Wednesday, December 22, 2010
Volleybelles ng MDH, Muling Nagpakitang-gilas
Max Bringula (Abante ME Edition, 15 December 2010)
Sa isang kapana-panabik na larong nasaksihan sa pagitan ng IPSA (International Philippine School in Alkhobar) Selection Volleyball Team at ng koponan ng Mohammad Dossary Hospital (MDH), muling nagpakitang-gilas ang tinaguriang Volleybelles ng MDH, ang defending champion ng Volleyball Tournament ng taong 2009.
Sa Best of Five match na isinagawa sa pagitan ng dalawang koponan, tuloy-tuloy na inungusan ng MDH Volleybelles ang IPSA Selection upang tanghaling panalo sa labang nabanggit.
Ang MDH Volleybelles ay kinabibilangan ng mga empleyado ng Mohammad Dossary Hospital na sina:
Dennis Hipolito (Coach), Junielyn Marte (Captain Ball), Analyn Imperial, Roselyn Iguiron, Myca Galinato, Elaine San Jose, Rachelanne Ho, Paola Calinog, Gina Maristela, Antonette at Marina.
Ang larong ito’y bahagi ng kasalukuyang nagaganap na 5th IPSA Sports Fest 2010 kung saan di lamang Volleyball ang kabilang kungdi kasama rin ang sports na Basketball, Badminton, Table Tennis, Lawn Tennis, Chess at Bowling. Ang IPSA Sports Fest ay itinaguyod para sa mga magulang ng mag-aaral sa IPSA sa hangaring mabigyan sila ng partisipasyon sa larangan ng sports o palakasan.
Layunin din sa Sports Fest na ito ang pagpili ng magagaling na volleyball players sa womens division na siyang kakatawan sa eskuwelahan sa 22nd Foundation Day sa isang Exhibition Match sa pagitan ng IPSA Selection at MDH Volleybelles.
Ang palarong ito ay in-organisa ng masisipag at sports-minded na community leaders na kinabibilangan nina:
Mr. Rudel D. Mariano (Commissioner), Mr. Mike Cruz (Deputy Commissioner), Mr. Rod Malabanan (Secretary), Mr. Bong Buella (Treasurer), Mr. Mohammad Ho (P.R.O.), Mr. Primar Asuncion (Business Administrator), at Mr. Rommee Quizon (Auditor).
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Good AM kabayan. Sarap tingnan na mayroon tayong mga “Professionals”, di ba? Kaso mayayabang 90% dyan. Nagiging dahilan para mapasama ang images ng mabababa. 16 years na ako dito. – from a reader in KSA.
Good PM po, Mr. Max. Na-save ko lang po itong number nyo from newspaper na nabasa ko before. Magtatanong lang po sana ako kung puwede. Balak ko po kasi magbakasyon this coming year. Mag-e-expire na ang passport ko, kahit po ba renewal doon sa POEA o DFA, need pa rin ng appointment? Kasi po di ko pa sure kaylan talaga flight ko. Baka naman po puwede advise. Thank you very much. – from Necy of Saudi Arabia
Dear Necy, exempted ang OFW sa Appointment System na ipinapatupad ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa atin. Kung kaya’t maaari kang mag-renew sa DFA ano mang oras at di na kailangang magpa-appointment. Dalhin mo lamang ang mga mahahalagang dokumento na kakailangan tulad ng iyong kasalukuyang pasaporte. – Max
Good evening po, Sir Max. Hope ok lang kayo. Si Maya po eto dito sa Bahrain. Ask ko po tungkol sa pinsan ko. Kasi yung passport niya expired na po three months ago. Hindi pinare-renew ng amo niya. Now gusto na niya ipa-renew. Ask ko lang po kung magiging madali lang po ba ang pag-renew niya kasi expired na, at parehas lang po ba ng bayad sa passport na mag-e-expire pa lang? – from Maya of Bahrain
Hi Maya, parehas lang ang proseso kahit matagal nang expired ang passport at ipapa-renew pa lang. Ang bayad ay ganoon din tulad ng ibang nagpapa-renew sa Pilipinas man o sa labas ng bansa. Subalit huwag ng patagalin ang pagpapa-renew. Mas mainam na ang passport natin ay laging valid para kung ano mang oras na kakailanganin nating umalis ay makaka-alis agad dahil valid ang pasaporte.- Max
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment