by Max Bringula
(published in Abante ME Edition, 10 Feb 2012)
Inihayag kamakailan lamang ng Ambassador ng Pilipinas sa Saudi Arabia, Hon. Ezzedin Tago, ang naging resulta ng kanyang pagbisita sa Saudi Ministry of Health (MOH) nitong 18 January 2012.
Sa naganap na pulong sa pagitan ng Ambassador at ni H.E. Dr. Abdullah A. Al-Rabeeah, Saudi Minister of Health, tinalakay ang proposal na Training Program for Nurses na isang joint collaboration ng MOH at ng DOLE (Department of Labor and Employment). Ang programa ay naglalayon na mapainam pa ang kaalaman at abilidad ng mga nurses na nagtratrabaho sa Saudi Arabia, at maragdagan ang mga medical personnel, di lamang ng nurses, kungdi maging sa research at academe o sa larangan ng pagtuturo.
Ayon sa statistics ng Saudi Ministry of Health, mayroong 117,000 Filipinos na nagtratrabaho sa medical sector ng bansa, at karamihan sa kanila ay nurses.
Nakasama ni Amb. Tago sa pagbisita sina Second Secretary and Consul, Roussel Reyes, at Labor Attache Albert Valenciano.
Samantala, inihayag kamakailan ng Philippine Embassy sa Riyadh ang kasunduan ng Saudi Embassy sa Manila at ng DOLE patungkol sa ipapatupad na kontrata para sa mga household service workers (HSW) na nagtratrabaho sa Saudi Arabia.
Magkakaroon na ng standard employment contract ang mga HSW kung saan malinaw na nakasaad kung sino ang may responsibilidad na mag-repatriate sa HSW sa oras na sila’y pauuwiin at ang pagbibigay ng day-off o weekly rest days.
Batay sa bagong kontrata na ipapatupad, magkakaroon na ng day-off o isang araw na pahinga o rest day sa isang linggo ang HSW o yung mga nagtratrabaho na katulong, at walong oras na pahinga araw-araw.
Gayundin, maaari na na ang HSW ang magtago ng kanilang passport at di na kukunin ito ng employer. Pagkakalooban din sila ng free ticket kada taon. (Source: Arabic Daily, Al-Hayat)
Napagkasunduan din na ipagbubukas ng employer ang kanyang katulong ng bank account kung saan doon itra-transfer ang suweldo ng katulong kada buwan. Naatasan din ang mga employer na tiyakin na mabigyan ng disenteng accommodation o housing at tamang pagkain o food allowance ang kanilang mga katulong.
Bukod pa rito, ang employer din ang dapat magbayad ng lahat ng visa-related fees ng kanilang katulong mula sa pagdating, pananatili at pag-alis sa Saudi. Dapat ding itrato ng mga employer ang kanilang katulong ng tama at maayos, at hindi pagtratrabauhin sa ibang bahay.
Upang matiyak na mapapatupad ang isinasaad sa bagong kontrata, kailangan na may approval ng Saudi Ministry of Foreign Affairs at ng DOLE ang bawat kontrata ng HSW. Maaaring ding i-refer ng Ministry of Foreign Affairs ang kontrata sa Ministry of Labor kung kakailanganin.
Bagama’t di nabanggit ang halaga ng suweldo ng isang HSW, ito’y tinatayang ayon pa rin sa ipinatupad ng POEA noon pang December 2006 na US Dollars 400.
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Renewal ng Passport
Magre-renew po sana ako ng passport. Nandito po ask sa Jubail. Saan po ba dapat mag-renew? – from Harold Ramos in Saudi Arabia.
Dear Harold, may Consular Outreach ang Embahada kada buwan dito sa Eastern Province, o yung tinatatawag nating Embassy On-Wheels. Ito’y ginaganap sa Al Jazeera School Dammam, sa may Rakah District, Alkhobar. Dito ka pumunta kapag nais mong mag-renew ng passport. Ang susunod na schedule ay sa 23 and 24 ng February 2012. Subalit bago yan, kailangang magpa-appointment ka muna. Narito ang pwede mong pagpiliang gawin para makakuha ng appointment. - Max
Mag-email sa: eowappointment@philembassy-riyadh.org
(Ilagay sa eMail ang iyong kumpletong pangalan, contact number, at ang siyudad sa Saudi Arabia kung saan ikaw ay nagtratrabaho o naninirahan)
Mag- SMS (text): send a text message to 0540269731. Ganito ang ilalagay sa text. Example: EOW Juan Santos Dammam
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535. Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment