by Max Bringula Chavez
(published in Abante ME Edition, 31 Jan-12)
Sa bagong Guidelines na inilabas ng Philippine Bureau of Immigration kamakailan, may mga mahahalagang inpormasyon na dapat malaman ng mga bagong manggagawa o yaong first time na magtratrabaho sa abroad.
Ang circular ay lumabas noong 12 January 2012 at ngayo’y malawakang ipinatutupad sa lahat ng international airport at sea port ng bansa.
Narito ang mga dapat tandaan ng kapwa natin OFWs lalo na yaong mga aalis pa lamang ng Pilipinas for the first time:
1) Tiyakin na taglay ninyo ang mga sumusunod na dokumento na siyang isa-submit sa Immigration sa Pilipinas para makalabas ng bansa – valid passport, visa, airline o sea craft ticket, at overseas employment certificate (OEC).
Dapat na ang mga nabanggit na dokumento ay validated ng Labor Assistance Center (LAC). Ang LAC ay matatagpuan sa mga international airports at seaports ng Pilipinas.
2) Tiyakin na ang visa ninyong hawak o nakatatak sa inyong passport ay valid at lehitimo. Kung may discrepancy o pagkakaiba sa position/job title kumpara sa nakalagay sa OEC, dapat magbigay ang Ahensiya na nag-process ng inyong pag-alis ng Undertaking on Visa Usage (VVU), at ang manggagawa naman ay dapat mag-submit o gumawa ng Declaration of Awareness and Consent. Ang dalawang dokumento na ito ang dapat ipakita sa LAC para i-validate ang inyong papeles at mapayagan kayong umalis.
3) Ang mga Household Service Workers (HSW) ay di sakop ng Undertaking on Visa Usage (VVU). Kung kaya’t dapat ang visa na hawak ay yung para sa Household Service Workers lamang. Hindi puwedeng gumamit ng ibang visa. Ang HSW ay di paaalisin ng bansa kapag magkaiba ang visa niya sa kanyang aktuwal na trabaho.
4) Tiyakin na ang inyong papeles ay hindi “reprocess” o yaong ang dokumento na inyong tangan ay para sa iba pero ipinagamit sa inyo. Malalamang “reprocess” ang inyong dokumento kung ang job description/position sa visa ay iba sa nakasaad sa OEC, PDOS Certificate, at iba pang mahahalagang papeles tulad ng kontrata. O kaya naman, ang pangalan ng employer o ng kumpanyang pagtratrabauhan ay magkaiba sa nakasaad sa work visa at sa OEC.
Pag nagkagayon, di papaalisin ng Immigration ang manggagawa at kukumpiskahin ang mga dokumentong hawak at dadalhin sa POEA upang doon ay magkaroon ng imbestigasyon.
Para naman sa mga Balik-Manggagawa (o returning workers) at nagbabakasyon lamang, kailangan ding tiyakin na tangan ang mahahalagang dokumento kapag babalik na sa bansang pinagtratrabauhan tulad ng passport, valid visa, airline o sea craft ticket, at OEC na in-issue ng POEA kung sa atin kumuha o ng POLO kung sa bansang pinagtratrabauhan kumuha.
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Pagkuha ng OEC (Overseas Employment Certificate)
Ako po si Marilou na nagtratrabaho sa Dhahran, Saudi Arabia. Saan po ako puwedeng makakuha ng OEC? Magbabakasyon ako ngayong March 20, 2012. Gusto ko sanang dito na kumuha. Ano po ba ang kailangang dalhin at saka anong araw at oras po bukas ang opisina at saang lugar po? – from Marilou in Saudi Arabia.
Marilou, may schedule na inilaan ang POLO-Eastern Region Operations sa mga gustong kumuha ng OEC. Ito ay isinasagawa tuwing Miyerkules at Huwebes mula ala-una hanggang alas-kuwatro ng hapon. (1:00-4:00) sa Al Bustan Hotel, Alkhobar. Ang mga kailangan mong dalhin ay valid passport at kopya ng e-Ticket (o airline ticket). - Max
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535. Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Kuya Max,
ReplyDeleteAko po ay first timer bound for Kuwait as IT Section head sa job offer at sa visa ko ang nakalagay ay section head pero kanina sa pdos ang nakasulat sa certificate ko ay sales associate tinanong ko ang agency at ang sabi nila ay wala kasing job order para sa section head kaya sales associate ang ipinagamit. Hindi po kaya ako magkaproblema nito pag alis ko?
To add job offer palang ang nasign ko ang sabi nila ang contract isisign pag malapit ng umalis. Ganinto po ba ang natural na proseso?
ReplyDelete