Monday, April 30, 2012

Kolehiyo sa Saudi, Pwede Na

by Max Bringula Chavez
(published in Abante ME Edition, 30 April 2012)

Maaari ng mag-kolehiyo ang mga anak ng OFWs na nakatira sa Saudi Arabia o kaya naman ay kumuha ng post-graduate degrees ang sino mang OFWs na nagnanais na i-pursue ang kanilang career.

Kamakailan lamang ay pinasinayahan ang extension ng AMA-Philippines sa Saudi Arabia, ang AMA Jeddah International Institute na matatagpuan sa Mall of Arabia, Jeddah. Kumpleto sa facilities ang paaralan tulad ng library, lecture rooms, at computer and internet rooms.

Tatlong kurso ang pwedeng kunin ng sino mang nagnanais na magkolehiyo sa AMA, ito ay ang Business Administration, Computer Engineering at Information Technology, at OFW-friendly ang oras ng pag-aaral na ino-offer nila.  May morning, afternoon at evening sessions na maaaring pagpilian lalung-lalo na yaong mga mag-aaral na may trabaho rin at the same time.

Bagama’t sa ngayon ay Associate Diploma muna ang matatanggap ng magtatapos sa 2-year course na ino-offer ng AMA Jeddah, at kung nagnanais na i-pursue ng estudyante ang bachelor’s degree ay maaari niyang tapusin ang natitirang dalawang taon sa Pilipinas.

Samantala, isang Educational Cooperation ang nalalapit na simulan sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia.  Ito ang ating napag-alaman sa pagbisita ng Ambassador ng Pilipinas sa Saudi Arabia, Hon. Ezzedin H. Tago kay H.E. Dr. Osama Sadik Al-Tayeb, Pangulo ng King Abdulaziz University sa Jeddah.  Kasama ng Ambassador na bumisita sa Unibersidad si Consul General Uriel Norman Garibay.

Si Ambassador Tago habang kausap ang Pangulo ng King Abdulaziz University sa Jeddah na si H.E. Dr. Osama Sadik Al-Tayeb sa tanggapan nito. 

Ayon kay Dr. Al-Tayeb, handa ang Unibersidad na tanggapin ang mga Pilipinong nagnanais na kumuha ng post-graduate degrees sa iba’t ibang larangan.  Bukas din sila sa posibilidad na kumuha ng mga Filipino teachers and instructors upang maging bahagi ng kanilang teaching and research staff. 

Dagdag pa rito, maaaring silang magsagawa ng educational exchanges and visits, joint scientific and academic research at iba’t iba pang uri ng pagtutulungan sa edukasyon bilang bahagi ng education cooperation agreement ng dalawang bansa.

Ipinaabot naman ng Ambassador ang pasasalamat sa 150 scholarships grant na ibibigay ng Saudi government sa mga eligible Filipinos.  Ang scholarships na ito ay tiniyak mismo ng Saudi Minister of Higher Education na si Dr. Khaled Al-Anqari sa pagbisita kamakailan ni Ambassador Tago sa opisina nito.

Binanggit naman ni Dr. Al-Tayeb ang paghanga sa mga Pilipino na nagtratrabaho sa King Abdulaziz University Hospital bilang mga nurses at medical professionals na ayon sa kanya ay “excellent workers and extremely professionals”.  Naglalayon din sila na magdagdag pa ng Filipino medical professionals sa kanilang nursing staff.

TSD Readers’ Corner:

(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)

Medical and Dental Mission

Maaari nyo po bang i-anunsiyo ang mga petsa ng darating na medical at dental mission? – from Sonny Lozano, Family Driver in Dammam, Saudi Arabia

Dear Sonny, salamat sa iyong tanong/kahilingan.  Sa ngayon ay wala pa tayong alam na isasagawang Medical at Dental Mission na kadalasan ay pinangungunahan ng Filipino community groups dito sa Eastern Province.  Gayunpaman, sa oras na may alam tayo ay agad natin itong ipapaalam.  Samantala, tiyak na magkakaroon ng ganitong activity sa darating na pagdiriwang ng ating Independence Day sa buwan ng Hunyo.  Antabayanan ninyo ito. - Max

(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535 begin_of_the_skype_highlighting            00-966-502319535      end_of_the_skype_highlighting.  Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)


No comments:

Post a Comment