Sunday, January 15, 2012

Amnesty Period, In-Extend Hanggang 09 March 2012

by Max Bringula Chavez
(published in Abante ME Edition, 16 January 2012)

Muling in-extend ang amnesty period para sa mga overstayers na ang hajj, umrah at visit visas ay palso na at hindi na-renew.

Sa Diplomatic Note No. 8/4/365161, 25 December 2011 (30/1/1433-H), na natanggap ng Embahada ng Pilipinas, isinasaad na muling i-extend ang amnesty period ng anim na buwan simula sa 14 September 2011 (16/10/1432-H) hanggang 09 March 2012 (16/4/1433-H).

Muling ipinapaalala na ang amnestiya na ito ay para lamang doon sa mga nag-hajj at nag-umrah na nag-overstayed sa bansa ng walang valid visa. Ito’y sa kadahilanang napalso na ang kanilang haj at umrah visa at hindi nai-renew. Saklaw din ng amnestiya yung mga visit visa holders na nag-overstayed din sa kaparehas na kadahilanan.

Hindi kasama sa amnestiya ang mga “TNT’s” o yaong mga tumakas sa kanilang mga amo at yaong mga walang valid residence permit o Iqama dahil expired na at hindi na-renew.

Mariing itinatagubilin ng Embahada ng Pilipinas sa lahat ng concerned OFWs o roon sa mga nasasaklaw ng Royal Amnesty na ito na i-avail ang pagkakataong maka-uwi ng maayos at hindi na mangangamba pa na makukulong dahil sa pag-overstay at magbayad ng malaking halaga bilang penalty kapag nahuli ng mga awtoridad.

Pinapaalalahanan din ang mga kababayan nating huwag magpapaniwala sa mga “fixers” na mangangakong aayusin ang kanilang papeles sa madaling paraan kapalit ng halagang ibabayad.

Kung nais na i-avail ang Royal Amnesty o Pardon, magsadya kayo mismo sa Saudi Immigration Office (o Jawazat) na malapit sa inyong lugar upang ma-process agad ang inyong repatriation bago abutin ng deadline na 09 March 2012.

Maaari rin kayong lumapit sa ating Embahada at Konsulada upang mai-assist kayo sa kakailanganin para sa inyong repatriation.

Narito ang kanilang numero:

Philippine Embassy, Riyadh: 4821802 / 4823559 / 4880835 / 4820507
Philippine Consulate General Jeddah 24/7 Hotline: 0515016318
POLO Jeddah 24/7 Hotline: 0515124797, (02) 665-8462 ext. 101
POLO-Eastern Region Office: 8941846 / 8942890 / 8651951

TSD Readers’ Corner:

(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)

Photos to Share in Abante ME Edition

Mag-inquire po sana ako kung pwedeng mag-publish ng photos sa Abante ME Edition sa Pinoy Corner nito. Kung pupuwede, papaano po kaya maipapadala. The only thing I can do is to send by mail and not through eMail or by Facebook.
I’m working as Nanny here in Dammam.

Kabayan, maaari ninyong ipadala ang inyong mga photos sa address na ito:

Abante Middle East Edition
Flat 13, Bldg. 180, Road 408, Area 704
Salmabad, Kingdom of Bahraiin


Komento sa “Di Na Natuto” (published on 11 January 2010)

Nabasa ko po ang magandang mensahe ni Maricon tungkol sa Bagong Taon Na! Anong Bago? Friend niya po ako at dito rin nagwo-work sa Dammam. Katulad ni Maricon, marami rin akong pinagdaraanan pero di pa rin natututo. Sana ngayong 2012, mabago na ang buhay namin. Hindi ka rin naman matututo kung walang problema at pagsubok sa buhay. Yan ang magiging daan para tumagal pa kami at maging matatag. Marami pa akong mga friends dito at puwede kong pabasa sa kanila ito para mahikayat ko rin sila na magbigay ng kanilang saloobin. Good luck and more power. – Ms. Rosaly Maturan of Dammam

(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535. Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)

No comments:

Post a Comment