Tuesday, May 24, 2011

Paghahanda sa Nalalapit na 113th Philippine Independence Day Celebration

by Max Bringula Chavez
Tinig sa Disyerto, Abante ME Edition
Published on 20 May 2011

Puspusan na ang paghahandang ginagawa ng Philippine Overseas Labor Office, Eastern Region Operations, o ang POLO-ERO sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-isandaan at labing-tatlong taon ng Kasarinlan ng Pilipinas na gaganapin sa buong buwan ng Hunyo sa Eastern Province, Saudi Arabia.

Bagamat simula pa lamang ng buwan ng Abril 2011 ay mayroon ng iba’t ibang kaganapan na isinasagawa para sa 113th Philippine Independence Day tulad ng Audition and Elimination Round para Eastern Province Got Talent, at ang on-going Sports Festival para sa Basketball, Volleyball at Bowling na nagkaroon ng Opening noong 22 April 2011.

Ang selebrasyon ng 113th Philippine Independence Day ay kapapalooban ng mga sumusunod na programa:

03 June 11 – Independence Day Celebration in Jubail, KSA / Eastern Province Got Talent Semi-Final Round

10 June 11 – Independence Day Celebration, Alkhobar, KSA / Eastern Province Got Talent Final Round / Cultural Parade and Presentation / Cheering Competition

17 June 11 – Search for Little Mr. and Ms. OFW

24 June 11 – Choir Presentation

30 June 11 – Song Festival

Magkakaroon din ng Values Orientation and Leadership Seminar, Photo Exhibit at Photography Contest.

Tulad ng mga nakaraang selebrasyon, ang pagdiriwang ng ating Kasarinlan ay di magaganap at magtatagumpay kung hindi sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang Filipino community groups na katuwang ng POLO-ERO sa paghahatid ng serbisyo at saya sa ating mga kababayan.

Sa taong ito, ang pagdiriwang ay pamamahalaan ng mga sumusunod:

Chairperson: Labor Attaché David Des T. Dicang
Vice-Chairperson: Welfare Officer Ron Lionel Bartolome
Overall Program Coordinator: Mr. Orly Flores, AFCSCOM Deputy Chairman
Program Coordinators and Advisers: Jaypee Vega (AFCSCOM/OFW Congress/Saring-Himig/FILPOP Club) / Mary Jane Tupas (OFW Congress/RASA) / Roilo Alojado (AFCSCOM/SAHI), Reggie Montana (AFCSCOM/PSME) / Engr. Reineir Supsup (PPO/IIEE/SLUAA)

Committee Chairpersons: Eastern Province Got Talent Contest – Jaypee Vega / Sports Committee – Lulu Silverio (AFCSCOM/OFW Congress) / Ways and Means – Abe Regalado (AFCSCOM) / Cultural Presentation – Annaliza Catanus (PSD) / Stage Decoration – Ramil Tolentino (SFFD) / Security & Crowd Control – Eduardo Saballa (GRII) / Reception, Program & Invitation – Leo Cefre (UAP) / Documentation, ID and Certification – Max Bringula (AFCSCOM/Pag-asa) / Medical – Mary Jane Tupas / Venue, Physical Arrangement & Sound System – Dr. Gener Benter / Parade, Cheering Competition – George Palencia (United Bicolanos) / Food & Beverage – Engr. Ismael Sulit (Hawak-Kamay) / Prizes, Trophies & Raffle – Allen Gallardo (Saring-Himig) / Photo Exhibit – Jerome Pagunsan (Desert Fox Shooters)

Ating inaanyayahan ang mga kababayan natin na makibahagi sa selebrasyong ito at ating ipakita ang pagkaka-isa natin bilang isang Lahing Pilipino.

I-mark nyo na sa inyong kalendaryo ang mga selebrasyong magaganap sa darating na buwan ng Hunyo. Samantala, makibahagi naman sa idinaraos na Eastern Province Got Talent at Sports Festival.

Makipag-ugnayan alam kay Mr. Jaypee Vega (054-5203763) para sa Eastern Province Got Talent at kay Ms. Lulu Silverio (054-1502078) para sa Sports Festival na ngayon ay kasalukuyang ginaganap sa Al Jazeera International School (dating Philippine School of Dammam).

Sa taong ito, ang tema ng selebrasyon ay “Lakas at Sining sa Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan”.

****************************************************************

TSD Readers’ Corner:

(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)

Saudi Labor Law in Tagalog

Sir, Good AM po. Pwede po ba mai-feature sa inyong column ang Labor Law ng Saudi sa Tagalog version para malaman namin ang aming karapatan bilang manggagawa dito sa Saudi. – from a reader in KSA

Kabayan, maganda itong suhestiyon mo. Hayaan mo’t sisikapin ng inyong lingkod na malaanan ng espasyo sa TSD ang tungkol sa Saudi Labor Law. Gagawin natin ito ng paunti-unti upang maipaliwanag na rin ang bawat bahagi nito para sa higit na kapakinabangan ng mambabasa at bawat OFWs. - Max

Passport Renewal Appointment

Magre-renew po ako ng passport. Aware naman po ako na kailangang mag-set ng appointment muna thru on-line. Kaya last week nag-set po ako kaya lang dun sa website ng DFA, hindi po sa website ng pcg.jeddah.org. Eh andito po ako sa Dammam. Ano po dapat kong gawin? Kasi po nang mag-fill up ulit ako kanina sa website ng pcg-jeddah, hindi na po in-accept. – from Melai ng KSA

Hi Melai, obviously the reason kung bakit di na in-accept yung appointment application mo ay sa dahilang may nauna ka ng application which is valid. OK lang naman yung application mo sa DFA. Hintayin mo na lang yung name mo sa darating na schedule ng EOW. As of now kasi ang mga naka-schedule para sa Embassy On-Wheels sa 19-20 May ay yung mga nagpa-appoint from 15 February hanggang 15 March 2011. - Max

No comments:

Post a Comment