Makikita sa larawan (mula sa kaliwa) sina Engr. Bong Laid, PPO-SA President, Labor Attaché David Des T. Dicang, Ms. Mary Jane Tupas, Bagong Bayani awardee and President of OFW Congress at Mr. Edwin Relox ng Zamil na siyang main sponsor ng okasyon. Board of Directors ng UAP-KSA-EPC para sa taong 2010-2011. Ang mga nag-graduates at soon-to-be Architects.
Max Bringula (Abante ME Edition, 29 November 2010)
Nagdaos kamakailan lang ng General Membership and Assembly para sa taong 2010-2011 ang grupo ng mga architects sa Eastern Province, Saudi Arabia, ang United Architects of the Philippines, KSA-Eastern Province Chapter (UAP-KSA-EPC). Ang okasyon ay may theme na “Strategic Diversification and Unity Among Overseas Filipino Architects”.
Ito’y ginanap sa Dhahran Palace Hotel, Dhahran, Saudi Arabia noong Biyernes, 05 November 2010 na dinaluhan ng miyembro ng UAP-KSA-EPC, mga aspiring architects, at ng kani-kanilang pamilya, kaibigan at mga imbitadong bisita.
Si Labor Attaché David Des T. Dicang ng POLO-Eastern Region Operations ang naging Panauhing Tagapagsalita kung saan kanyang tinalakay ang ilang mga mahahalagang alituntunin ng bagong Saudi Labor Law na nagbibigay proteksiyon sa mga skilled at professional workers tulad ng mga architects. Ito’y labis na ikinatuwa ng mga dumalo sa dahilang maraming mga OFWs ngayon ay pawang mga professionals at ang ilan ay mga bagong graduates pa. Mas pinili nilang mangibang-bayan kaysa makipagsapalaran sa atin. Kung kaya’t ang pagbibigay katiyakan ng kanilang kaligtasan habang nasa ibang bayan ay makapagpapawi ng kanilang pangamba at agam-agam.
Nagsimula ang seremonya sa isang Invocation na pinangunahan ni Arch. Deyts Ayson at agad sinundan ng pag-awit ng Philippine National Anthem at UAP Hymn sa pangunguna ni Arch. Joselito A. Diasanta, Chapter Director.
Pagkatapos nito, nagbigay ng Opening Remarks si Arch. Liyo C. Cefre, UAP-KSA Chapter President. Ayon kay Mr. Cefre, ang tagumpay ng isang organisasyon ay nakasalalay sa bawat indibiduwal. Bagama’t magkakaiba ang orientation at ang karakter ng bawat isa, ito’y di hadlang upang makamit ang tagumpay kung ang pagkakaisa at pagtutulungan ang ipapairal.
Samantala, pinangunahan naman ni Arch. Arsenio Q. Laborte, VP-Operations ang pagpapakilala kay Labor Attaché David Des bilang Panauhing Tagapagsalita. Matapos nito, isang Plaque of Appreciation ang ipinagkaloob ng UAP-KSA-EPC sa butihing Labor Attaché.
Tampok din sa nasabing okasyon ang pagpaparangal sa Top Ten Reviewees ng Foreign Licensure Examination for Architects (FLEA) na pinangunahan ni Arch. Dionne Monteloyola, VP-Program and Development kasama ng iba pang Board of Directors ng UAP-KSA-EPC. Isang inspirational message naman ang ibinahagi ni Engr. Bong Laid, ang kasalukuyang Pangulo ng Philippine Professionals Organization sa Saudi Arabia o PPO-SA, sa mga reviewees.
Nagkaroon din ng Product Presentation ang bawat Sponsors at ang pagkakaloob ng Plaque of Appreciation bilang pasasalamat ng UAP-KSA-EPC sa mga sponsors nito. Gayundin, ang pagbibigay ng Certificate of Participation sa mga lumahok na grupo at indibiduwal sa nakaraang 2010 PPO Sportsfest sa pangunguna ni Arch. Liyo C. Cefre bilang Chairman ng PPO-SA Sportsfest.
Upang magbigay sigla sa okasyon, isang natatanging awitin ang inihandog ni Melissa Cefre bilang Intermission Number.
Ang UAP-KSA-EPC ay binubuo ng mga sumusunod na Board of Directors:
Liyo C. Cefre (President), Dionne S. Monteloyola (Vice-President for Program and Development), Arsenio Q. Laborte (Vice-President for Operation), Geraldin G. Suede (Secretary), Ronald Z. Cruz (Treasurer), Perfecto S. Catis, Jr. (Auditor), Directors (Celfred G. Recato, Hermoso Y. Delos Reyes, Rosario F. Fernando, Joselito A. Diasanta, Joel Catiis and Francis F. Fernandez), and Ex-Officio, Errol J. Pineda (President, 2009-2010).
Sina Arch. Geraldin G. Suede (Chapter Secretary) at Arch. Angelito M. Pangilinan ang siyang naging Master of Ceremonies.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment