Max Bringula (Abante ME Edition, 12 July 2009)
Sa katatapos na Embassy On-Wheels na ginanap sa IPSA (International Philippine School in Alkhobar) noong Friday, 03 July 2009, pinalad ang inyong lingkod na makapanayam ang ating Police Attache sa Saudi Arabia na si Col. Jimmy Manabat, PNP Senior Superintendent, na noo’y bumisita sa Eastern Province kasama nina Ambassador Antonio Villamor, Consul Victor Israel at iba pang mga Embassy representatives mula sa Riyadh para sa buwanang Embassy On-Wheels (EOW).
Si Col. Manabat ay itinalaga ni Pangulong Arroyo bilang Police Attache sa Saudi Arabia. Ang kanyang malawak na karanasan bilang isang tapat na nanunungkulan sa Philippine National Police (PNP) ng mahigit tatlumpung taon ang siyang naging daan upang siya’y mapili na maging kinatawan ng PNP at ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagpapatupad at pangangalaga ng seguridad ng mga OFWs.
Dumating si Col. Manabat sa Saudi Arabia noong 24 February 2009 at kasalukuyang nakahimpil ngayon sa Philippine Embassy sa Riyadh.
Aking sinamantala ang pagbisitang iyon upang hingin ang kanyang saloobin sa mga kaganapang nangyayari sa kasalukuyan dito sa Eastern Province at maging sa buong Kaharian tulad ng pagpaslang sa isang Pilipina sa Alkhobar, ang pananamantala sa dalawampung Pilipina sa isang recruitment agency sa Dammam, ang pagkahuli sa 67 Pilipino sa isang party sa Riyadh, at ang marami pang rape cases at runaways na halos araw-araw ay may bagong inire-report sa tanggapan ng POLO Eastern Region Operations.
Narito ang buod ng panayam.
Lalong Pagdami pa ng OFWs
Ayon kay Col. Manabat ang pananatili ng mga OFWs dito sa Gitnang Silangan at maging sa buong mundo ay tatagal pa ng mahabang panahon dahil sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa kung saan ang kawalan ng mapapasukang trabaho (unemployment), kahirapan at patuloy na corruption, ang nagbubulid sa maraming mga Pilipino na mangibang-bayan at magtrabaho bilang OFW. Ang pagdami ng OFWs ay di lang nangangahulugan ng pagtaas ng remittances na pinadadala sa Pilipinas kung saan noong nakaraang taon ay nakapagtala ng 15.8 billion dollars, mas mataas ng 1.4 billion kumpara noong 2007 (sa taong 2009, inaasahang tataas pa ito), kungdi kaakibat ng pagdagsa ng OFWs sa iba’t ibang bansa ay ang tungkuling sila’y mapangalagaan at matiyak ang kanilang seguridad.
Ito ang isa sa mga dahilan ng pagkakatalaga ni Col. Manabat bilang Police Attache di lang bilang pagtupad sa Security Agreement na inilatag at pinagkasunduan ng Piipinas at ng Saudi Arabia.
Ang pagtatalaga kay Col. Manabat ay karagdagan sa mga kasalukuyang nanunungkulan sa Embahada, Konsulada at Regional Operations ng Pilipinas sa Saudi Arabia upang tumugon sa pangangailangan ng mahigit kumulang na 1.8 milyong Pilipino na nagtratrabaho at naninirahan sa bansang ito.
Pagpapatupad ng Batas
“Ignorance of the law excuses no one”
Sinabi ni Col. Manabat na patuloy ang pagpapatupad ng Embahada, Konsulada at ng POLO-ERO sa mga programa nito na ituro at ipa-alala sa mga Pilipino ang mga Batas na umiiral sa bansang ito upang maiwasan ang paglabag. Mainam na batid ng mga Pilipino ang mga ito at sikaping huwag lalabag upang di masuong sa kapamahakan.
Dapat na magkaroon ng malawakang “Awareness Campaign” among Filipinos sa mga bagay at mga gawaing bawal upang mapangalagaan ang sarili at di masangkot sa gulo o iba’t ibang mga kaso.
(Ang isina-tagalog na “Revised Saudi Labor Law” ay maaaring mahingi ninumang nagnanais na makakuha ng sipi nito. Ipagbigay-alam lang agad sa inyong lingkod.)
Maging Mapang-masid at Alerto
Ayon kay Col. Manabat, kailangang maging alerto at mapag-masid sa paigid upang maiwasan na maging biktima ng mga karahasan. Iwasan din na makatawag-pansin sa mga snatcher, holdaper o sa mga taong may masamang balakin tulad ng paglalakad ng mag-isa, paglalakad sa madilim at di mataong-lugar, paglabas ng mga mamahaling gamit sa daan, at pagkilos ng di nararapat.
Huwag Mangiming Mag-Report
Inihayag din ni Col. Manabat na hindi dapat matakot o mangimi na i-report sa kapulisan ng Saudi Arabia ang mga insidenteng nararanasan o nasasaksihan tulad ng phone-snatching, pangho-holdap, pagpapanggap na pulis, mga panloloko, at iba’t iba pang modus-operandis na nagaganap ngayon. Napakahalaga na mai-report ito upang masawata at mahuli ang perpetrators o ang gumagawa nito.
Kailangang makipag-tulungan ang bawat isa sa bagay na ito at wag matakot dahil higit na makakatulong ang pulisya sa mga ganitong pangyayari. Gamitin ang “999” dahil ito’y mabisa at agad na rumo-responde ang kapulisan kapag tumawag dito. Sa pagre-report dapat ibigay kung saang lugar naroroon at kung ano ang malapit na police station. Kung kaya’t ang mga bagay na ito ay dapat nating inaalam para magamit kapag kinailangan. “The Saudi system on this matter is in place and working kung kaya’t dapat nating gamitin”, dagdag pa ni Manabat.
Samantala, kapag ang kaso ay paglabag sa napagkasunduang kontrata, pagmamaltrato, pananakit at iba pang pang-aabuso, ito’y dapat i-report o itawag sa Embahada sa Riyadh, o sa Konsulada sa Jeddah at POLO-ERO sa Alkhobar-Dammam at karatig-pook nito. Makakatulong din na iparating sa ANS (Assistance to National Section) na naka-base sa Riyadh at Jeddah ang mga police at criminal cases.
Narito ang mga telepono na maaari ninyong tawagan:
4823559 o 4801918 (Philippine Embassy in Riyadh)
6658462 o 051-5124793 (Philippine Consulate in Jeddah)
8651951 o 050-1269742 (POLO-ERO)
055-5219613 (ANS-Jeddah)
050-5220534 (ANS-Riyadh)
055-1200795 (Col. Manabat, Police Attache)
Sa nakaraang Embassy On-Wheels, buong tiwalang ibinigay naman ni Ambassador Villamor ang kanyang mobile number sa mga Pilipinong naroroon upang siya’y tawagan kung kailangan. Ang butihing Ambassador ay maaring tawagan sa kanyang mobile number 050-3684145.
Ayon kay Col. Manabat, nakararating sa kanilang kaalaman ang mga iba’t ibang pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan na sangkot ang mga Pilipino, at ito’y sinisikap nilang matugunan sa madali at agarang panahon. Sinisikap din ng Embahada na mabigyan ng patas at tamang solusyon ang mga problemang kinasasangkutan ng mga Pilipino.
Kanyang ipinamamanhikan sa lahat ng mga Pilipino na makipag-tulungan sa mga opisyales at representatives ng embahada sa pagbabantay at pagsawata sa kasamaan. Ang maging katuwang sa halip na maging sanhi ng problema.

Mga Reaksiyon
Sa artikulong “Ibayong Pag-iingat, Dapat Gawin” (inilathala noong 01 July 09)
Thanks sa news mo kc nalalaman naming ang mga nangyayari dito sa Saudi. Kaya tama lang ang ibayong pag-iingat ang dapat gawin. Sapagkat tau ang inaasahan ng pamilya natin sa Pilipinas. Subalit bilang mga Filipino overseas worker, sana andiyan lagi ang embahada natin na handang tumulong sa atin sa oras ng pangangailangan ng mga kababayan natin sapagkat pinakikinabangan din naman tayo ng pamahalaan natin pagdating sa remittances. Sa balita mo marami pa ang mga DH worker ang nangangailangan ng tulong na dapat sana ay bigyan ng pansin ng ating gobyerno. Salamat sa mensahe mo, kabayan. – Edgardo Nabara ng Jubail
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535)

No comments:
Post a Comment