Tuesday, November 2, 2010

Paalala sa Paggamit ng Facebook

by Max Bringula (Abante ME Edition, 30 Oct 2010)

Ikaw ba’y may FB account na (short form ng Facebook), o suki ka na ba ng mga networking programs tulad ng Facebook, Twitter, Friendster o Multiply? Ang tawag dito’y social networking o ang pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan at kakilala via cyberspace o gamit ang internet.

Ito ngayon ang pinagkakaabalahan ng marami, ng mga FB adiks kung ituring. Na pagka-gising na pagka-gising pa lamang sa umaga ay FB na. At bago matulog sa gabi, hindi pwedeng di muna mag-e-FB. Yung iba nga’y nagmu-multi-tasking. Isanasabay ang FB sa trabaho, sa opisina man o sa gawaing-bahay.

Maraming nawiwili rito, lalo na sa Facebook na siyang pinaka-popular na social networking sa buong mundo ngayon, di lamang sa mga kabataan o young ones, kungdi maging sa mga “young once” upon a time. Kunsabagay, wala naman kasing age limit ito, pwera na lang yung mga talagang bulilit pa. Kahit sino, pwedeng magkaroon ng Facebook accounts (o anu mang networking accounts) – babae man o lalaki, bata o matanda, ordinaryong indibiduwal o isang propesyonal, nag-oopisina o nasa bahay lamang. Kahit saan mang lugar, ano mang oras o ano mang panahon at sitwasyon basta may internet connection, pwede mag-FB. And that is the wonder of networking. It crosses boundaries of space and time.

Ang Facebook ay brainchild ni Mark Zuckerberg, isang 19 years old na estudyante ng Harvard University sa Amerika. Taong 2003 nang magka-ideya siyang buuin ang Facebook. Makalipas ang pitong taon, isa na itong household name. Siya’y bukambibig ninuman at masasabing hindi ka “in” kapag wala kang Facebook account. Sa ngayon, si Zuckerberg ay kasama sa top ten billionaires sa Amerika.

Kunsabagay, malaking tulong kung tutuusin ang pagkakaroon ng Facebook account lalo na sa mga OFWs o yaong nasa malalayong lugar. Sa pamamagitan ng FB hindi napuputol ang komunikasyon sa pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay. At dahil may chat features din ito, lalo siyang nagiging kawili-wili sa marami. Bagamat walang pang webcam facility ito, maaaring darating ang araw na magkakaroon na rin.

Ang FB ay nagiging daan din upang muling makita ang mga dating kaibigan, klasmeyt, ka-trabaho, at mga mahal sa buhay na nawalay. Nagiging instrumento rin siya para makakilala ng bagong kaibigan, o maging ng makakasama sa buhay.

Subalit kung gaano ito kapaki-pakinabang sa marami, maaari rin naman itong makapagdulot ng kapamahakan sa iba kung hindi mag-iingat sa paggamit. Maaari siyang maging daan sa mga may masasamang balakin upang makapanloko o mang-biktima ng kapwa.

Upang di mabiktima, narito ang ilang mga safety reminders na dapat tandaan ng mga gumagamit ng FB. Ito’y aking akda (in English) na nai-share ko sa aking mga FB friends. Nais ko rin siyang ibahagi sa mga mambabasa ng Abante ME Edition.

1) Change the Setting of your Account. There are two ways to do that.

Go to Account and set your Setting either to Friends of Friends or Friends Only. But don’t use “Everyone” unless you wish to, OR

You may use Customize where you can decide yourself which and what can be seen by others in your Account.

2) Hide your Name from Facebook Search Results. This is if you do not want others to find you. How to do that – don’t use your first name or surname, but use aliases. But if you wish that your old friends and acquaintances find you, then using your real name is fine.

3) Don’t Talk to Strangers. Be cautious in adding people if you’re unsure of who they are. Unless you know them, refrain from doing so. Better check their profile first before being tempted to add them up. And never chat to people you don’t know. Remember, “don’t talk to strangers”.

4) Limit Your Personal Information. Provide your personal information only to friends and those you know. This will protect users from stalkers and others with evil intent. Do not provide even the year and place you were born as this could be a gateway for the thieves to predict the numbers and passwords you might be using. Well, most of the guys I knew didn’t really put the year of their birth, intentionally. It sure helps – not just in hiding their age, but in keeping the thieves away.

5) Do Not Post Your Mobile Numbers in Facebook. This is a big No, No. Even your landline numbers and home address. Lest you’re inviting everyone to your place for a feast.

6) Be Discreet. Photo Albums should be set to Private as much as possible. Avoid photos that would positively identify the place where you are, especially of religious gatherings in a country or land where such is not permitted.

7) Sign Out. This is a must. Never leave your account open even if you’re using your own laptop or netbook (or desktop). Before shutting down, make sure that you log out.

TSD Readers’ Corner:

(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)

Correction sa Nailathala sa “Sleeping Giant” Awakens

Nais po naming itama ang nabanggit sa bahagi ng nakasaad sa “Sleeping Giant” Awakens / AFCSCOM Held Induction (published on 26 Oct 2010) kung saan binabanggit ang anim na bagong miyembro ng AFCSCOM. Sa halip na UPSA o Ulupan na Pangasinan ed Saudi Arabia, ito’y dapat UFSA o United Filipino Sports Association. Our apology – Max.

1 comment: