by Max Bringula
(published in Abante ME Edition on 17 May 2012)
Ito ang dapat matutunan ng bawat isa sa atin upang di masuong sa problema at kaguluhan na mapapipigilan sana kung naghunos-dili lamang.
Kung hindi sana inayunan ang nagpupuyos na poot at galit, naiwasan sana ang disgrasya at mga di kanais-nais na pangyayari.
Disin sana’y walang damdaming nasaktan at pusong sugatan kung nag-isip-isip muna bago nagbitiw ng pananalita. Ang salita pa naman kapag nabigkas na ay di na mababawi pa. Kasunod na lamang niyon ay “I’m sorry”.
Ilang tahanan na ba ang nawasak, gaanong karaming luha na ba ang pumatak sa ating mga mata dahil lamang nagpadala sa bugso ng damdamin, sa nararamdaman na kadalasa’y sinungaling at ipapahamak ka lamang kung di pakaka-isiping mabuti bago gawin at sundin.
Ang kaganapang ating natunghayan kamakailan lamang sa Centennial Airport ng NAIA sa pagitan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto, at ng kolumnista’t mamamahayag and TV host na si Mon Tulfo, ay isang patotoo na kung naghunos-dili lamang marahil ang dalawang kampo, naiwasan sana ang pangyayaring pinagpipistahan na ngayon ng buong bayan at nagkaroon pa ng taguring na “Thrilla in NAIA”.
Subalit dahil nagpadala sa umaalab na damdamin, black eye ang tinamo ni Tulfo at pasa naman sa hita ang kay Barretto. Ngunit higit sa pisikal na sakit na kanilang natamo ay ang sugat na nilikha ng pangyayari sa puso ng mga taong sangkot sa nasabing gulo. Sugat na maghilom man ay tiyak na mag-iiwan ng peklat, ng alaala at pagsisisi na sana’y di na lang ito nangyari. Subalit naganap na dahil hindi nga naghunos-dili.
Sabi ng iba, “ito’y dala lamang ng tindi ng init ng panahon, kaya madaling nag-iinit ang ulo ng karamihan”. Ang hataw naman ng isa kong narinig ay sanhi raw ito ng katatapos na laban ni Mayweather at Cotto kaya’t nakotongan rin ang kawawang Tulfo.
Anu’t ano pa man ang kadahilanan, isang bagay ang dapat nating matutunan sa pangyayaring ito, ang kahalagahan ng paghuhunos-dili o yaong pagpipigil sa sarili upang maiwasan ang di kanais-nais na pangyayari.
Maghunos dila ka! Yan ang madalas na naririnig ko noong araw sa mga matatanda. Katagang kahit sa kapanahunan natin ngayon ay higit nating kailangan.
Ang kahulugan ng salitang “maghunos” ay “magbago” o “magpalit”. Tulad ng ahas na nagpapalit ng balat, sinasabi nating siya’y naghuhunos. Ang salitang “dili” naman, ang ibig sabihin ay “isip”.
Kung kaya’t sa pagsasabi ng “maghunos-dili” – sinasabi nating magbago o magpalit ng isip. Maging mahinahon at huwag pagbigla-bigla. Pag-isipang maigi ng maka-isandaang beses bago gawin ang isang bagay.
Sa namumuong hidwaan ngayon ng Pilipinas at Tsina dahil sa islang Scarborough Shoal o dating tinatawag na Panatag Shoal, nawa’y ipairal ng dalawang bansa at ng mga mamamayan nito ang paghuhunos-dili.
Pakaisiping maigi ang sasabihin at salitang bibitawan. Maging mahinahon at sikaping maisaayos ang gusot na di gagamit ng dahas at lakas. Sa gayon, maiiwasan ang pangyayaring maaaring pagsisisihan sa huli dahil hindi naghunos-dili.
Kaya kabayan, huwag kalilimutan na maghunos-dili ka kung kailangan.
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535. Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)
Thursday, May 17, 2012
Sunday, May 13, 2012
Alay Kay Inay
by Max Bringula Chavez
(published in Abante ME Edition, 14 May 2012)
“Ina” - iba’t iba ang tawag natin sa kanila. Nanay, Inay, Inang, Nanang, Mommy, Mama, Mamang, Ma, Mom, at marami pa. Tinatawag natin sila sa pangalan o paraang tumutungkol sa kanilang pagmamahal at pag-aaruga sa atin.
Ang salitang “Ina” ay siyang exact translation sa Tagalog ng “Mother”, at siyang ginagamit kung atin silang tutukuyin tulad ng “butihing ina”, o “ina ng tahanan” o kaya’y ang “tanging ina”.
Tinatawag natin sila ayon sa antas ng ating pamumuhay. “Nanay” o “Nay” kung ika’y isang anak-dalita o anak-mahirap. Sa lalawigan, kadalasa’y “Inay” o “Inang” ang tawag, lalo na sa ka-Tagalugan.
Sa mga nakaka-angat at may kaya sa buhay o yaong mga nasa alta-sosyedad, tawag nila’y “Mommy”, “Mama” o “Mom” o kaya’y simpleng “Mother”.
Sa gay lingo o sa kalipunan ng tinatawag nating “third sex”, “Madir” naman ang madalas kong naririnig.
Maging ang mga sanggol o batang nagsisimula pa lamang magsalita, sila’y nakasasambit na ng mga katagang katugma o kasing-tunog ng salitang “Nanay” o “Mom” o “Mama”, tulad ng “Na” o “Ma” o “Ma-ma”.
Doon naman sa mga sadyang moderno at nais maging kaiba, tawag nila sa kanilang ina ay “Dada” o “Mommy-yo” o “Mommie Dearest” o “Dearest Mom” na animo’y kumakatha ng sulat.
Marami pa marahil ang maiisip nating itawag sa ating dakilang ina, at marami pang bagong termino ang maiisip sa mga darating na panahon, subalit wala pa ring makatutumbas at makapaghahayag alin man sa mga salitang ito ng dakilang pagmamahal na iniukol ng ina sa kanyang anak.
Mula sa kanyang sinapupunan, inaruga niya na ang sanggol na isisilang sa mahigit kumulang na siyam na buwan bago ito tuluyang isilang sa mundong ito. Kung kaya’t ganon na lamang ang kanilang kagalakan nang dumating ang takdang araw na iyon.
Subalit di roon nagtapos ang kanilang paglalaan ng oras at panahon at buhay sa atin, kungdi simula pa lamang iyon. Mula sa pagiging sanggol hanggang tayo’y natutong lumakad at magsalita, naroon ang kanilang walang-sawang pagbabantay na kahit lamok ay di hahayaang dumapo sa atin. Ipagsasanggalan ang katawan sa sinumang kumanti o manakit sa ating murang gulang.
At ngayong malaki ka na, ngayong may sarili ng lakad at nais sa buhay, naroroon pa rin ang uri ng pagmamahal ng isang ina na kailanma’y di nagmaliw. Lumuluha sa ating mga kabiguan, sa ating paglisan at paglimot natin sa kanila. Nagagalak sa ating tagumpay at sa ating pagdating at tuwing sila’y naaalala natin hindi lamang sa kanilang kaarawan kungdi maging sa espesyal na araw tulad ng “Mother’s Day”.
Kaya’t sa aking dakilang ina, nais kong ialay ang panulat na ito. Na kung di dahil sa kanya ay walang isang Max Bringula na ngayo’y tumitipa upang kathain ang “Alay Kay Inay” bilang pasasalamat sa pagmamahal na inihahandog ng isang Ina sa kanyang anak na tulad ko.
Batid kong gayundin ang nararamdaman ng bawat isang nakababasa nito. Kaya’t sa espesyal na araw na ito, ating ipaabot sa kanila ang ating taus-pusong pasasalamant. Atin silang bisitahin, pasyalan, tawagan, i-text, i-eMail, i-chat, at iba’t iba pang pamamaraang avaiable sa atin ngayon upang marinig nila at mabatid kung gaano sila kahalaga sa atin. Pagka’t kungdi natin gagawin ngayon ito, kailan pa? Bawat araw na lumilipas ay di na natin maibabalik pa.
Atin silang yakapin, hagkan at sabihing, “’Nay, I love you, po.” Maraming-maraming salamat sa inyong pagmamahal sa akin.
Alay ko po ito sa inyo. Happy Mother’s Day.

Thursday, May 10, 2012
Human Trafficking, Tinalakay sa Saudi HRC Workshop
by Max Bringula Chavez
(published in Abante ME Edition on 08 May 2012)
Riyadh, Saudi Arabia
Ito ang sentro ng pag-uusap sa katatapos na one-day Workshop na in-organisa ng Human Rights Commission (HRC) ng Saudi Arabia upang talakayin ang mga karampatang batas laban sa human trafficking.
Ang nasabing Workshop ay ginanap sa Four Seasons Hotel, Riyadh na dinaluhan ng mga foreign dignitaries and diplomats kasama ang delegasyon ng Pilipinas sa pangunguna ni Philippine Ambassador, Hon. Ezzedin H. Tago, kasama sina Vice Consul Redentor Genotiva at Mr. Camaloddin Hasim ng Philippine Embassy, Riyadh.
Dumalo rin ang mga representatives ng iba’t ibang Saudi law enforcement and investigation agencies at pati na ng tauhan mismo ng Saudi HRC Permanent Committee for Anti-Trafficking in Persons.
Sa opening remarks ng Pangulo ng Saudi HRC na si H.E. Dr. Bandar bin Mohammad Al-Aiban, kanyang kinilala ang kahalagahan ng pagtutulungan ng Saudi Arabia at ng mga bansang nagpapadala ng kanilang mga manggagawa upang maiwasan ang human trafficking.
Nagbigay naman ng malawakan at detalyadong Report ang Executive Director ng Protection Project na si Dr. Mohammad Mattar, isang human rights group na naka-base sa John Hopkins University, patungkol sa pagpapatupad ng Saudi Arabia ng batas laban sa human trafficking.
Ayon sa Trafficking Protocol na in-adopt ng United Nations noong taong 2000 sa Palermo, Italy, ang human trafficking ay ang illegal na pagkuha, pagbiyahe o pagpapadala, pagtanggap at pagtatago o pagkukupkop ng mga tao (lalaki man o babae o bata) gamit ang dahas at pananakot, pagdukot, panlilinlang o panloloko, pagbayad at pagtanggap ng bayad, pag-abuso sa kapangyarihan at posisyon upang makapag-kontrol ng tao na pagtrabauhin ito ng sapilitan (forced labor), gawing alipin (slavery) at i-exploit sexually o abusuhin at pagkakitaan.
Ang mga gumagawa ng ganito’y may karampatang parusa. Kaya’t pinapaalalahanan natin ang sino man na kabilang sa ganitong illegal na gawain na huwag ng ipagpatuloy pa ang masamang gawi na ito at mahuli’t maparusahan.
Ang Saudi Arabia at ang Pilipinas ay parehong signatories sa UN Protocol to Prevent, Suppress and Punish Trafficking in Persons, Especially Women and Children, at may kanya-kanyang batas na ipinaiiral.
Ang Pilipinas ay may Republic Act 9208 o mas kilala sa tawag na “Anti-Trafficking in Person Act of 2003”, samantalang ang Saudi Arabia naman ay may Royal Decree No. M/40 o “Anti-Trafficking in Person’s Law” na kanilang isinabatas noong 14 July 2009.
Naging makabuluhan ang Workshop na ginanap at sa pagtatapos nito, umaasa ang lahat ng dumalo na papag-igtingin pa ang pagsasatupad ng batas laban sa human trafficking. Ang pagtutulungan ng pamahalaan ng bawat bansa pati na ng mamamayan nito ang makapipigil sa paglaganap ng gawaing ito laban sa karapatang-pantao.

![]() |
| Si Ambassador Tago kasama ang mga opisyales ng Saudi Human Rights Commission. |
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Mga Katanungan Tungkol sa Trabaho
Sa lahat ng masugid na sumusubaybay sa ating Column dito sa Abante ME Edition, ako’y po’y labis na nagpapasalamat sa inyong pagtitiwala. Marami po tayong natatanggap na messages na humihingi ng payo at tulong tungkol sa kanilang problemang nararanasan sa trabaho. Akin po itong pinag-aaralan upang makapag-bigay sa inyo ng tamang payo sa tulong na rin ng representatives natin sa Embahada. Akin po itong ilalahad sa mga darating na isyu ng Tinig sa Disyerto. Salamat po. - Max
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535. Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)
Saturday, May 5, 2012
Araw na Naman ng Suweldo
by Max Bringula
(published in Abante ME Edition, 05 May 2012)
Wala ng sasaya pa marahil sa isang manggagawa o trabahador o sa isang OFW ang tumanggap ng suweldo. Ang pagsapit ng tinatawag na “payday” ay sadyang nakapapawi ng pagod, homesick at yamot, lalo na’t pag nasa kamay na ang perang pinag-trabauhan. Bagama’t sa iba’y “parang dumaan lamang” daw sa palad ang suweldong natangggap dahil agad itong naipadala sa mahal sa buhay na naghihintay na ng inaasahang remittance.
Gayunpaman, kagalakan ng maituturing ang pagsapit ng pinakakaabangang araw na ito. Kinsenas man o katapusan ng buwan kung ito’y dumating, lingguhan man o arawan, pinananabikan pa rin.

Pagkat ibig sabihin nito’y mabibili na ang inaasam-asam na gadgets tulad ng iPhone, iPod o iPad, at iba pang produktong kinagigiliwan ngayon, o kaya’y ng rubber shoes na binabalik-balikan tuwing napapasyal sa malapit na Mall, o ng mamamahaling damit na nais suutin, o ng pinapangarap na relos o alahas na nais bilhin para sa sarili o sa nililiyag o nililigawan.
Gayundin, ibig sabihin nito’y makakakain na rin sa mamamahaling restaurants o makapanlilibre sa mga kaibigan.
Subalit, papaano kung ang suweldo’y sapat lang sa pang araw-araw na gastos? Papaano kung halos wala ngang natira para sa isang buwang pagkain o kaya’y saktong-sakto lang? Papaano kung kulang pa ito para pambili ng personal amenities tulad ng sabon, toothpaste, shampoo, deodorant, atbp?
Masaya ka nga kaya at makangingiti ng buong tamis tuwing sasapit ang araw ng suweldo o lalo ka lamang maghihinagpis?
Maiisipan mo marahil “umuwi na lamang kaya ako ng Pilipinas”. Subalit di naman ito garantiyang makalulutas ng kakulangang nadarama. Dahil marami ng nagtangkang umuwi, subalit kamukat-mukat mo’y naririto na namang muli.
Ang tanong marahil na dapat tanungin natin sa sarili ay “sadya nga bang kulang ang suweldong natatanggap” o baka naman dahil mas higit ang ating gastusin kumpara sa ating kinikita. Na minsa’y di pa nga natatanggap ang suweldo’y nagastos na kung tutuusin dahil ipinangutang na kung saan-saan.
Bakit naman noong tayo’y nasa Pilipinas pa at hindi kalakihan ang suweldong natatanggap, napagkakasya natin kahit papaano ang perang dumaraan sa ating palad?
Subalit ngayon, sigurado akong mas higit ang ganansiya natin kumpara noon, bakit kulang at kulang pa rin?
Tayo na rin ang makasasagot sa tanong na iyan kung sa palagay natin ganito ang ating kalagayan. Kung hindi naman at sobra-sobra pa ang ating kita kumpara sa ating gastusin ay mainam. Gayunpaman nais kong ibahagi ang mga sumusunod na paalala para makatiyak na tayo’y makangingiti tuwing sasapit ang araw ng suweldo.
1) Be a wise buyer. Bumili lamang ng kakailanganin o yung necessities. Iwasang maging compulsive buyer o yung kung gumastos ay galit na galit sa pera. Bibilhin ang ibigin kahit di naman kailangan o kaya’y luho na lamang.
2) Start saving. Hindi habang panahon nasa abroad tayo. Uuwi’t uuwi ka rin at babalik sa iyong Lupang Sinilangan. Kaya’t hanggang maaga, mag-impok. Iwasan ang labis na paggastos. Magtabi kahit papaano o ano mang halaga na mapagpapasiyahan upang pagdating ng araw na kakailanganin ito o kaya’y uuwi na sa Pilipinas, mayroon kang tiyak na madurukot at magagamit.
3) Avoid borrowing. Hangga’t maaari, iwasang mangutang. Dahil kapag may utang, tiyak na doon lamang mapupunta ang suweldong matatanggap unless wala kang balak na magbayad na siya namang hindi dapat. Sikaping mamuhay within your means at huwag yung halos mangutang ka na para lamang masunod ang kapritso ng katawan.
4) Stop vices. Malaki ang maitutulong kung maititigil natin ang ano mang bisyo mayroon tayo pagkat makakabawas ito sa ating gastusin at gayon maidaragdag sa perang maaari nating gamitin sa mas kapaki-pakinabang na bagay.
5) Honor the Lord with your wealth. Ito ang pinakamainam na gawin. Na ang ibig sabihin ay gamitin ang lahat ng natatanggap sa tama at maayos na paraan. Matutong magpasalamat sa nagkaloob nito na walang iba kungdi ang Poong Maykapal nang sa gayon Kanyang pagpapalain at pagyayamanin pa ang mga bagay na nasasaatin na.
Araw na naman ng suweldo. Masaya ka ba?
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535. Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)
Wednesday, May 2, 2012
Pagdadamayan at Pagtutulungan ang Kailangan
by Max Bringula Chavez
(published in Abante ME Edition, 02 May 2012)
Ito ang nararapat at siyang dapat gawin ng mga kababayan natin pati na ng mga opisyales ng pamahalaan. Ang pagtulong at pag-abot sa mga kapus-palad nating kababayan na nasasadlak sa di magandang kalagayan sa kanilang pangingibang-bayan ay isang kahanga-hangang gawain.
At ito’y napatunayang muli sa balitang inihatid sa atin sa nakaraang pagbisita ng Ambassador ng Pilipinas sa Saudi Arabia, Hon. Ezzedin H. Tago, sa Al Jouf Region kung saan isa sa naging sentro ng kanyang pagtungo roon ay himukin ang Emir ng nabanggit na rehiyon, na si HRH Prince Fahd bin Badr bin Abdulaziz, na matulungan ang labing-siyam na Pilipino na nagsampa ng kaso sa kanilang employer.
Sa sulat na iniabot ng butihing Ambassador sa Emir, kanyang hiniling na mapadali ang pag-resolba sa kaso laban sa Al-Sabilah Concrete Company sa Domat Al Jandal, Al Jouf.

| Si Ambassador Tago sa tanggapan ng Emir ng Al Jouf Region na si HRH Prince Fahd bin Badr bin Abdulaziz. |
Sinampahan ng kaso ang nasabing kumpanya sa pagtangging asikasuhin na magkaroon ng Iqama (residence permit) ang mga trabahador nito, pati na ang tahasang pagpapamaneho sa mga driver kahit wala pang lisensiya, at di pagbayad ng overtime wages. Kinasuhan din ang kumpanya ng maltreatment of workers.
Ang kaso ay unang isinampa sa Saudi Labor Office sa Al Jouf Region subalit ito’y itinaas sa Primary Court nang di pumayag ang labing-siyam na Pilipino sa amicable settlement na iminumungkahi ng kanilang employer at sa halip nagdesisyon sila at pinangatawanan na ituloy ang kaso laban sa kumpanya.
Noong una’y nangako ang kumpanya na aasikasuhin ang kanilang residence permit at lisensiya at babayaran ang kanilang overtime wages nang bisitahin ng Philippine Overseas Labor Office - Central Region Operations (POLO-CRO), Riyadh ang kumpanya para mamagitan kahiman may physical threat sa kanila, subalit hindi rin nasunod ang mga ito kung kaya’t nagpasya na ang nagrereklamong mga Pilipino na magsampa ng kaso.
Tiniyak naman ng Emir ng Al Jouf Region sa Ambassador na ipagkakaloob sa mga Pilipino ang nararapat na tulong upang mapag-ingatan ang kanilang karapatan at ma-garantiya na matatanggap nila ang hustisya. Inutusan ng Emir ang mga awtoridad sa rehiyon na tiyaking sisipot ang employer o may-ari ng Al-Sabilah Concrete Company sa mga hearings na gaganapin sa Primary Court.
Samantala, inilagay na ng POEA (Philippine Overseas Employment Administration) sa watch-list ang ahensiya sa Pilipinas na nag-deploy sa mga trabahador na nagreklamo at ang Al Sabilah Concrete Company. Itinigil na rin o sinuspinde ng POLO-CRO ang pag-proseso sa mga deployment contracts nito.
Tulong-tulong naman ang Filipino community sa Sakaka, Al Jouf na mabigyan ng pansamantalang matutuluyan ang labing-siyam na Pilipino habang dinirinig pa ang kanilang kaso. Ang POLO-CRO naman ay nagkaloob ng tulong para sa kanilang pagkain at araw-araw na pangangailangan.
Ito ang tanawing tiyak na ikatataba ng puso ng sino mang Pilipino at makapagbibigay pag-asa sa mga kababayan nating nakararanas ng pang-aabuso at paglabag sa kanilang karapatan. Sa tulong at pagdadamayan ng di lamang ng mga Pilipino, kungdi kasama na ating gobyerno, nakatitiyak tayong mapagtatagumpayan ang ano mang pagsubok na pinagdaraan ng isang OFWs.
Ang pagdadamayan sa oras ng pangangailangan ay isang magandang kaugalian ng ating lahi kung kaya’t ito’y ating pagyamanin.
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Nais ng Makauwi
Siyam na taon na po akong nagtratrabaho at nais ko na pong makauwi, subalit panay pangako lamang ang inaabot ko mula sa aking employer. Ano po ang dapat kong gawin? – from Wigberto Esperanza of Exit 16 (Sullay), Riyadh, Saudi Arabia
Kabayan, simula ba ng dumating ka riyan sa kumpanyang pinagtratrabauhan mo ngayon ay di ka pa nakapagbabakasyon? Ilang taon ba ang kontrata mo? Usually, isa o dalawang taon lamang ay dapat nagbabakasyon na, bagama’t may mga kababayan tayo na tatlong taon ang kontrata. Gayunpaman, sa kaso mo ay long-overdue na. Dapat di lamang isa o dalawang beses o higit pa na nakapagbakasyon ka, maliban na kung ikaw mismo ang tumangging umuwi o ipinagpaliban ang iyong bakasyon. Ngayong nais mo ng umuwi at pinapangakuan ka lamang ng iyong employer, mainam na idulog mo na ito sa representatives ng ating Embahada sa Riyadh upang ikaw ay matulungan nila sa medaling panahon na makauwi. Narito ang telepono na puwede mong tawagan: 4821802 / 4823559 / 4880835 / 4823615. - Max
Monday, April 30, 2012
Kolehiyo sa Saudi, Pwede Na
by Max Bringula Chavez
(published in Abante ME Edition, 30 April 2012)
Maaari ng mag-kolehiyo ang mga anak ng OFWs na nakatira sa Saudi Arabia o kaya naman ay kumuha ng post-graduate degrees ang sino mang OFWs na nagnanais na i-pursue ang kanilang career.
Kamakailan lamang ay pinasinayahan ang extension ng AMA-Philippines sa Saudi Arabia, ang AMA Jeddah International Institute na matatagpuan sa Mall of Arabia, Jeddah. Kumpleto sa facilities ang paaralan tulad ng library, lecture rooms, at computer and internet rooms.
Tatlong kurso ang pwedeng kunin ng sino mang nagnanais na magkolehiyo sa AMA, ito ay ang Business Administration, Computer Engineering at Information Technology, at OFW-friendly ang oras ng pag-aaral na ino-offer nila. May morning, afternoon at evening sessions na maaaring pagpilian lalung-lalo na yaong mga mag-aaral na may trabaho rin at the same time.
Bagama’t sa ngayon ay Associate Diploma muna ang matatanggap ng magtatapos sa 2-year course na ino-offer ng AMA Jeddah, at kung nagnanais na i-pursue ng estudyante ang bachelor’s degree ay maaari niyang tapusin ang natitirang dalawang taon sa Pilipinas.

Samantala, isang Educational Cooperation ang nalalapit na simulan sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia. Ito ang ating napag-alaman sa pagbisita ng Ambassador ng Pilipinas sa Saudi Arabia, Hon. Ezzedin H. Tago kay H.E. Dr. Osama Sadik Al-Tayeb, Pangulo ng King Abdulaziz University sa Jeddah. Kasama ng Ambassador na bumisita sa Unibersidad si Consul General Uriel Norman Garibay.
Si Ambassador Tago habang kausap ang Pangulo ng King Abdulaziz University sa Jeddah na si H.E. Dr. Osama Sadik Al-Tayeb sa tanggapan nito.
Ayon kay Dr. Al-Tayeb, handa ang Unibersidad na tanggapin ang mga Pilipinong nagnanais na kumuha ng post-graduate degrees sa iba’t ibang larangan. Bukas din sila sa posibilidad na kumuha ng mga Filipino teachers and instructors upang maging bahagi ng kanilang teaching and research staff.
Dagdag pa rito, maaaring silang magsagawa ng educational exchanges and visits, joint scientific and academic research at iba’t iba pang uri ng pagtutulungan sa edukasyon bilang bahagi ng education cooperation agreement ng dalawang bansa.
Ipinaabot naman ng Ambassador ang pasasalamat sa 150 scholarships grant na ibibigay ng Saudi government sa mga eligible Filipinos. Ang scholarships na ito ay tiniyak mismo ng Saudi Minister of Higher Education na si Dr. Khaled Al-Anqari sa pagbisita kamakailan ni Ambassador Tago sa opisina nito.
Binanggit naman ni Dr. Al-Tayeb ang paghanga sa mga Pilipino na nagtratrabaho sa King Abdulaziz University Hospital bilang mga nurses at medical professionals na ayon sa kanya ay “excellent workers and extremely professionals”. Naglalayon din sila na magdagdag pa ng Filipino medical professionals sa kanilang nursing staff.
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Medical and Dental Mission
Maaari nyo po bang i-anunsiyo ang mga petsa ng darating na medical at dental mission? – from Sonny Lozano, Family Driver in Dammam, Saudi Arabia
Dear Sonny, salamat sa iyong tanong/kahilingan. Sa ngayon ay wala pa tayong alam na isasagawang Medical at Dental Mission na kadalasan ay pinangungunahan ng Filipino community groups dito sa Eastern Province. Gayunpaman, sa oras na may alam tayo ay agad natin itong ipapaalam. Samantala, tiyak na magkakaroon ng ganitong activity sa darating na pagdiriwang ng ating Independence Day sa buwan ng Hunyo. Antabayanan ninyo ito. - Max
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535 begin_of_the_skype_highlighting 00-966-502319535 end_of_the_skype_highlighting. Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)
Monday, April 23, 2012
Isang Matagumpay na PBL Opening
by Max Bringula (Published in Abante ME Edition on 19 April 2012)
Tulad ng inaasahan, isang matagumpay at makulay na Opening Ceremony ang nasaksihan noong Biyernes, 06 April 2012, sa pagbubukas ng Season 7 ng PBL (Pag-asa Basketball League), isang taunang liga na isinasagawa ng Pag-asa Community Support Group sa Eastern Province, Saudi Arabia.
Ang seremonya ay ginanap sa Al Jazeera International School in Dammam kung saan labing-siyam na koponan ang pumarada bitbit ang kani-kanilang banner at kasama ng mga naggagandahang Muse. Ang mga koponan na nabanggit ay ang mga sumusunod na hinati sa dalawang Division.
Division A: GMC Thunders, JIL Theos, JCLORIM Warriors, DBD Agape, CLSF Emman at CCWIM 1 Division B-1: DDU 1, JTLG Corinthians, CLSF-Emman 2, CLSF-TJM4, POPCF Knights at PFC Division B-2: DDU 2, JCPP, JCILSA Kawal, CLSF-Emman 3, JUSL, JLRR at CCWIM 2.
Sinimulan ang okasyon sa isang upbeat dance na ipinamalas ng GMC Thunders na nagsilbing hudyat ng opisyal na paninimula ng PBL Season 7, at pagkatapos nito’y isa-isa ng tinawag ang mga koponan para sa inaabangang Parade of Teams.
Gumugol din ng mahigit kumulang na trenta minutos ang parada na sinundan naman agad ng Pambansang Awit sa pangunguna ni Ms. Seth Vega at Invocation ni John Tolentino kung saan ipinanalangin di lamang ang tagumpay ng Liga kungdi maging ang manlalaro pati na ang kani-kanilang Coach at Team Captain upang matiyak ang maayos at mapayapang paglalaro.
Ipinaalala naman ng Technical Committee Head na si Ruben Panzo, ang ilang mga PBL Rules na dapat tandaan at sundin ng mga manlalaro, at pagkatapos sila’y kanyang pinangunahan sa Oath of Sportsmanship.
Sa Welcome at Opening Remarks ng Chairman ng Pag-asa Community Support Group na si Max Bringula, kanyang inihayag na ang PBL ay isang larong-kapatiran kung kaya’t ang dapat mapapurihan ay ang Diyos at hindi ang tao o ang galing at talento ng sino pa man. Dagdag din niya, na ito’y pagkakataon upang maipakita ng bawat manlalaro na sila’y di lamang manlalarong Pilipino kungdi higit sa lahat, isang manlalarong Kristiyanong-Pilipino na may taglay na disiplina at pag-ibig sa kapwa.
Nagbigay naman ng mapanghamong Inspirational Remarks ang panauhing pandangal ng okasyong iyon na walang iba kungdi ang Welfare Officer ng Philippine Embassy sa POLO-Eastern Region Operations na si Ron Lionel M. Bartolome o mas kilala sa tawag na WelOff Ron. Kasama niyang dumalo si Jack Arroyo, Administrator sa POLO-ERO.
Sa kanyang pananalita, pinasalamatan niya ang grupo ng Pag-asa bilang isa sa pinagkakatiwalaan ng Embahada na community group sa Eastern Province na ang pagtulong sa Filipino community ay tapat at walang hinihintay na ano mang kapalit, lalung-lalo na sa pagtulong sa mga distressed workers. Nagbigay din siya ng paalala sa mga naroroon na mag-ingat sa ina-upload na litrato at videos sa mga social network tulad ng Facebook. Dapat daw na tiyaking walang inappropriate materials na ia-upload na lalabag sa kultura at paniniwala ng bansang kinalalagyan.
Samantala, sa ikalawang pagkakataon, nagkaroon muli ng Cheering Competition at ito’y napagwagian ng koponan ng JCILSA Kawal.
Tinanghal namang Best in Uniform ang Day by Day – Agape sa kanilang reversible green and white uniform na ayon sa Team Manager nito ay pinasadya pa talaga nila sa BOTAK Philippines na siya ring gumagawa ng uniforms ng ilang mga teams sa UAAP at NCAA.
Most Organized Team naman ang JCPP Eagles at Best Muse o Miss PBL Season 7 si Ms. Romelia Ilustre ng GMC Thunders.
Umaatikabong sagupaan naman ang nasaksihan sa tatlong laro na isinagawa pagkatapos ng Opening Ceremony. Ito’y sa pagitan ng JTLG Corinthians at DDU Ephphatha na pinanaluhan ng una sa score na 65-45. Sinundan ito ng panalo ng JCILSA Kawal sa kalabang CLSF Emmanuel 3 sa score na 52-44.
Mala-Championship Game naman ang napanood sa ikatlong laro sa pagitan ng DBD-Agape at GMC Thunders kung saan parehong nagpamalas ng galing at husay sa depensa ang dalawang koponan. Sa huli’y namayani ang DBD sa score na 84-77. Ang winning triumvirate nina Lontoc, Mandia at Lazaro ang isa sa naging daan upang makamit ng DBD ang kanilang unang panalo sa Season 7 ng PBL laban sa 3-time PBL Champion, ang GMC Thunders.
Tunay na tagumpay ang paninimula ng PBL Season 7. Inaasahang madaragdagan pa ang excitement sa mga darating na Huwebes at Biyernes habang isinasagawa ang Elimination Round sa Division A at B.
Pinasalamatan naman ni Tim Mallari, PBL Commissioner sa tatlong magkakasunod na taon, ang lahat ng mga dumalo at sumuporta sa kanilang pagbubukas. Gayundin ang bumubuo ng PBL Season 7 Executive Committee. Ang tema sa taong ito ay “Encourage One Another and Build Each Other Up”, at ang Master of Ceremonies ay magkatuwang hinawakan nina Rosendo Campos at Arthur Valeros
.

Subscribe to:
Posts (Atom)