Makikita sa larawan si CDA Ezeddin Tago habang nakikinig sa mga Filipino community leaders. Si CDA Hon. Tago habang nagsasalita kasama si Labor Attache David Des T. Dicang Si CDA Ezzedin H. Tago kasama ang ilang sa mga community leaders.
Max Bringula (Abante ME Edition, 10 November 2010)
Isang espesyal na pagsalubong ang ibinigay at ipinakita ng Filipino Community sa Eastern Province, Saudi Arabia kay Charge d’ Affaires, Honorable Ezzedin H. Tago nang bumisita ito kamakailan sa Alkhobar sa paanyaya ni Labor Attaché David Des T. Dicang ng POLO-Eastern Region Operations, Saudi Arabia.
Si Honorable Tago ang pansamantalang humalili kay Ambassador Antonio P. Villamor na ang tour of duty ay nagtapos noong 30 September 2010. Ang panunungkulan ni Hon. Tago bilang Charge d’ Affaires (CDA) ay nagsimula naman noong October 1 at mananatili siya sa katungkulang ito hanggang may mai-appoint si President Noynoy na bagong Ambassador ng Pilipinas sa Saudi Arabia.
Hindi na bago kay Honorable Tago ang Eastern Province dahil dati-rati na itong nagpupunta sa nasabing lugar. Matagal na rin naman ang pananatili niya sa Saudi Arabia. Taong 1999 nang una siyang mabigyan ng diplomatic assignment at December 2007 nang siya’y mai-assign sa Philippine Consulate sa Jeddah bilang Consul General magpahanggang-ngayon.
Ang pakay ng pagbisita ni Hon. Tago sa Eastern Province ay ang makadaupang-palad ang mga Filipino community leaders roon at alamin kung papaano higit na makapagbibigay-serbisyo ang Embahada at upang hingin ang kanilang suporta sa mga programa nito.
Nagkaroon ng Open Forum kung saan naging sentro ng talakayan ang buwanang Embassy On-Wheels (EOW) na isinasagawa ng Philippine Embassy sa Alkhobar. Hinihiling ng mga Filipino community roon na gawing regular ito at kung maaari ay maragdagan pa ang schedule ng consular services upang higit na mapag-serbisyuhan ang halos apat na raang libong (400,000) OFWs sa Eastern Province.
Ito naman ang tiniyak ni Hon. Tago sa mga Filipino community leaders na naroroon na maisasagawa ng regular ang EOW. Kanyang idinagdag na taliwas sa pagkaka-akala ng marami, hindi budget ang dahilan ng pagkaka-antala at pagpapaliban ng EOW ng mga nakaraang buwan kungdi ang pagpapalit ng issuance ng bagong Passport mula sa MRP (machine readable passport) sa bagong e-Passport (electronic Passport) kung saan kailangang hintayin pa ang pagdating ng mga makinang gagamitin mula sa Pilipinas.
Patunay ng hangarin ng Embahada na maabot ang maraming OFWs sa Eastern Province sa kanilang passport requirements, nagkaroon ng espesyal na EOW nitong nakaraang Huwebes at Biyernes (04 and 05 November) kung saan bumalik sa Alkhobar ang representatives ng Philippine Embassy upang tapusin ang encoding ng 488 applications na di natapos sa nakaraang EOW. Ang susunod na EOW naman para sa buwan ng Nobyembre 2010 ay agad na ipapaalam sa pamamagitan ng Official Advisory na ipapadala ng Embahada sa community leaders. Maaari ring tunghayan ang advisory sa official website ng Philippine Embassy, Riyadh, ang http://www.philembassy-riyadh.org/.
Samantala, magkakaroon din ng consular outreach sa kauna-unahang pagkakataon sa Buraydah sa darating na Huwebes (11 November 2010) sa pangunguna ni Vice Consul Paulo Saret kung saan kasama sa serbisyong ihahatid ay ang pagtanggap ng application para sa e-passport. Ito’y gaganapin sa Al Salam Hotel, Koteb Street, Buraydah mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon (8:00 AM – 5:00 PM).
Mahigit anim-napung (60) community leaders ang dumating sa nasabing okasyon mula sa iba’t ibang community groups tulad ng AFCSCOM – Orlando Flores (Overall Chairman), Max Bringula (Deputy Chairman-Community Affairs), Maria Lourdes Silverio (Deputy Chairman-Sports), Jaypee Vega (Deputy Chairman-Cultural Affairs) Gamaliel Gonzales, Reggie Montana, Ransam Pirote, Carlito Alpay / OFW Congress – Mary Jane Tupas (President), Junielyn F. Marte, Lito Tomas, Jun Mones, Gener Benter, Julius Sebastian, Rowena Sebastian, Cleofe Macatuggal, Pabs Paner / ALFIDASCA – Tyrone Aboyon, Ric Taboaon, Raffy Alberto, Lito Aloriado / Cabalen – Ed Nicdao / Filcom-Jubail - Ador Tanedo, Jerry Lulo / Beta Sigma – Rey Liclican / Bulakenyo – Rey Alejandro, Marc Neira / PSME – Lamberto Pablo / IIEE-ERSA – Rommy S. Ebarola / United Bicolanos – George Palencia / SMPII – Policarpio Esguerra, Edgar Cataluna, Rodolfo Guan / GBI – Allan Custodio, Randy Labrador / D’Heroes Group – Rosendo Espiritu, Emma Espiritu, Atus Leandigho / GRII – Eduardo Saballa, Jether Bacsoria, Rizal Ronquillo / SAHI – Jun Estruche, Florante Catanus, Buddy Alpuerto / Samahang Ilokano – Charlie Rapanut, Robert Espinosa / Hawak-Kamay – Ismael Sulit / Sangkay – Marc Quimunalem / FAHAP – Jessie Navalta / FOWA – Ben Macatungga / CIASI – Felix Cariaga / PPO-SA & IECEP-KSA – Anthony Laid, John Durado / SFFD – Ramil Tolentino, Rene Delfin / Pag-asa Community Support Group – Randy Castro / Desert Fox Shooters – Jerome Pagunsan / ARCC – Rene Casiano.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment