Wednesday, May 18, 2011

Tuloy-Tuloy Pa Rin Ang Serbisyo


by Max Bringula
Published in Abante ME Edition, 17 May 2011


Ito ang tiniyak ng pamunuan ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia patungkol sa buwanang Embassy On-Wheels (EOW) na isinasagawa sa Eastern Province. Ang naturang EOW ay idinaraos ngayon sa Al Jazeera International School sa Dammam.

Sa buwang ito ng Mayo, sila’y nakatadang dumating sa May 19 & 20 upang i-process ang 1018 passport applicants na nauna ng nagpa-appointment for renewal.

Para sa pangalan ng mga aplikanteng kasama sa 1018 passports application, bisitahin lamang ang website na www.pcgjeddah.org para sa kumpletong listahan at slots number na naka-assigned sa inyo.

Narito ang schedule na isasagawa sa darating na Huwebes at Biyernes at ang number of slots na ia-accommodate bawat oras:

19 May 2011 (Thursday)

8:00 AM - Slots 1-70 / 9:00 AM – Slots 71-140 / 10:00 AM - Slots 141-210 / 11:00 AM – Slots 211-280 / 12:30 PM – Slots 281-350 / 1:30 PM – Slots 351-420 / 2:30 PM – Slots 421-490 / 3:30 PM – Slots 491-560 / 4:30 PM – Slots 561-630 / 5:30 PM – Slots 631-700.

20 May 2011 (Friday)

8:00 AM - Slots 701-770 / 9:00 AM – Slots 771-840 / 10:00 AM – Slots 841-910 / 11:00 AM – Slots 911-1018.

Muling pinapaalalahan ang mga kababayan natin na dumating bago ang nakatakdang oras na nakalaan para sa kanila upang maiwasan ang pagkakakbinbin ng ibang mga aplikante.

Gayundin, dapat magdala ng SR 240 (Saudi Riyals Two Hundred Forty) na siyang halaga ng passport fee na babayaran.

Hindi na kailangan pang magdala ng passport photos pagkat doon na mismo magkakaroon ng automatic photoshoot sa pamamagitan ng installed camera sa data-capturing machine.

Maaari rin namang ipa-extend ang validity ng Passport sa halip na i-renew kung nagmamadali’t kakailanganin agad ang passport. Ito ay may karampatang fee na SR 80 (Saudi Riyals Eighty).

Para naman sa releasing of passports, huwag kaligtaang dalhin ang original receipt kasama ang lumang passport na ni-renew. Otherwise, di maire-release ang bagong passport kung wala ang mga dokumentong nabanggit.

Kung di naman makararating ng personal para i-claim ang passport, maaaring magpadala na lamang ng representative na siyang kukuha ng passport. Subalit dapat taglay nito ang Authorization Letter na pirmado ng may-ari ng Passport.

Samantala, magkakaroon pa rin ng Notarial Services habang isinasagawa ang processing at releasing of passports, tulad ng authentication of birth certificates, marriage certificates, special power-of-attorney (SPA), at iba pa.


****************************************************************

TSD Readers’ Corner:

(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)

Natuwa po ako at ang column na TSD (Tinig sa Disyerto) ay babalik na naman sa diyaryong Abante ME Edition. Happy Second Anniversary po. – Mula kay Pedro Chavez ng Arabian Food Supply – ARAMCO Commissary, Saudi Arabia.

Good AM, Sir. Ask ko lang kung bakit walang dumarating na diyaryong Abante ME Edition dito sa Riyadh? Inaabangan ko lagi column ninyo. – Philip ng Riyadh, KSA.

Salamat sa inyo na patuloy na sumusubaybay sa TSD. Ito’y labis kong ikinatutuwa at nagbibigay sa akin ng ibayo pang sigla sa paghatid sa inyo ng mahahalagang inpormasyon na kakailanganin ng bawat OFW at mga panulat na makapagdudulot ng saya at kalakasan sa ating mga kababayan. Muli, maraming salamat. – Max

Ka Max, si Rem ho ito ng Jubail. Saang parte po ba kayo ng KSA? Ano pa ba ang balita riyan? Tahimik naman ho rito sa amin. Salamat, kabayan. – Rem ng Jubail, KSA.

Rem, dito lang ako sa Alkhobar, Saudi Arabia. Bagamat’ kababalik ko lamang galing naman sa Kuwait. Mabuti na ang sitwasyon ngayon dito sa Saudi at maging sa mga katabing lugar nito tulad ng Bahrain, Kuwait at Qatar. – Max

No comments:

Post a Comment