosario S.
Fernando, Winifredo Calimlim, James San Jose, Boyet Ortega at Garry Maningding.
Si
LabAtt Musa habang pinapanumpa ang mga bagong opisyales ng UAP-KSA-EPC.
Sa temang “Actively Engaging Filipino Architects in Pursuit of
Excellence”, sisikapin ng mga naitalagang opisyales na paglinangin pa ang
kanilang kaalaman upang maging competitive sa lumalaking demand sa
architectural designs, gayundin upang lalo pang matanyag ang galing ng Pilipino
sa ganitong larangan.
Ang UAP-KSA-Eastern Province
Chapter ang kauna-unahang chapter o sangay ng UAP-Philippines na itinatag sa
Saudi Arabia, at bilang mother chapter, layunin nito na buklurin ang lahat ng Filipino
architects di lamang sa Eastern Province kungdi maging sa Central at Western
Region.
Kabilang din ang UAP sa PPO o Philippine Professionals
Organization, isang samahan ng iba’t ibang Filipino professionals sa Saudi
Arabia tulad ng PICPA (Philippine Institute of Certified Public Accountants), PICE (Philippine Institute of Civil
Engineers), PSME (Philippine Society
of Mechanical Engineers), IIEE
(Institute of Integrated Electrical Engineers), at IECEP (Institute of Electronics Communication Engineers of the
Philippines).
Sa nasabing okasyon na ginanap sa
Dhahran International Hotel, ginawaran din pagkilala ang mga Outgoing Officers
ng UAP ng taong 2011-2012 sa pangunguna ni Arch. Liyo C. Cefre, Pangulo at
mga kasama nitong opisyales tulad nina Dionne S. Monteloyola (VP Programs & Dev’t), Arsenio Q. Laborte (VP Operations), Geraldin G. Suede (Secretary), Ronald Z. Cruz (Treasurer), Perfecto S. Catis, Jr. (Auditor), at mga
Board of Directors na sina Rosario
S. Fernando, Hermosos Delos Reyes, Celfred Recato, Romualdo P. Quario, Jeoffrey
B. Asis at Michael Cabatan.
At tulad sa mga nakaraang
Induction, nagkaroon ng Turnover Ceremony sa pagpapalit ng Presidency ng UAP,
mula sa dating Pangulo nito na si Arch. Liyo C. Cefre sa bagong Pangulo na si
Arch. Jeoffrey B. Asis, at pagkatapos, sinundan ng Inaugural Speech ng bagong
Pangulo.
Makikita
sa larawan sina Arch. Jeoffrey B. Asis (kaliwa) at si Arch. Liyo C. Cefre
(kanan) sa Turnover Ceremony na ginangap.
Kaalinsabay ng Induction ng araw
na iyon ay ang pagdaraos din ng UAP ng
kanilang General Membership Meeting & Assembly kung saan ipinakilala ang
mga bagong miyembro ng UAP-KSA-EPCA, at ang mga Board Passers sa katatapos na Special
Professional Licensure Board Examination (SPLBE) na isinasagawa ng Philippine
Regulatory Commission taun-taon sa Saudi Arabia.
Nagkaroon ng Committee Reporting
mula sa iba’t ibang Committee Chairman at Technical o Product Presentation mula
naman sa kinatawan ng BAI Aluminum na si Mr. Wilson Brua, at Danny Abdi ng
CLADME.
Ipinakita rin sa okasyong iyon
ang Highlights ng iba’t ibang activities na nilahukan ng UAP-KSA-EPC sa taong
2011-2012 sa pamamagitan ng video clips na pinamahalaan nina Arch. Catis at
Arch. Calimlim.
Nagpaunlak naman ng special
numbers bilang Intermission sina Ernani Taquiso at Krizia Monik Gutierrez ng
World Championship of Performing Arts na sadyang ikina-aliw ng lahat ng dumalo.
Ang palatuntunan at buong
programa ay pinangunahan nina Arch. Geraldin G. Suede at Arch. James San Jose bilang
mga Master of Ceremony.
Samantala, nais pasalamatan ng
pamunuan ng UAP-KSA-EPCA ang mga sumusunod na personalities, kumpanya at organisasyon
sa kanilang patuloy na suportang ibinibigay sa UAP:
Florante Catanus (ABS-CBN TFC Correspondent), Max Bringula
(Columnist – Abante ME Edition), Wilson Brua
(General Manager – BAI Aluminum), Dany Abdi (CLADME), Krizia Monik Gutierrez (WCOPA), Glenn Quezado, SHADE, Al
Ameria Co., C5 Electronics, NEC, SAAPCO, Eastern Works, at Jollibee Alkhobar.
Narito ang ilang mga kuha sa katatapos
na UAP-KSA-EPC General Membership Meeting & Assembly and Induction of
Officers FY 2012-2013.
Sunday, July 29, 2012
JCLORIM Warriors at JTLG Corinthians, Kampeon sa PBL Season 7
by Max Bringula
(Published in Abante ME Edition, 29 July 2012)
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakamit ng JCLORIM Warriors ang kampeonado sa Division A ng PBL (Pag-asa Basketball League) Season 7 sa katatapos na championship game nito na ginanap sa Al Gosaibi Sport Complex, Alkhobar, Saudi Arabia nitong nakaraang Biyernes, 20 July 2012.
(Published in Abante ME Edition, 29 July 2012)
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakamit ng JCLORIM Warriors ang kampeonado sa Division A ng PBL (Pag-asa Basketball League) Season 7 sa katatapos na championship game nito na ginanap sa Al Gosaibi Sport Complex, Alkhobar, Saudi Arabia nitong nakaraang Biyernes, 20 July 2012.
Ang
JCLORIM Warriors na tinanghal na Champion ng PBL Season 7 – Division A.
|
Sa isang makapigil-hiningang sagupaan ng
JCLORIM at ng katunggali nito, ang CLSF
Emmanuel 1, naiuwi ng Warriors ang pinakaka-asam na tropeo ng isa sa
prestihiyosong liga sa Eastern Province, Saudi Arabia.
Matinding laban at depensa ang ipinakita ng
dalawang koponan sa kanilang paghaharap sa championship game kaya’t mahigit sa
sampung beses na nag-deadlock ang score ng magkabilang-panig mula ng first
quarter hanggang fourth quarter, at naging sanhi ng pagkakaroon ng overtime nang
magpantay ang score sa 88-88.
Sa huling pitong segundo ay lamang ang CLSF
ng isang puntos sa score na 86-85 habang parehong nasa penalty situation. Naragdagan pa ito ng dalawang pasok na free
throw ng kanilang Point Guard na si Floyd Loyola kaya’t nakaungos ang
CLSF ng 3 points sa JCLORIM. Ngunit mabilis
itong nabawi sa 3-points shoot na pinakawalan ni Ryan Mark Legaspi, ang Shooting
Guard ng JCLORIM, sa huling segundo.
Malaking panghihinayang sa CLSF ang pangyayari sa dahilang tiyak na sana
ang panalo kung nag-foul na lamang sila sa huling segundong natitira sa halip
na hayaang makapag-score ang JCLORIM.
Hindi magkamayaw ang manonood sa
nasaksihang laban na mala-PBA ang dating.
Sulit na sulit kumbaga ang paghihintay ng mga sumusuporta ng PBL sa nasabing
championship game. Napapatayo ang ilan
sa kinauupuan at hindi mapigilan ng iba ang mapasigaw sa saya at excitement ng
larong iyon.
Muntik pa na mag-overtime sa pangalawang
pagkakataon nang maging 101-101 ang score sa huling tatlong segundo ng
5-minutes extension ng laro habang nasa penalty situation pa rin ang
magkabilang-koponan.
Ngunit dahil sa free throw ni Jay-R
Lumbang, ang Power Forward ng JCLORIM, naging 102-101 ang score sa
isang shoot na pumasok, at di na nahabol pa ito ng CLSF kung kaya’t tinanghal
na kampeon ang JCLORIM.
Samantala, muli namang naiuwi ng JTLG
Corinthians sa pangalawang pagkakataon ang tropeo ng kampeonado sa
Division B na una nilang nahawakan sa Season 6 ng PBL noong nakaraang taon.
Sa score na 72-53, di nakuhang maagaw ng JCPP Eagles ang tropeo sa
Corinthians. Gayunpaman, walang
segundong sinayang ang JCPP. Sinikap nila
na igupo ang kalaban ngunit sadyang di pa ito ang panahon para sa mga Agila.
Ang
JTLG Corinthians na siya naging Champion sa Division B sa pangalawang
pagkakataon.
|
Narito ang kumpletong resulta ng PBL Season
7, CWW.SA Cup 2012:
DIVISION A:
Champion - JCLORIM Warriors
/ 1st Placer - CLSF
Emmanuel 1 / 2nd Placer -
GMC Thunders / 3rd Placer
- DBD-Agape
MVP (Most Valuable
Player) – Ryan Mark Legaspi, JCLORIM Warriors
Mythical
Five – Ryan
Mark Legaspi, JCLORIM Warriors / Jay-R Lumbang, JCLORIM Warriors / Rochiel
Cureg, CLSF Emmanuel 1 / McLean Lontoc, DBD-Agape / Louie Dela Cruz, GMC
Thunders
Best
Coach – Keneth
Salvador, JCLORIM Warriors
Most
Disciplined Player – Ranil
Ureta, GMC Thunders
DIVISION B:
Champion – JTLG Corinthians
/ 1st Placer – JCPP
Eagles / 2nd Placer –
CLSF Emmanuel 2 / 3rd Placer
– CCWIM B
MVP (Most Valuable
Player) – Ryan Dagala, JTLG Corinthians
Mythical
Five – Ryan
Dagala, JTLG Corinthians / Patrick Ryan Hermosura, JTLG Corinthians / Renato
Chao, JCPP Eagles / Victor Garcia, CLSF Emmanuel 2 / Roy Pajarillo, CCWIM B
Best
Coach – Joey
Bacasno, JTLG Corinthians
Most
Disciplined Player – Rommel
Dela Cruz, JTLG Corinthians
Sa Opening Remarks ng Chairman ng Pag-asa
Community Support Group na si Max
Bringula, kanyang ipinahatid ang pasasalamat sa lahat ng koponan na lumahok
sa Season 7 ng PBL. Ayon kay Bringula,
di lamang ang nanalo sa championship games ang maituturing na Kampeon, kungdi
maging ang bawat isang lumahok at naging bahagi ng matagumpay na PBL Season
07. Dagdag pa niya, hindi lamang sa
tropeong hawak at medalyang suot masusukat ang pagiging kampeon kungdi sa kung
papaano naipamalas ng bawat isa ang pagigng tunay na Manlalarong Kristiyano sa
mata ng kapwa-manlalaro, ng opisyales at committees, ng mga referees at
manonood.
Sa pagtatapos ng PBL Season 7, naipamalas
na ang layunin nito ay natupad tulad ng isinasaad ng kanilang tema na “Encourage One Another and Build Each Other
Up”.
Naging panauhing pandangal sa seremonya ang
CWW Head na si Nicodemus Plando, kasama ang iba pang Tagapamuno sa bawat lokal.
Ipinapaabot naman ni Tim Mallari, ang
Commissioner ng PBL ang pasasalamat sa lahat, lalo na mga kasama nito sa
Committee na sina Robert Yumang, Arthur Valeros, Ruben Panzo, Rene Villasante,
Tony Apo, Melchor Navarra, Junald Pellazar, Fher Bautista, Luis Macaraeg, Henry
Ayangco, Jun Abella, Jessie Veloso, Allan Balde, Joseph Santos, Jonwel Gaytano,
Ephraim Munez, Jeremy Perez, Joel Mabandos, Frederick Belen, Albert Turiana,
Arniel Bacalla, Vincent Babiera at Dionsio Avila.
Si Tim
Mallari, PBL Commissioner, kasama ang bumubuo ng PBL Season 7 Executive
Committee.
|
Samantala, ang Season 8 ng PBL ay sisimulan
sa February 2013.
More Photos:
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535. Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)
Subscribe to:
Posts (Atom)