Tuesday, November 2, 2010

Laging May Pag-asa


Max Bringula (Abante ME Edition, 01 Nov 2010)

Ito ang tema ng pagdiriwang ng ika-labing-isang taong anibersaryo ng Pag-asa Community Support Group, Eastern Province, Saudi Arabia na ginanap kamakailan lamang. Kasabay ng pagdiriwang ay ang Induction o pagtatalaga sa mga bagong opisyales nito para sa taong 2010-2012 na kinabibilangan nina:

Tim Mallari (JCILSA) – VP for External & Community Affairs / Robert Yumang (S&L) – VP for Migrants Cases & Support / Roberto Punzalan (JLW) – VP for Reintegration / Victor Sampayan (JCPP) – VP for Information and Advocacy / Dennis Oliver (JIL) – VP for Ways & Means / Ramil Gatbunton (JILGM) – Head of Secretariat / Mike Abrera (JIL) – Treasurer / Jun Ramos (JUSL) – Auditor / Jay Gaborno (JTLG) and George Conejos (CCWIM) – Members of Secretariat, at ng mga sumusunod na Coordinators: Alex Ventura (DBD-EP), Randy Castro (DBD-EP), Arthur Valeros (CLSF-Emmanuel), Mario Cajuguiran (LORIMI), Fher Bautista (UR), Junald B. Pellazar (UR), Luis Macaraeg (JCLORIM), Rudyard Layman (CCWIM), Lito Migabon (OIC), Conrad Perez (JTLG), Jayson Monreal (JTLG), Amormeo Portado (3-in-1), Tony Gloria (RLMC), Edmar Bantay (IMRCF), Rod Purugannan (GMC) at Villy Lagasca (OCF).

Ang Chairmanship ng Pag-asa ay ipinagkatiwala pa rin kay Max Bringula na ngayo’y nasa pang-anim na taon na sa nasabing katungkulan.

Si Honorable David Des T. Dicang, Labor Attache ng POLO-Eastern Region Operation, Philippine Embassy, Riyadh ang siyang naging keynote speaker sa nasabing okasyon at siya ring Inducting Officer. Kasama niya na dumalo si Welfare Officer Ron Bartolome ng OWWA.

Ang pagdiriwang ay sinimulan sa pag-awit ng Philippine National Anthem na pinangunahan ni Roger Almonte ng JIL-WAM at sinundan ng Invocation. Ang Welcome Address ay inihatid ni Tim Mallari, VP for External & Community Affairs, at pagkatapos nito’y isang pagtanaw sa nakalipas na labing-isang taon ng Pag-asa ang nasaksihan sa pamamagitan ng inihandang multi-media presentation na “Pag-asa, Through the Years” na isinalaysay naman ni Dennis Oliver, VP for Ways & Means.

Ang pagpapakilala sa panauhing pandangal at tagapagsalita ay pinangunahan naman ni Victor Sampayan, VP for Information and Advocacy.

Sa speech ni Hon. Des Dicang, kanyang pinasalamatan ang Pag-asa sa malaking tulong na naiaambag nito sa pag-abot sa mga kapus-palad na mga kababayan o distressed OFWs na karamihan ay takas sa employer (lalaki man o kababaihan) sanhi ng pagmamaltrato at kalupitang sinapit. Kanya ring idinagdag na ang Pag-asa ay isa sa mga community group sa Eastern Province na pinagkakatiwalaan ng Embahada dahil sa tapat at maayos nitong pagtulong. Ang Pag-asa ay kabalikat rin ng POLO-ERO sa pag-resolba sa maraming kaso ng distressed OFWs.

Sa Statistics and Report na ibinahagi ni Robert Yumang, VP for Migrant Cases & Support, ipinahayag ng Pag-asa ang kanilang mga natulungan mula ng taong 2006 hanggang sa kasalukuyan tulad ng pagkakaloob ng libreng air tickets, pagbibigay ng tulong-pinansiyal, pag-assist sa mga may labor cases, at higit sa lahat, ang pagbibigay ng counseling at spiritual advices na siyang pinaka-prayoridad ng Pag-asa sa kanilang pagtulong. Naniniwala ang grupo na ang ugat ng karamihan sa mga problemang nararanasan ng mga OFWs ay may bahaging espirituwal. Anila, nararapat na magkaroon ng pusong malinis, pagtanggap ng pagkakamali at paghingi ng kapatawaran, ang kumilala sa kapangyarihan ng Lumikha at ang sumunod sa Kanyang kalooban ay pawang mga sangkap upang magtagumpay sa mga pagsubok at hirap ng buhay.

Samantala, isang Plaque of Appreciation ang ipinagkaloob ng pamunuan ng Pag-asa kay Labor Attache David Des T. Dicang sa pagpapaunlak nito bilang Keynote Speaker at Inducting Officer, at sa pag-suporta sa mga programa ng Pag-asa. Ayon sa kay Max Bringula, Chairman ng Pag-asa, “Long overdue na ito. Matagal na naming binabalak na bigyan ng appreciation si LabAtt Des subalit laging nauunsiyami. But this time, we’ll really see to it na di namin ito ma-miss. LabAtt Des has been a big help for us. Napaka-supportive niya sa mga cases na aming inilalapit. Among the Labor Attaches na nakasama na namin, naiiba si LabAtt. We’re blessed na mayroon tayong isang masipag na Labor Attache sa Eastern Province.”

Sa kanyang Closing Remarks, binigyan-diin ni Mr. Bringula ang tema ng selebrasyon, ang “Laging May Pag-asa”. Wika niya “ang grupo ng Pag-asa ay laging naririto upang umabot sa mga kapus-palad nating mga kababayan, at maging kabalikat ng pamahalaan sa pagtataguyod ng karapatan ng bawat OFWs.” Dagdag pa niya, “habang ang tao’y nabubuhay ay may pag-asa, pagkat ang tunay na Pag-asa ay sa Panginoon lamang.”

Ang Pag-asa na sa Ingles ay “hope” ay isang Filipino community group sa Eastern Province, Saudi Arabia na binubuo ng mga mananampalatayang Kristiyano. Ang layunin ng grupo ay ang matulungan ang mga distressed workers na mailapit sa Embahada ng Pilipinas o sa POLO-Eastern Region Operations ang kanilang mga kaso at pangangailangan at tiyaking ito’y maa-aksiyunan at mabibigyan ng agarang tugon at lunas.

No comments:

Post a Comment