Ang PBL ExeCom sa kanilang pulong na isinagawa para sa pagsisimula ng PBL Season 7.
by Max Bringula Chavez
(published in Abante ME Edition, 03 April 2012)
Ang pinakaka-abangang liga ng basketball sa Eastern Province, Saudi Arabia, ang Pag-asa Basketball League o PBL na ngayon ay nasa Season 7 na ay muling na namang mapapanood ng mga tagasubaybay at supporters nito simula sa April 6, 2012.
Sa isang grand opening ang inihahanda ng pamunuan ng Pag-asa Community Support Group, na gaganapin sa Al Jazeera International School in Dammam simula sa ika-apat ng hapon ng Biyernes, magkakasama-sama ang mga bigating koponan ng PBL para pasinayahan ang paninimula ng PBL Season 7.
Sa temang “Encourage One Another and Build Each Other Up” ang liga sa taong ito ay opisyal na tatawaging PBL Season 7, CWWSA Cup 2012.
Tinatayang magiging isang makulay at kapana-panabik ang Season 7 tulad ng mga nakalipas na taon kung saan maraming koponan ang lumalahok at umaasa na makamit ang prestihiyosong tropeo ng PBL.
Sa taong ito, may labing-siyam na koponan ang nakapasok na hinati sa dalawang Division, ang Class A Category na may anim na koponang maglalaban-laban at ang Class B naman na may labing-tatlong koponan.
Inaasahang magiging maigting ang labanan sa Division A kung saan magkakaharap ang mga malalakas na koponan ng PBL tulad ng:
GMC Thunder – ang 3-times PBL Champion sa tatlong taon na magkakasunod mula Season 3 hanggang Season 5 / JIL Theos – 2-times PBL Champion (Season 1 and Season 6) / at ang perennial contender na JCLORIM Warriors.
Kasama ng mga nabanggit ang tatlo pang koponan na nakapasok sa Division A at kinakitaan ng kakaibang puwersa ng kanilang manlalaro. Ito’y ang DBD-Agape, CLSF-Emman at CCWIM 1. Ikalawang pagkakataon na ng DBD-Agape na mapabilang sa Division A, at ang CLSF-Emman at CCWIM 1 naman ay ngayon pa lamang mapapasali sa Division na ito.
Sa Division B naman, magsasagupa ang mga sumusunod na koponan:
Group B1: DDU 1, JTLG Corinthians, CLSF-Emman 2, CLSF-TJM4, POPCF Knights at PFC / Group B2: DDU 2, JCPP, JCILSA Kawal, CLSF-Emman 3, JUSL, JLRR at CCWIM 2.
Samantala, tulad ng mga nakaraang Seasons ng PBL, ang Opening Ceremony ay sisimulan sa makulay na Parade of Teams kasama ng mga naggagandahang Muse ng bawat koponan. Pagkatapos nito’y magkakaroon ng Oath of Sportsmanship at ang paggawad ng parangal sa mga napiling Best in Uniform, Most Organized Team at ang PBL Best Muse of Season 7.
Ang Inspirational Remarks ay dadalhin naman ng representatives ng Embahada ng Pilipinas mula sa POLO-ERO (Eastern Region Operations). Inaasaan din ang pagdalo ng ilang mga Filipino Community leaders at personalities, kasama na ang mga mamamahayag at tagapagbalita ng iba’t ibang telebisyon at pahayagan tulad ng The Filipino Channel ng ABS-CBN Middle East sa pangunguna ng ating kasamahan na si Florante Catanus, at ng mga tagapagbalita ng Abante ME Edition.
Sa ikalawang pagkakataon, muling magkakaroon ng Cheering Competition na siyang isa sa mga highlights ng PBL Opening. Sinimulan ang nasabing competition noong nakaraang Season 6 na siyang nagparagdag ng kulay at sigla sa PBL. Kaya’t napagpasiyahan ng pamunuan nito na ipagpatuloy ang competition di lamang sa taong ito kungdi sa bawat seasons na darating.
Sa pangunguna ng 3-times Commissioner ng PBL (Season 5, 6 and 7) na si Tim Mallari, kanyang ipinararating ang paanyaya ng PBL ExeCom sa lahat ng mga basketball aficionados na suportahan ang ligang ito na ang layunin ay di lamang upang magkaroon ng physical fitness at mental alertness ang mga miyembro nito at bawat manlalaro, kungdi ang maging kabahagi sa pag-abot sa mga kapus-palad nating kababayan sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng Pag-asa Community Support Group para sa mga distressed OFWs.
Ang 2012 Executive Committee ng PBL ay binubuo ng mga sumusunod:
Tim Mallari – Commissioner / Robert Yumang – Asst. Commissioner / Arthur S. Valeros – Secretary & Finance / Ruben Panzo – Technical Committee Head / Rene Villasante – Table Committee Head / Frederick Belen – Support Head / Jeremy Perez – Logistics Head / Henry Ayangco – Asst. for Technical Committee / Junald Pellazar – Asst. for Table Committee / Jessie Veloso – Asst. for Logistics / at Max Bringula – PBL Adviser and Program Committee Head.
Kasama rin ng ExeCom sa pagpapatupad ng liga ay ang Table Committee Members na sina Melchor Navarra (DBD), Jun (JCLORIM), Tony Apo (POPCF), Bong/Jonwel /Allan (JCILSA), Joel/Toto/Arniel (CLSF), at ang Members ng Support na sina Luis (JCLORIM), Albert (JCPP), at Fher (DDU).
Ang tournament date ng PBL Season 7 ay tinatayang magtatagal ng mga hanggang tatlong buwan, at ito’y gaganapin tuwing Huwebes at Biyernes mula alas-singko ng hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment