Makikita sa larawan sina Labor Attaché David Des Dicang, Mary Jane Tupas at Max Bringula habang nagbibigay ng prayer wishes kay Tim Gideon. Ilan sa mga naging Ninong at Ninang ni Tim Gideon sina (mula sa kaliwa) Aniceta Vega, Norma Alarca, Chito Camcam, Jowel Rubrico, John Tolentino, Louie Litorja at Antonio Apo. (mula sa kaliwa) LabAtt Des Dicang, Mary Jane Tupas, Mary Ann Mallari, P. Bart Tolentino, Tim Mallari (hawak si Tim Gideon), Max Bringula, Jaypee Vega, (a nurse from Mohd Dossary Hospital), at Jess Abrenica. Si Labor Attache David Des T. Dicang habang nagbibigay ng pananalita tungkol sa kanyang magiging bagong job assignment sa Kuwait. Si Ms. Nilda Oliva, DSWD Welfare Attaché sa Saudi Arabia, habang nagbibigay ng pananalita sa kanyang misyon.
by Max Bringula Chavez
Tinig sa Disyerto, Abante Middle East Edition
Published on 24 May 2011
It was Friday, the 13th of May. Sa mga mapamahiin, ang araw na ito’y iniiwasan. Malas daw. Mapanganib. Maaaring may sakunang mangyari ano mang saglit.
Subalit ito’y napabulaanan ng okasyong naganap nung Biyernes ding iyon, 13th of May, sa idinaos na double celebration sa Half Moon Beach, Aziziyah. Ito ang child dedication ni Tim Gideon, at ang 6th birthday celebration ni Tim Gabriel, ang bunso’t panganay na anak ni Tim Mallari at ng kanyang butihing may-bahay nito na si Mary Ann Javier Mallari.
Sa mga di nakakakilala kay Tim, siya ang kasalukuyang Deputy Chairman on External Affairs ng Pag-asa Community Support, isang Christian group na umaalalay sa mga distressed OFWs upang mailapit sa Embahada ang kanilang kalagayan at matugunan ang pangangailangan. Siya rin ang naitalagang Commissioner ng Season 6 ng PBL (Pag-asa Basketball League) na magsisimula na sa darating na Biyernes, 27 May 2011 sa Al Gosaibi Hotel Sports Complex.
Kamakailan lamang ay tinanghal na First Placer si Tim Mallari sa ginanap na Semi-Final Round ng Eastern Province Got Talent (o EPGT), at siyang magiging kinatawan ng Alkhobar kasama ng tatlo pang napiling sa semi-final round sa gaganaping Grand Final ng nabanggit na kompetisyon sa darating na Independence Day celebration sa Eastern Province, KSA sa June 10 (Friday) kung saan makakatunggali niya ang mga kinatawan ng Jubail at Al Hassa.
Sadyang masaya at makabuluhan nga ang okasyong naganap noong 13th May na dinaluhan ng malalapit na kaibigan ng mag-asawa kabilang na ang pinagpipitaganang Labor Attaché ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), Eastern Region Operations, Saudi Arabia na si David Des T. Dicang, isa sa labing-walong pares na tumayong Ninong at Ninang ni Tim Gideon.
Kasama ni David Des ang iba pang kilalang personalidad mula sa iba’t ibang larangan bilang mga Ninong at Ninang. May diplomatic officials, community leaders, church leaders, OFW Achievers, businessman, and career professionals, tulad nina OWWA Welfare Officer Ron Bartolome; Pag-asa Community Support Group Chairman and AFCSCOM Deputy Chairman on Community Affairs, and Abante Middle East Edition Writer-Columnist, Max Bringula; Bagong Bayani Awardee and OFW Congress President, Mary Jane Tupas; church leaders and ministers Louie Litorja, Rodolfo Javier, Lito Migabon, Fher Bautista, Jun Daniel, Orfeo Contante, Enerson Garcia, Chito Camcam, Antonio Apo, Greg Romero, Joel Mallari, Benjamin Fernandes, Jowel Rubrico, John Tolentino, Mar Cajuguiran at Ehrol Pascua bilang mga Ninong, at sina Nessie Baculdo, Vangie Araya, May Santos Guevarra, Oris Yniguez, Delia Sibug, Aniceta Vega, Dianne Kristine Alarca, Jane Labarette, Zarahemla Gayo, Cristy Resoles, Merry Mhay Enteria, Corazon Perez, Rachelle Jacoba, Jannah Abrenica, Sherrie Babazadeh, Jane Jovellana at Maricris Javier bilang mga Ninang.
Mapayapa at puspos ng pagpapala ang naging ambience ng ginanap na dedication na pinangunahan ni P. Bart Tolentino. Isa sa naging bahagi ng dedication ay ang pagbibigay ng prayer wishes kay Tim Gideon mula sa mga Ninong at Ninang. Bawat isa’y hangad ang paglaki ng bata na taglay ang magandang kalusugan, talino at kalakasan. At higit sa lahat, ang maging responsableng anak, mamamayan at lingkod ng Panginoon.
Samantala, isang makulay na kaarawan ang ipinagdiwang din ng araw na iyon para sa anim na taong gulang na si Tim Gabriel. Masayang inawitan ng lahat na naroroon ang celebrant at pagkatapos nito’y isinagawa ang tradisiyonal na “blow the candle” sa espesyal na birthday cake na inihanda para sa okasyong iyon.
Actually, it was a Father and Son birthday celebration sa dahilang magkasabay ng birthday ni Tim Mallari ang panganay niyang anak na si Tim Gabriel na parehong 15 May.
Nag-uumapaw din ang masasarap na pagkaing mula sa Quick Chow Restaurant na siyang nag-cater sa okasyaon at pagmamamay-ari ni Mr. Ronald Sitchon, isang OFW community leader.
Matapos ang masaganang pananghalian, isang espesyal na palatuntunan naman ang inihandog sa mga bisita at panauhing-pandangal ng mga natatanging awitin mula sa Sumphonia Band, UR-Lighthouse Family, UR-Bread of Life, Ms. Jane Labarette at Mr. David Ross Campos.
Dumating din sa okasyong iyon ang semi-finalists sa Eastern Province Got Talent – Alkhobar tulad nina Ryan Joseph Labiano, Jonrey Salvia, Loy Cuadrazal upang magpaunlak ng awitin kasama si Tim Mallari.
Naroroon din ang Chairman at Organizer ng Eastern Province Got Talents na si Mr. Jaypee M. Vega ng OFW-Congress at FILPOP Club upang anyayahan ang mga naroroon at hingin ang suporta sa Grand Final ng EGPT sa darating na Independence Day celebration.
Masasabing espesyal nga ang araw na iyon ng Friday the 13th, di lamang sa mga celebrants, kungdi maging sa grupo ng Pag-asa Community Support at ng mga miyembro nito sapagkat kanilang nakasama at nakadaupang-palad ang butihing Labor Attaché David Des T. Dicang bago ito lumipat sa Kuwait bilang Labor Attache roon simula sa unang araw ng Hulyo ng taong kasalukuyan.
Sa isang espesyal na pananalita, nagpasalamat si LabAtt Des Dicang sa pakikipagtulungan ng Pag-asa sa programa ng POLO-ERO na sinuklian ng pasasalamat din ng grupo sa dagliang aksiyon at personal na atensiyon na ibinigay ng butihing Labor Attaché sa mga kasong inilalapit ng Pag-asa sa embahada.
Nakaragdag ng kulay at sigla ng araw na iyon ang pagdalo rin ng Social Welfare Attaché mula sa DSWD (Department of Social Welfare and Development) na si Ms. Nilda Oliva na pansamantalang nasa Eastern Province upang tingnan ang kalagayan ng mga naging anak ng distressed OFWs na di makauwi ng Pilipinas sanhi ng legal constraints at kakulangan ng papeles, at kung papaano maisasaayos ng madalian ang kanilang pag-uwi sa Pilipinas. Kanyang ibinalita na sa isang buwang pananatili niya sa Riyadh ay nakapag-pauwi siya ng dalawamput-pitong may ganitong kaso.
Samantala, bago nagpaalam si LabAtt Des upang magtungo sa iba pa niyang commitment ng araw na iyon, siya’y ipinanalangin para sa tagumpay ng kanyang bagong assignment sa Kuwait. Gayundin kay Ms. Oliva sa tagumpay ng kanyang “mission impossible”.
Dahil rito, tunay na masasabing makabuluhan ang pangyayaring naganap at nasaksihan ng mga dumalo sa okasyong iyon ng Friday the 13th, May 2011.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment