Ang ilan sa mga opisyales at miyembro ng PSME-SA. Si Engr. Ransam Pirote, Bagong Bayani awardee at past president ng PSME-SA sa isang pagsasanay na kanilang ginanap. Si Engr. Ben Cesora at Engr. Gabby Ignacio sa isang okasyon ng PSME-SA.
by Max Bringula
(published in Abante ME Edition, 04 March 2012)
Isang “First Membership Meeting” ang idaraos ng Philippine Society of Mechanical Engineers, Saudi Chapter (PSME-SA) para sa taong 2012. Ito ang inihayag ng kasalukuyang Pangulo nito na si Engr. Mamerto O. Juanite.
Gaganapin ang nasabing pulong sa Al Gosaibi Recreation Center, Al Gosaibi Hotel, Alkhobar, Saudi Arabia, sa March 9, 2012, kung saan inaanyayahan ang lahat ng Filipino Mechanical Engineers at Mechanical Engineering Practitioners sa Saudi Arabia na dumalo.
Sa temang “Strengthening Technical Competence Through Continuing Professional Education”, tatalakayin sa okasyon ang paglilinang at pagpapahusay pa ng kakayahan at kaalaman ng mga inhenyero sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral.
Sa ganitong layunin, di lamang financial benefits ang makakamit sa pagtratrabaho sa abroad kungdi ang mapalago ang kani-kanilang karerang kinabibilangan at maisagawa ang hangaring makapag-ambag sa ikauunlad at ikatatagumpay ng mechanical engineering profession.
Ang PSME ay unang itinatag sa Pilipinas noong taong 1952. Binuo ito upang mapanatili ang integridad sa nasabing propesyon sa pamamagitan ng pagsisikap na mapahusay ang pagganap sa napiling larangan. Ito’y kanilang naisasakatuparan sa pagsasagawa ng iba’t ibang symposium at seminars, conventions, at patuloy na komunikasyon di lamang sa mga miyembro nito kungdi sa lahat ng certified at practicing mechanical engineers.
At upang mapalawak pa ang matutulungan at maaabot ng grupo, kanilang binuo ang Saudi Arabia chapter noong 1990 kung saan ang pinaka-base o headquarter ay ang Alkhobar.
Sa kasalukuyan, ang PSME – Saudi Arabia Chapter ay binubuo at pinamamahalaan ng mga sumusunod na opisyales:
Mamerto O. Juanite – President / Alexis M. Serapio – VP Internal /Jeffrey F. Singson – VP External / Winifredo A. Oracion – Secretary / Arculo L. Concon – Treasurer / Rio A. Pascasio – Auditor / Ronaldo D. Liwanag – Business Manager / Alan Krishner D. Abellana – Asst. Secretary / Cesar P. Orcena – Asst. Treasurer / Henry P. Regalado – Asst. Auditor / Gregory C. Sugano – Asst. Business Manager / Virgel C. Ang – BOD / Demostenes S. Deceo – BOD / Peter B. Consebido – BOD / Arsenio M. Ortega – BOD at Rohenio L. Pangilinan – Past President
Para sa mga nagnanais na makabilang sa grupo o kung may katanungan at paglilinaw kayo na nais ninyong ipaabot sa PSME-SA, maaari kayong bumisita sa kanilang website, http://www.psme-sa.com/ o kaya’y mag-eMail sa info@psme-sa.com.
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Numero ng Embahada sa Kuwait
Puwede po ba na mahingi ang telephone number ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait. Maraming salamat po. – from Vicky of Dammam, Saudi Arabia.
Hi Vicky, eto ang numero na puwede mong tawagan: 00(965)-25346507 / 00(965)-25346508 / 00(965)-25325162
Eto naman ang kanilang address:
Block 7, St. 103, Villa No. 44, Jabriya
P.O. Box 26288 Safat 13123, Kuwait
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535. Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment