Tuesday, January 3, 2012

Bagong Taon Na! Anong Bago?


by Max Bringula Chavez
(published in Tinig sa Disyerto, Abante ME Edition, 04 January 2012)

2012 na!
Parang kaylan lang ang 2011, ngayon ay bagong taon na naman. Isang taon ang muling nalagas sa dahon ng panahon upang bigyan-daan ang paninimula ng bago.

Subalit ano nga ba ang bago sa bagong taon?

May pagbabago ba na dapat tayong abangan? Pagbabago na dapat isagawa sa personal na buhay, sa trabaho o sa ano mang larangan na ating kinabibilangan?

Dahil bago ang taon, nararapat lamang na may bago at hindi yung dati pa rin na ating nakagisnan na’t nakagawian na kadalasan sa halip na ang dulot ay tagumpay, ay lungkot at kabiguan ang ating nakakamtan.

Mga pananaw, ugali at gawain na minsan o kadalasan ay siyang sanhi ng ating lalo pang pagkalugmok sa halip na umangat sa buhay. Mga taon na nasayang at kalakasang naubos at katawang pinanghina na, ngunit wala pa ring pagbabago na nakita o naaninag man lamang sa takbo ng ating buhay.

Likas naman sa tao ang hangarin na magbago o magnais ng pagbabago. Kahiman ang pusakal na kriminal ay naghahangad din ng pagbabago. Bato man kung minsan ituring ang puso, lumalambot din at napapaamo at nagnanais na magbago.

Kaya nga’t kapag sumasapit ang Bagong Taon, may gumagawa ng New Year’s Resolution na bagama’t hindi isandaang porsiyentong natutupad, nakakatulong din pagkat nakapag-iisip tayo na magbago o gumawa ng sa tingin natin ay makabubuti.

May paniniwala pa tayo at mga ginagawa kapag magpapalit na ang Taon tulad ng pagsusuot ng damit na may mga hugis bilog o disenyong polka dots, ang paglalagay ng pera sa bulsa o pitaka, at pagkakaroon ng iba’t ibang bilog na prutas sa hapag-kainan, sa pag-aakalang ito’y magiging daan o magbibigay ng magandang kapalaran sa bagong taong papasok.

Ito raw ang maghahatid sa kanila ng swerti.

May mga tumatalon naman pagtunog ng alas-dose na hudyat ng bagong taon, sa paniniwalang sila’y tatangkad pa kapag ito’y kanilang ginawa, dahil kung ano raw ang ginagawa natin sa pagpasok ng bagong taon ay yun ang gagawin natin at mangyayari sa buong taong lilipas. Kaya’t kung ika’y tulog, buong taon ka ring magtutu-tulog. Eh papaano naman kaya yung gising, isang taon din kayang gising at di matutulog? Nakakatuwang, nakaka-praning na paniwala, subalit siya nating ginagawa dahil nga ang nais ay pagbabago.
Maging ang mga musmos na bata, gusto’y bagong sapatos, bagong damit, bagong laruan kapag Bagong Taon. Maging ang mga di na bata, bagama’t nag-eesep-bata, gusto’y may bago rin. Bagong iPhone, o iPad, bagong sasakyan, at bagong kaulayaw o kaibigan.

At syempre, ang pagsindi ng iba’t ibang paputok at ang paglikha ng ingay ay di lamang isang uri ng masigabong pagsalubong sa Bagong Taon kungdi ito’y isang pamamaraan daw ng pagtaboy ng masasamang espiritu at kamalasan sa buhay.

Anu’t ano pa man ang kadahilanan at pamamaraan, mainam na ang hangaring ito’y gamitin ng positibo upang tunay na makamtan ang hangaring guminhawa ang buhay, at maituwid ang liku-liko nating daan.

Gawing maalwan ang buhay sa pamamagitan ng pagpawi ng ano mang nakakabibigat sa ating puso’t damdamin. Matutong magpatawad at humingi ng tawad sa mga tao at mahal natin sa buhay na ating nakasamaang-loob. Malaki ang magagawa nito upang maging magaan ang ating pakiramdam at makakilos tayo ng walang ano mang inaalala at kinatatakutan.

Turuan din natin ang sarili na maging mapala-ngiti at di laging nakisimangot at nakakunot ang noo’t di maipinta ang mukha. Nakapagpapabata pa ito at marami pa tayong magiging kabati at kaibigan.

Baguhin din natin ang pananaw at pamamaraan natin sa trabaho o maging sa personal na buhay. Kung dati-rati’y ang madalas nating sambit ay “bahala na si Batman”, ngayo’y maging responsable na tayo sa bawat gagawin natin. Hindi na tayo nanatiling bata. Nagkaka-gitla na ating noo, nauubos na ang buhok at humihina na ang tuhod, kaylan pa kaya tayo makapag-iisip na di habang panahon na tayo’y nasa abroad at may trabaho?

Kung kaya’t ito ang hamon ko sa bawat OFW na tulad ko, nawa’y pagsumikapan nating makapag-impok upang pagdating ng araw na tayo’y babalik na sa Lupang Sinilangan, mayroon tayong naipundar at magagamit upang makapagsimula ng panibagong yugto ng ating buhay. Tayong lahat nama’y babalik rin sa ating bayan kung kaya’t ngayon pa lamang ay paghandaan na natin ang panahong iyon. Iwasan na ang labis na paggastos sa walang kapararakang bagay. Itigil ang bisyo and have a clean life. Kaya natin yan, kabayan.

At higit sa lahat, ang pagbabago ng puso ang higit nating kailangan. Magbago man ang estado natin sa buhay, umangat man tayo kumpara sa ating mga kasamahan, makamit man natin ang kapangyarihan, at magkamal man tayo ng limpak-limpak na salapi kung wala namang pagbabago ng puso at pagbabalik-loob sa Diyos, wala ring saysay ang mga ito. Hindi rin natin lubos na mararanasan ang sinasabing “Bagong Taon, bagong buhay”.

Ano ang bago sa Bagong Taon?

Bagong buhay, bagong pusong may pananalig sa Poong Maykapal na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan di lamang ng ating kaligtasan.

Yan ang bago na dapat maganap at makamtan natin.

3 comments:




  1. Do you need an urgent loan we offer worldwide loan to who in need of loan the business opportunity you having being looking for is here again. email osmanloanserves@gmail.com


    LOAN APPLICATION FORM
    1) Full Name:
    2) Gender:
    3) Loan Amount Needed:.
    4) Loan Duration:
    5) Country:
    6) Home Address:
    7) Mobile Number:
    8)Monthly Income:
    9)Occupation:
    )Which did you here about us.
    Email osmanloanserves@gmail.com

    ReplyDelete



  2. Do you need an urgent loan we offer worldwide loan to who in need of loan the business opportunity you having being looking for is here again. email osmanloanserves@gmail.com


    LOAN APPLICATION FORM
    1) Full Name:
    2) Gender:
    3) Loan Amount Needed:.
    4) Loan Duration:
    5) Country:
    6) Home Address:
    7) Mobile Number:
    8)Monthly Income:
    9)Occupation:
    )Which did you here about us.
    Email osmanloanserves@gmail.com

    ReplyDelete
  3. Hello Everybody,
    My name is Mrs Sharon Sim. I live in singapore and i am a happy woman today? and i told my self that any lender that rescue my family from our poor situation, i will refer any person that is looking for loan to him, he gave me happiness to me and my family, i was in need of a loan of $250,000.00 to start my life all over as i am a single mother with 3 kids I met this honest and GOD fearing man loan lender that help me with a loan of $250,000.00 U.S. Dollar, he is a GOD fearing man, if you are in need of loan and you will pay back the loan please contact him tell him that is Mrs Sharon, that refer you to him. contact Dr Purva Pius,via email:(urgentloan22@gmail.com)Thank you


    LOAN APPLICATION FORM.

    (1)Full Name:
    (2)Country:
    (3)State:
    (4)Address:
    (5)Sex:
    (6)Occupation:
    (7)Amount needed:
    (8)Loan duration:
    (9)Loan purpose:
    (10)Telephone

    Email Us:(urgentloan22@gmail.com)

    ReplyDelete