Sunday, November 7, 2010

PISD Matagumpay na Nagsagawa ng International Clean-up Day

Max Bringula (Abante ME Edition, 05 November 2010)

Muling nagsama-sama ang mga scuba diving enthusiasts sa Eastern Province, Saudi Arabia noong Biyernes, 29 October 2010 sa isang malawakang “Beach & Underwater Clean-up” na ginanap sa Half Moon Beach, Dhahran.

Ang Half Moon Beach ay popular na pasyalan ng mga Pinoy at Saudi nationals upang mag-outing at maligo di lamang during holidays kungdi maging sa ordinaryong araw. Dahil dito, di iilang basura ang naiipon sa kapaligiran at ilalim ng karagatan.

Kaya naman, inilunsad ng PISD (Pinoy International Scuba Divers). isang samahan ng mga scuba divers sa Eastern Province, Saudi Arabia, ang proyektong ito na Beach Clean-up na isinasagawa taun-taon kaalinsabay ng pagdiriwang ng International Clean-up Day sa buong mundo.

Ito’y ayon din sa layunin ng “Project AWARE” ng PADI (Professional Association of Diving Instructors) kung saan kabahagi ang PISD na mapangalagaan ang karagatan sa pamamagitan ng pagsugpo at pag-alis ng mga elementong makakasira rito at makapagpaparumi tulad ng mga basurang itinatapon at naiipon sa paligid at ilalim ng dagat.

Dumating sa nasabing okasyon ang iba’t ibang personalidad na sumusuporta sa proyekto bukod pa sa opisyales at miyembro ng PISD. Naroroon din ang media personnel ng ABS-CBN The Filipino Channel (TFC), GMA-7, at iba’t ibang pahayagan tulad ng Abante Middle East Edition upang i-cover ang buong kaganapan.

Nagsimula ang activity sa paglalahad kung papaano naitatag ang PISD noong 2005 sa pamamagitan ni Mr. Raul Ausemestre kasama ang ibang scuba divers, at ang mga naging programa at proyekto nito bukod sa beach clean-up, tulad ng scuba diving course kung saan mismong si Mr. Ausemestre ang Instructor.

Ito’y sinundan ng pagpapaliwanag sa Project AWARE Cause na ibinahagi naman ni Mr. Conrad Jaberina kasama ang mga sponsors representatives. Ang Project AWARE ay isang programang sinimulan ng grupo ng PADI (Professional Association of Diving Instructors) noong 1989 sa hangaring mapag-ingatan ang “underwater world” o karagatan. Kinalaunan ang Project AWARE ay naging isang non-profit organization noong taong 1992 at ngayon ay may opisina na sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ilan sa mga proyekto nito ay ang mga sumusunod:

• Underwater cleanups and Marine Debris Prevention
• Coral Reef Conservation, Monitoring and Data Collection
• Shark Education, Reporting and Conservation
• Improved Management Policies and Marine Protection Efforts
• Environmental Training for Divers and Education Program for Kids

Samantala, bago sinimulan ang aktuwal na Beach Clean-up, nagkaroon muna ng briefing sa mga divers at volunteers (non-divers) na magsasa-gawa ng paglilinis. Apat-napung divers ang lumusong sa karagatan. Tumagal din ng isang oras mahigit ang beach clean-up na isinagawa sa ilalim ng karagatan at sa baybayin nito. Dalawampung malalaking plastic bags ng basura ang nakuha sa ilalim ng karagatan bukod pa rito yung mga basurang nakuha sa paligid.

Matagumpay ngang maituturing ang katatapos na “Beach & Underwater Clean-up”. Marami ang natuwa at humanga sa proyektong ito ng PISD pagkat sadyang napakahalaga ang ganitong paglilinis upang mapangalagaan ang kalikasang nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan. Kung kaya’t hindi nagdalawang-isip ang mga Sponsors na suportahan ang inisyatibong ito.

Pasasalamat naman ang ipinapaabot ng PISD sa kanilang mga Sponsors tulad ng: Rawabi Holding, Fugro-Suhaimi, Hempel Paints, Kentz Engineers & Constructors, Alstom Saudi Arabia Ltd., National Commercial Bank, Phuket Restaurant, Saudi Ready Mix, Western Union Money Transfer, Popeyes, Pepsi Al-Gosaibi, Al Wakeel Aluminum Co., Seven Eleven Restaurant, Sherbiny Chemicals & Environmental Solutions, Jubail Zenith Tech and Industrial Services Co. Ltd., Mr. Bashir Suwailem, Mr. Joey Razal – EE/Al-Rushaid Group, Mr. Ed Mendoza of Philippine Bowlers Alkhobar, at Mr. Hipolito “Boy” Naldoza of Gulf Union Insurance Company

Ang PISD ay pinamumunuan ng mga sumusunod na opisyales: Raul Ausemestre – IDCS (Group Director) / Felimon B. Lanaza, Jr. – DM (President) / Jomari Caranay – RD (Secretary) / Dennis Abutin – DM (Internal VP) / Allen Rosales – RD (External VP) / Garry Hije – RD (Treasurer) / Alvin Rosales – DM (Safety Officer) / Manuelito Pineda – RD (PRO) / Christopher Dayrit – AOW (Auditor).

Sa ngayon ay may tatlumput-pitong (37) kalalakihan at apat (4) na kababaihang certified members ang PISD. Ito’s sina Allan Abulencia, Dennis Abutin, Allan Adduk, Raul Ausemestre, Manuel Banaag, Elmer Baril, Joel Bicoy, Jomari Caranay, Christopher Dayrit, Vergilio de Vera, Dennis Dilao, Rolando Fontanilla, Gilbert Getez, Garry Hije, Conrado Jaberina, Oliver Jovellano, Felimon B. Lanaza, Jr., Jayjay Lapena, Rainnier Lauguico, Rhuniel Legaspi, Peter Mabbun, Rodney Kevin Mellado, John Lester Modina, Frederic Ocampo, Michael Pangco, Romulo Pantig, Joey Razal, Allen Rosales, Alvin Rosales, Jason Sikat, Wilfred Jaberina, Francis Franco, Wayne Cruz, Bernard Benitez, Victor Metran, Manuelito Pineda at Michael Angelo, Medylene Ocampo, Maesyl Abonilla, Lee Ann Lozano, at Grace Rondina.

No comments:

Post a Comment