Wednesday, January 18, 2012

Eamar Ready Mix, Kampeon sa 4th DBD Sportsfest

Ang koponan ng Eamaar Ready Mix na tinanghal na Kampeon sa DBD 4th Sportsfest Ang Mythical Five ng 2011 DBD-EP Sportsfest. Ang DBD-Pag-ibig Team habang tinatanggap ang tropeo sa ikawalang puwesto. Ang koponan ng Al Khifah habang tinatanggap ang tropeo sa ikatlong puwesto. Ang nagwaging koponan kasama ang Organizers at Personnel ng DBD-EP Sportsfest. by Max Bringula Chavez
(published in Abante ME Edition, 19 Jan-12)

Tulad sa mga nakalipas na taon, matagumpay na idinaos ng Day by Day – Eastern Province ang kanilang taunang Basketball Sportfest kung saan walong koponan ang kalahok na nagtagisan at nagpakitang-gilas sa larong basketball.

Sa temang “Sama-samang Nagkakaisa sa Palakasan”, nagsimula at nagtapos ang nasabing torneo sa diwa ng pagkaka-isa.

Sa ginanap na championship game sa Al Gosaibi Hotel Sports Complex noong 30 December 2011, tinanghal na kampeon ang koponan ng Eamar Ready Mix. Sa score na 80-74, pinataob nito ang maliliksi at mabibilis na koponan ng DBD-Pag-ibig. Pagkakataon na sana ng DBD-Pag-ibig na masungkit ang kampeonado na naging mailap sa kanila sa mga nagdaang taon, subalit sila’y kinapos at di pinalad na maiuwi ang tropeo. Masaya na rin naman ang nasabing koponan sa ikalawang puwesto na nakamit. Wika ng kanilang playing coach na si Henry Lagura, “Malaking karangalan na ito. Ang mahalaga’y naipakita namin ang isang malinis at maayos na paglalaro. Sa Diyos ang kapurihan!”

Samantala, labis din ang pasasalamat ng Eamar Ready Mix sa tinamong parangal sa pangunguna ng kanilang coach at team owner na si Raul Ubaldo. Gayong ito ang una nilang paglahok sa DBD-EP Sportsfest, di sila nabigong makamit ang pinaka-aasam na kampeonado. Dahil dito, ipinasya nilang muling sasali sa torneo sa mga susunod na taon at ulitin ang kanilang winning performance.

Nasa ikatlong puwesto naman ang koponan ng Al-Ebthekar, at pang-apat ang Al-Kifah Team.

Ang MVP (Most Valuable Player) sa 4th DBD-EP Sportsfest ay ipinagkaloob naman kay Jerome Lazaro (Jersey No. 30) ng Eamar Ready Mix. Nagtala ng 15 points si Jerome sa championship game at total of 47 points sa buong torneo.

Tinanghal namang Mythical Five ang mga sumusunod na manlalaro: Ryan Mark Legaspi (Eamar Ready Mix), McLean Lontoc (Eamar Ready Mix), Ferdie Guzilan (DBD-Pag-ibig), Esmeraldo Ramos (Al-Kifah) at Peter Bundoc (Al Ebthekar).

May walong koponan ang kalahok sa katatapos na 2011 DBD-EP Sportsfest na kinabibilangan ng mga sumusunod na manlalaro:

Eamar Ready Mix (Champion) - Nonoy Dita, Rodel Celis, Jerome Lazaro, Ryan Mark Legaspi, Boy Sena, Ronald Manalastas, Dave Valderama, Arnel Marjes, Gener Nicanor, McLean Lontoc, Joven Buemia, Charlie Largo, Ronan Mandia, Ruel Ubaldo at Michael Lontoc.

DBD-Pag-ibig (2nd Placer) – Henry Lagura (Player-Coach), Mark Santana, Billy Bangaan, John Philip Jayme, Jun Jhapet, Jay Paguio, Ian Andrade, Jojo Cristobal, Vhoy Abejuela, Ferdie Guzilan, Melchor Navarra, Johnny Juguilon, Marny Ambrocio, George Agustin at Edgar Tello.

Al Ebthekar (3rd Placer) – Robert Bibonia, Peter Bundoc, Cris Lagui, Benson Gabalonia, Jerry Bundoc, Albert Pascual, Mariano Bundalian, Rolando Paras, Michael Nanchio, Jayson Natumba, Gerry Somana, John Marmol at Yousef.

Al-Kifah (4th Placer) – Esmeraldo Ramos, Maurice Buena, Freddie Toledana, Jefferson Sebiario, Cris Roman, Alfred Carpio, Martin Clave, Ruben Rodolfo Jr., Henry Bambao, Ronald Lucahin, Frederick Alferez, Aldrin Albeza, Rolando Aquino, Ronald Estrada, Jing Sangalang, Marvin Alvarez, Adrian Andaya at Melchor Fajardo.

DBD-Kanlungan Team – Randy Castro (Playing Coach), Peter Seria, Michael Soniega, Marvin Castro, Jhun Cantiaga, Erwin Luna, Bobot Gilles, Raymond Teodocio, Harold Bartolaba, Caloy Soniega, Kelvin Manantan, Bobet Suede, Bhon Coronel, Jose Calagos, Nathaniel Yambao at Kiefer Ortega.

A.A. Dossary Team – Alex Loveria (Team Owner), Wency Castillo, Derric Guitierez, Jovany Mabulay, Jay Pabilonia, Norbert Sarduma, Jerson Granada, Mark Javate, Peter Dodocoyco, Marlon Ilagan, Jogene Sarduma at Richard Nagoyo.

AXAL Team – Danilo Vejano (Team Owner), Paul Gadiano, Aaron Dela Cruz, Dickson Balingbing, Benjie Cervantes, Allan Modequillo, Edwin Espiritu, Jessie Bautista, Louie A., Eduardo, Rommel, Alex and Max.

Ramada Team – Alex Ventura, Mark Prado, Sonny Montilla, John Marvic Quiamco, Lyndon Santos, Redan Mateo, George Medina, Nesmer Acopiado, Bernard Samson, Wilfred Napod, Sherwin Ledesma, Peter Bual, Jhong Nepomuceno at Louie.

(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535. Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)

No comments:

Post a Comment