Tuesday, November 13, 2012

Bagong Rule ng SSS para sa Short-Term Loans

Ipinatutupad ngayon ng management ng SSS (Social Security System) ang bagong rule sa pagbayad ng interest rate sa sino mang members nito na nagnanais na mag-avail ng short-term loans.

Ito ang inihayag ni Ma. Luz. C. Generoso, SSS Assistant Vice President for Lending and Asset Management. Ayon sa kanya, magiging malaki na ang loan proceeds na madadala ng borrower pagkat hindi na muna ibabawas ng SSS ang unang taon na 10% interest rate. Sa pamamagitan nito, maiuuwi ng borrower ang buong amount ng kanyang loan.

Ang 10% interest rate naman taun-taon ay iko-compute sa pamamagitan ng diminishing principal balance, na ang ibig sabihin kung ano ang balanse ng loan sa katatapos na taon ay dun iko-compute ang yearly 10% interest rate. Kaya't habang lumiliit ang principal balance, lumiliit din ang interest rate. 

Para sa iba pang detailye, bisitahin ang website ng SSS sa Link na ito.https://www.sss.gov.ph/sss

by Max Bringula Chavez
Tinig sa Disyerto
13 November 2012

Tuesday, November 6, 2012

Blacklisted Cargo Companies sa Saudi

As per the Circular released by DTI (Department of Trade and Industry) in the Philippines dated 12 October 2012, the following cargo companies in Saudi Arabia are blacklisted due to reports of undeliver
ed Balikbayan boxes and other violations under PSB (Philippine Shippers Bureau) Administrative Order No. 6 series of 2005:

1. Cargo Net Worldwide Services formerly FAL-World Express Cargo
2. Fil Asia Cargo Forwarders Philippines
3. Global Cargo
4. RJM Freight Cargo Forwarders
5. WRJ Freight Forwarders (A Division of Al-Zagel Cargo)
6. North and South Express Cargo

Overseas Filipinos Workers in Saudi are advised therefore to stop doing business with the above-mentioned foreign principal/cargo consolidators.

The said circular also contains names of cargo companies in other countries that are also being blacklisted, such as in five (5) in United Arab Emirates, eight (8) in United States of America, two (2) in Singapore, two (2) in Ireland, and one (1) each in Malaysia, Hongkong, Australia and Cyprus.

“Overseas Filipino workers who will send their balikbayan boxes and their consignees in the Philippines should book their packages only with reliable and PSB-accredited freight forwarders and Philippine agents to ensure that their packages will reach their destinations,” said Victorio Mario Dimagiba, DTI-PSB director-in-charge, in a statement.

“Senders may verify the company name of the Philippine sea freight forwarder counterpart at www.dti.gov.ph, or they may visit our Philippine Consulate offices abroad,” he said.

Dimagiba said foreign principals and cargo consolidators overseas must have local counterparts that are accredited by the DTI-PSB if it is a sea cargo forwarder and the Civil Aviation Authority of the Philippines if an air cargo forwarder.

He also warned cargo senders from abroad against very low door-to-door rates that some foreign principals offer. “With low rates, they [foreign principals] do not have enough funds to bear the cost of transporting cargoes, and they fail to remit delivery funds to their Philippine freight forwarders, causing the shipments to be abandoned at the ports and not being delivered to consignees,” the DTI official said.

“For consignees in the Philippines who have not received their packages from freight forwarders, they may contact DTI (02-751-3330) or go to PSB office to file an immediate claim or complaint,” he added.

Tinig sa Disyerto
07 November 2012
by Max Bringula Chavez

(Part of the news is lifted from InterAksyon.com)

Monday, November 5, 2012

Mga Pag-iingat na Dapat Gawin

Upang makaiwas na madamay sa insidenteng maaaring mangyari sa mga lugar ng Bahrain kung saan nagkaroon ng limang pagsabog ng bomba nitong umaga ng Lunes, 05 November 2012, sa Manama at karatig-pook nito, nariot ang ilang mga DAPAT GAWIN:

A. Limitahan ang PAGBIYAHE papuntang BAHRAIN

1) Ang pagbiyahe by road or by air mula Saudi hanggang Bahrain (maliban sa Bahrain Airport) ay dapat limitahan lamang sa business essentila/purposes. 

2) Iwasan munang pumasyal sa Bahrain for leisure purposes.

B. Sa mga NAKATIRA sa BAHRAIN

1) Iwasan ang lugar ng Gudaibiya at Adliya (see map below).


2) Iwasan ang mga lugar na sasarhan ng security forces ng Bahrain na maaaring pagkaganapan ng pagbomba o kaguluhan. 


3) Maaaring magkaroon ng mga delays sa biyahe sanhi ng malawakang checkpoints na isasagawa ng security forces. 


4) Maging alerto at mapagbantay.  i-report agad sa pulisya o awtoridad ang ano mang kahina-hinalang kilos o kaganapan na maaari ninyog makita o mapansin sa inyong kapaligiran. 


Tinig sa Disyerto

05 November 2012
by Max Briingula Chavez

Bomb Explosions sa Bahrain

Sa circular na inilabas ng Philippine Embassy sa Bahrain dagted 05 November 2012, pinag-iingat ng Embahada ang lahat ng OFW's sa Bahrain at kung maaari ay iwasan ang maglalabas muna kung di naman kailangan.

Ito'y matapos ang limang sunod-sunod na bombang sumabog sa iba't ibang lugar ng Manama na siyang capital ng Bahrain, kasama na ang katabi nitong Qudhaibiya at Adliya.

Dalawang expatriates of Asian origin ang namatay sa nasabing pagbomba, bagama't di pa agad matukoy kung anong nationalities ang mga ito.

Ang nasabing insidente ay bunsod ng political and ethnic unrest sa Bahrain na nagsimula noon pang nakaraang taon, February 2011, kung saan hinihingi ng Shiites community sa Sunni-ruled government ng Bahrain ang greated political voice and participation para sa mga Shiites na siyang majority ng population nito.

Tinig sa Disyerto
05 November 2012
by Max Bringula Chavez




Tuesday, October 16, 2012

Pag Lift-Up ng Ban sa DH, Mainam Ba o Hinde?


Ipinagmamalaking ibinalita ng DOLE (Department of Labor & Employment) ang napagkasunduang Standard of Employment Contract o SEC sa pagitan ng bansang Pilipinas at Saudi Arabia patungkol sa mga Household Service Workers (HSW), o mas kilala sa tawag na DH (Domestic Helpers).

Ayon kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz, ang kontratang napagkasunduan ay naglalayon na mabigyan ng higit na proteksiyon ang mga nagtratrabahong HSW o DH sa Saudi at matiyak na mapapangalagaan ang kanilang kapakanan.

Kaakibat ng kasunduang ito ay ang pagsisimulang muli ng authentication at verification ng mga bagong employment contracts para sa mga first-time HSW na ipapatupad sa susunod na buwan ng Oktubre.  Matatandaan na natigil ang pagpapadala ng Pilipinas ng HSW sa Saudi noong nakaraang taon, March 2011, matapos ipahinto ng Saudi Embassy sa Manila ang pag-proseso para sa mga first-time HSW na nagnanais na magtrabaho sa Saudi. 

At kamakailan lamang nga ay naghayag ang Saudi government na muli silang mag-i-ssue ng working visas para sa mga Filipino maids.  Na ibibigay na nila ang demand ng Pilipinas na 400 US Dollars na minimum salaries para sa HSW, o katumbas ng Saudi Riyals 1,500.

Ang balitang ito ay umani ng mixed reactions sa ilang mga kababayan natin.  May mga agam-agam.  Mga katanungang “masusunod kaya ang napagkasunduan” o ito’y sa papel lamang at salita, subalit kulang sa gawa at implementasyon.  Tapat kaya ang magkabilang panig sa pagpapatupad ng kasunduan?  At kung malinis nga ang kanilang pakay at hangarin, yun kayang magpapatupad naman nito’y susunod tulad ng mga recruitment agencies, at iba’t ibang ahensiya ng Pilipinas?

Tama nga na kapag nasa Pinas at sa harap ng POLO, 400 USD ang suweldo pero kapag nagpasuweldo na sa katulong 700 o 800 SR na lang ang ibibigay. Wala namang magawa ang katulong dahil hindi naman siya puwedeng makalabas ng bahay na hindi kasama ang among babae. Bawal ding gumagamit ng cell phone o computer kaya patago lagi,” ang wika ng isa nating kababayan.

Paliwanag naman ng ating kasamang Lito Tomas, “di pa nga natatapos ang mga problema sa mga nandiritong DH sa Saudi, madaragdagan na naman.  At sana madali lamang silang makakaalis sa abusadong amo, kaso kung hindi man sila tatakas, nagagahasa naman o kaya’y nanganganib ang buhayGustuhin man natin na sila’y tulungan, wala naman tayong magawa pagkat kadalasan yung nagkukusa ay nadaramay pa.”

Ito ang reyalidad ng kalagayan ng mga DH o HSW sa bansang tulad ng Saudi Arabia.  Subalit, tuloy pa rin ang pagdagsa nila at di mapipigilan lalo pa nga ngayong na-lift up na ang Ban sa Filipino Maids.

Kunsabagay, di rin natin masisi ang mga kababayan natin na umalis ng Pilipinas para magtrabaho ng DH, bagamat may mga balitang di magaganda na kanilang naririnig at napapanood sa telebisyon at nababasa sa mga peryodiko, pagkat di naman maibibigay ng Pilipinas ang sahod na tatanggapin nila kung sa abroad magtratrabaho.

Kaya’t ito naman ang sinisikap ng ating pamahalaan na tiyaking maiingatan at mapapangalagaan ang mga kababayan nating nagtratrabahong DH o HSW.

Inatasan ni Sec. Baldoz sina Administrator Hans Leo Cacdac ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Administrator Carmelita Dimzon ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA), Philippine Labor Attaches sa Saudi Arabia na sina Albert Valenciano, Alejandro Padaen, at Adam Musa, at si  Director Restituto dela Fuente ng National Reintegration Center for OFWs (NRCO) na magpalaganap ng information at education campaign patungkol sa nilalaman ng bagong HSW Standard Employment Contract, at ang pagkakaroon ng awareness sa mga do’s and don’ts, pros and cons, at risk and rewards ng pagtratrabaho bilang HSW sa Saudi.

Binilinan niya ring makipag-ugnayan sila sa mga lisensiyadong recruitment agencies sa Pilipinas at Saudi Arabia upang matiyak na masusunod ang isinasaad sa pinirmahang kasunduan.

Nawa nga’y ang pagkilos na ito ng Pilipinas ay magbunga ng maganda at di maging isang “ningas-kugon” na naman.

Ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng Pilipinas at ng mga aplikante na titiyaking masusunod ang nilalaman ng bagong SEC (Standard Employment ContractO ay higit na makakatulong upang magtagumpay ang programang ito. 

At sa gayon, masasabi nating ang pag-lift up ng ban sa HSW o Domestic Helpers ay mainam nga.

by Max Bringula Chavez
Tinig sa Disyerto
17 October 2012

 Mga HSW na aking nakausap nang ako’y bumisita sa Kuwait.

Friday, October 12, 2012

Bagong Set of Officers ng UAP, Nanumpa

by Max Bringula Chavez

Sa pangunguna ni Labor Attaché, Honorable Adam Musa, ng POLO-Eastern Region Office, Embassy of the Philippines, nanumpa ang labing-isang bagong opisyales ng United Architects of the Philippines, KSA-Eastern Province Chapter (UAP-KSA-EPC) para sa taong 2012-2013, na kinabibilangan ng mga sumusunod na Architects: 

Jeoffrey B. Asis – President / Celfred Recato – VP Programs & Development / Romualdo P.Quario – VP Operations / Leonardo L. Losaria – Secretary / Louise Louel Fabria – Treasurer / Michael P. Cabatan – Auditor / at mga Board of Directors na sina Rosario S. Fernando, Winifredo Calimlim, James San Jose, Boyet Ortega at Garry Maningding.


Si LabAtt Musa habang pinapanumpa ang mga bagong opisyales ng UAP-KSA-EPC.

Sa temang “Actively Engaging Filipino Architects in Pursuit of Excellence”, sisikapin ng mga naitalagang opisyales na paglinangin pa ang kanilang kaalaman upang maging competitive sa lumalaking demand sa architectural designs, gayundin upang lalo pang matanyag ang galing ng Pilipino sa ganitong larangan.

Ang UAP-KSA-Eastern Province Chapter ang kauna-unahang chapter o sangay ng UAP-Philippines na itinatag sa Saudi Arabia, at bilang mother chapter, layunin nito na buklurin ang lahat ng Filipino architects di lamang sa Eastern Province kungdi maging sa Central at Western Region.

Kabilang din ang UAP sa PPO o Philippine Professionals Organization, isang samahan ng iba’t ibang Filipino professionals sa Saudi Arabia  tulad ng PICPA (Philippine Institute of Certified Public Accountants), PICE (Philippine Institute of Civil Engineers), PSME (Philippine Society of Mechanical Engineers), IIEE (Institute of Integrated Electrical Engineers), at IECEP (Institute of Electronics Communication Engineers of the Philippines).

Sa nasabing okasyon na ginanap sa Dhahran International Hotel, ginawaran din pagkilala ang mga Outgoing Officers ng UAP ng taong 2011-2012 sa pangunguna ni Arch. Liyo C. Cefre, Pangulo at mga kasama nitong opisyales tulad nina Dionne S. Monteloyola (VP Programs & Dev’t), Arsenio Q. Laborte (VP Operations), Geraldin G. Suede (Secretary), Ronald Z. Cruz (Treasurer), Perfecto S. Catis, Jr. (Auditor), at mga Board of Directors na sina Rosario S. Fernando, Hermosos Delos Reyes, Celfred Recato, Romualdo P. Quario, Jeoffrey B. Asis at Michael Cabatan.

At tulad sa mga nakaraang Induction, nagkaroon ng Turnover Ceremony sa pagpapalit ng Presidency ng UAP, mula sa dating Pangulo nito na si Arch. Liyo C. Cefre sa bagong Pangulo na si Arch. Jeoffrey B. Asis, at pagkatapos, sinundan ng Inaugural Speech ng bagong Pangulo.

Makikita sa larawan sina Arch. Jeoffrey B. Asis (kaliwa) at si Arch. Liyo C. Cefre (kanan) sa Turnover Ceremony na ginangap.

Kaalinsabay ng Induction ng araw na iyon ay ang pagdaraos din ng UAP  ng kanilang General Membership Meeting & Assembly kung saan ipinakilala ang mga bagong miyembro ng UAP-KSA-EPCA, at ang mga Board Passers sa katatapos na Special Professional Licensure Board Examination (SPLBE) na isinasagawa ng Philippine Regulatory Commission taun-taon sa Saudi Arabia.

Nagkaroon ng Committee Reporting mula sa iba’t ibang Committee Chairman at Technical o Product Presentation mula naman sa kinatawan ng BAI Aluminum na si Mr. Wilson Brua, at Danny Abdi ng CLADME.

Ipinakita rin sa okasyong iyon ang Highlights ng iba’t ibang activities na nilahukan ng UAP-KSA-EPC sa taong 2011-2012 sa pamamagitan ng video clips na pinamahalaan nina Arch. Catis at Arch. Calimlim.

Nagpaunlak naman ng special numbers bilang Intermission sina Ernani Taquiso at Krizia Monik Gutierrez ng World Championship of Performing Arts na sadyang ikina-aliw ng lahat ng dumalo.

Ang palatuntunan at buong programa ay pinangunahan nina Arch. Geraldin G. Suede at Arch. James San Jose bilang mga Master of Ceremony.

Samantala, nais pasalamatan ng pamunuan ng UAP-KSA-EPCA ang mga sumusunod na personalities, kumpanya at organisasyon sa kanilang patuloy na suportang ibinibigay sa UAP:

Florante Catanus (ABS-CBN TFC Correspondent), Max Bringula (Columnist – Abante ME Edition), Wilson Brua (General Manager – BAI Aluminum), Dany Abdi (CLADME), Krizia Monik Gutierrez (WCOPA), Glenn Quezado, SHADE, Al Ameria Co., C5 Electronics, NEC, SAAPCO, Eastern Works, at Jollibee Alkhobar.

Narito ang ilang mga kuha sa katatapos na UAP-KSA-EPC General Membership Meeting & Assembly and Induction of Officers FY 2012-2013.








Sunday, July 29, 2012

JCLORIM Warriors at JTLG Corinthians, Kampeon sa PBL Season 7

by Max Bringula
(Published in Abante ME Edition, 29 July 2012)

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakamit ng JCLORIM Warriors ang kampeonado sa Division A ng PBL (Pag-asa Basketball League) Season 7 sa katatapos na championship game nito na ginanap sa Al Gosaibi Sport Complex, Alkhobar, Saudi Arabia nitong nakaraang Biyernes, 20 July 2012. 

Ang JCLORIM Warriors na tinanghal na Champion ng PBL Season 7 – Division A.

Sa isang makapigil-hiningang sagupaan ng JCLORIM at ng katunggali nito, ang CLSF Emmanuel 1, naiuwi ng Warriors ang pinakaka-asam na tropeo ng isa sa prestihiyosong liga sa Eastern Province, Saudi Arabia.

Matinding laban at depensa ang ipinakita ng dalawang koponan sa kanilang paghaharap sa championship game kaya’t mahigit sa sampung beses na nag-deadlock ang score ng magkabilang-panig mula ng first quarter hanggang fourth quarter, at naging sanhi ng pagkakaroon ng overtime nang magpantay ang score sa 88-88.

Sa huling pitong segundo ay lamang ang CLSF ng isang puntos sa score na 86-85 habang parehong nasa penalty situation.  Naragdagan pa ito ng dalawang pasok na free throw ng kanilang Point Guard na si Floyd Loyola kaya’t nakaungos ang CLSF ng 3 points sa JCLORIM.  Ngunit mabilis itong nabawi sa 3-points shoot na pinakawalan ni Ryan Mark Legaspi, ang Shooting Guard ng JCLORIM, sa huling segundo.  Malaking panghihinayang sa CLSF ang pangyayari sa dahilang tiyak na sana ang panalo kung nag-foul na lamang sila sa huling segundong natitira sa halip na hayaang makapag-score ang JCLORIM.

Hindi magkamayaw ang manonood sa nasaksihang laban na mala-PBA ang dating.  Sulit na sulit kumbaga ang paghihintay ng mga sumusuporta ng PBL sa nasabing championship game.  Napapatayo ang ilan sa kinauupuan at hindi mapigilan ng iba ang mapasigaw sa saya at excitement ng larong iyon.

Muntik pa na mag-overtime sa pangalawang pagkakataon nang maging 101-101 ang score sa huling tatlong segundo ng 5-minutes extension ng laro habang nasa penalty situation pa rin ang magkabilang-koponan.

Ngunit dahil sa free throw ni Jay-R Lumbang, ang Power Forward ng JCLORIM, naging 102-101 ang score sa isang shoot na pumasok, at di na nahabol pa ito ng CLSF kung kaya’t tinanghal na kampeon ang JCLORIM. 

Samantala, muli namang naiuwi ng JTLG Corinthians sa pangalawang pagkakataon ang tropeo ng kampeonado sa Division B na una nilang nahawakan sa Season 6 ng PBL noong nakaraang taon.

Sa score na 72-53, di nakuhang maagaw ng JCPP Eagles ang tropeo sa Corinthians.  Gayunpaman, walang segundong sinayang ang JCPP.  Sinikap nila na igupo ang kalaban ngunit sadyang di pa ito ang panahon para sa mga Agila.

Ang JTLG Corinthians na siya naging Champion sa Division B sa pangalawang pagkakataon.
Narito ang kumpletong resulta ng PBL Season 7, CWW.SA Cup 2012:

DIVISION A:  

Champion - JCLORIM Warriors / 1st Placer - CLSF Emmanuel 1 / 2nd Placer - GMC Thunders / 3rd Placer - DBD-Agape

MVP (Most Valuable Player) – Ryan Mark Legaspi, JCLORIM Warriors

Mythical Five – Ryan Mark Legaspi, JCLORIM Warriors / Jay-R Lumbang, JCLORIM Warriors / Rochiel Cureg, CLSF Emmanuel 1 / McLean Lontoc, DBD-Agape / Louie Dela Cruz, GMC Thunders

Best Coach – Keneth Salvador, JCLORIM Warriors
Most Disciplined Player – Ranil Ureta, GMC Thunders

DIVISION B:

Champion – JTLG Corinthians / 1st Placer – JCPP Eagles / 2nd Placer – CLSF Emmanuel 2 / 3rd Placer – CCWIM B

MVP (Most Valuable Player) – Ryan Dagala, JTLG Corinthians

Mythical Five – Ryan Dagala, JTLG Corinthians / Patrick Ryan Hermosura, JTLG Corinthians / Renato Chao, JCPP Eagles / Victor Garcia, CLSF Emmanuel 2 / Roy Pajarillo, CCWIM B

Best Coach – Joey Bacasno, JTLG Corinthians
Most Disciplined Player – Rommel Dela Cruz, JTLG Corinthians

Sa Opening Remarks ng Chairman ng Pag-asa Community Support Group na si Max Bringula, kanyang ipinahatid ang pasasalamat sa lahat ng koponan na lumahok sa Season 7 ng PBL.  Ayon kay Bringula, di lamang ang nanalo sa championship games ang maituturing na Kampeon, kungdi maging ang bawat isang lumahok at naging bahagi ng matagumpay na PBL Season 07.  Dagdag pa niya, hindi lamang sa tropeong hawak at medalyang suot masusukat ang pagiging kampeon kungdi sa kung papaano naipamalas ng bawat isa ang pagigng tunay na Manlalarong Kristiyano sa mata ng kapwa-manlalaro, ng opisyales at committees, ng mga referees at manonood.

Sa pagtatapos ng PBL Season 7, naipamalas na ang layunin nito ay natupad tulad ng isinasaad ng kanilang tema na “Encourage One Another and Build Each Other Up”.

Naging panauhing pandangal sa seremonya ang CWW Head na si Nicodemus Plando, kasama ang iba pang Tagapamuno sa bawat lokal.

Ipinapaabot naman ni Tim Mallari, ang Commissioner ng PBL ang pasasalamat sa lahat, lalo na mga kasama nito sa Committee na sina Robert Yumang, Arthur Valeros, Ruben Panzo, Rene Villasante, Tony Apo, Melchor Navarra, Junald Pellazar, Fher Bautista, Luis Macaraeg, Henry Ayangco, Jun Abella, Jessie Veloso, Allan Balde, Joseph Santos, Jonwel Gaytano, Ephraim Munez, Jeremy Perez, Joel Mabandos, Frederick Belen, Albert Turiana, Arniel Bacalla, Vincent Babiera at Dionsio Avila.

Si Tim Mallari, PBL Commissioner, kasama ang bumubuo ng PBL Season 7 Executive Committee.
Samantala, ang Season 8 ng PBL ay sisimulan sa February 2013.

More Photos:






(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535.  Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)





Saturday, May 19, 2012

Takas, Gusto ng Sumuko

by Max Bringula
(published in Abante ME Edition on 19 May 2012)


Sa dahilang maraming katanungan tayong natatanggap mula sa mga kababayan natin at masusugid na tagasubaybay ng Tinig sa Disyerto, tungkol sa kani-kanilang trabaho bilang mga OFW, ating napagpasiyahan na maglaan ng espasyo sa ating column para sagutin at talakayin ito sa abot ng ating makakaya at nalalaman.

Ito’y gagawin natin base sa kahalagahan ng tanong at sa kapakinabangang maidudulot nito sa bawat OFW’s.

Uunahin nating bigyang-pansin ang katanungang ipinadala ni Jermer Gerondo ng Dammam, Saudi Arabia tungkol sa kanyang kaibigan na tumakas sa amo/pinagtratrabauhan at ngayo’y nais ng sumuko.

Narito ang buod ng kanyang sulat:

Ako po ay tagasubaybay sa inyong column sa Abante ME Edition.  Hihingi po sana ako ng payo tungkol sa aking kaibigan.  Siya ay tumakas sa kanyang amo dahil tinangka siyang gahasain ng kapatid ng amo niya at hindi siya pinapakain sa bahay nila at inaabuso pa.  Ano po ba ang proseso pag susuko na siya sa embahada natin?  Madali ba siyang makakauwi?  Sasagutin niya ang pamasahe basta makauwi lang siya agad sa oras na sumuko na siya.  Sana mabigyan n’yo po ako ng payo.  Maraming salamat po. 

Ang takas o runaway workers na nais sumuko ay dinadala sa Deportation (kung ito’y lalaki bagama’t may mga babae rin na dinadala rito depende sa bigat ng kasong ibinigay ng employer) at sa SWA (Saudi Welfare Agency) naman para sa mga kababaihan.

Kung gaano katagal bago makauwi ang isang takas ay depende sa magiging katugunan at kooperasyon ng kanilang amo na ipapatawag o tatawagan sa oras na sumuko na ang takas.  

Kaya nga’t ang ipinapayo ng ating Embahada ay huwag ng patatagalin pa ang pagsuko.  Dapat nga’y sa loob lamang ng dalawamput-apat na oras mula sa pagtakas ay makipag-ugnayan na agad ang runaway sa representatives ng ating Embahada o POLO upang di siya maunahan ng kanyang amo o employer na makapagpa-blotter sa pulis.

Kapag na-blotter na ibig sabihin ay may kaso na ang nasabing runaway at hanggang di pumapayag ang amo/employer na ito’y iurong, hindi makaka-uwi ang nasabing takas kahiman siya’y sumuko na.

Sa pamamagitan ng pakikipag-usap ng representatives ng Embahada o ng Case Officer sa employer ng takas, maaaring mapadali ang pag-uwi depende sa magiging resulta ng pag-uusap.  Kung may nakalaan ng pambili ng air ticket ang isang takas, maaari itong makatulong sa mabilis na pag proseso ng pag-uwi.  Gayunpaman, nakasalalay pa rin ang lahat sa pakikipagtulungan o kooperasyon ng employer pagka’t hawak nila ang passport ng kanilang mga trabahador.

Samantala, kung wala na ang employer o inabandona na ang trabahador at di na makontak pa, gagawan na lamang ng Embahada ang takas ng Travel Document upang ito’y makauwi.

Sinisikap naman ng ating Embahada na di magtatagal sa SWA ang mga kababaihang takas.  Sa loob ng isang buwan ay dapat mapauwi na sila agad dahil mismong mga opisyales ng SWA ang nagsasabing sila’y pauwiin na agad at huwag ng patagalin pa.

Doon naman sa mga nasa deportation, ang pag-uwi nila’y nakasalalay din sa pagpayag o di pagpayag, pakikipagtulungan at di pakikipag-tulungan ng kanilang amo/employer.  Kapag pumayag na ang employer ng  trabahador na ito’y makauwi, ihahanda naman ng Embahada ang kanilang Travel Documents (may passport man o wala).  Kung ito’y magagawa nila agad, makakauwi sa madaling panahon ang takas.

Para sa kaalaman ng lahat, ang Deportation ay hindi kulungan bagama’t ang lugar ay tulad sa isang kulungan na siksikan at naka-kulong doon ang mga takas o yaong mga wala ng employer habang naghihintay sila na ma-deport.

Mahirap ang kalagayan ng mga tumatakas. Hindi biro ang kanilang pagdaraanan habang nasa labas at di sumusuko sa kinauukulan at may kapangyarihan.  Kadalasan, sila’y napapariwara pa sa halip na mapabuti.  Kaya’t kung di rin naman “a matter of life and death” ang kinakaharap, huwag iisiping tumakas.

At kung sa di maiiwasang pangyayari o kadahilanan, ikaw ay tumakas, huwag ng patatagalin pa ang pagsuko. Tulad ng aking nabanggit sa itaas, dapat nga’y within 24 hours ay ipagbigay-alam na agad sa ating Embahada ang iyong kalagayan.

Narito ang mga telepono na dapat ninyong tawagan:  Philippine Embassy, Riyadh - 4821802 / 4823559 / 4880835; POLO-Jeddah – 6658462 x 101 / 0515124797; POLO-ERO – 8941846 / 8942090 / 0501269742

Ating ipinapayo sa mga kababayan natin na sumunod sa tamang proseso at sikaping maiparating ang mga hinaing sa tamang pamamaraan.  Ang pagtakas sa employer ay hindi makakatulong sa paglutas ng problema bagkus magiging dahilan pa ito na magsampa ng kaso ang employer laban sa inyo.

Higit sa lahat, ilapit sa Poong Maykapal ang inyong kalagayan at nararanasan.  Walang higit na makakatulong sa atin kungdi Siya lamang. Kaya, higit kanino pa man, Siya ang unahin at sangguniin.

At sa iyo Jermer, nawa’y nabigyan ko ng kaliwanagan at sagot ang iyong katanungan. - Max

(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535.  Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)

Thursday, May 17, 2012

Maghunos-Dili Ka

by Max Bringula
(published in Abante ME Edition on 17 May 2012)


Ito ang dapat matutunan ng bawat isa sa atin upang di masuong sa problema at kaguluhan na mapapipigilan sana kung naghunos-dili lamang.

Kung hindi sana inayunan ang nagpupuyos na poot at galit, naiwasan sana ang disgrasya at mga di kanais-nais na pangyayari.

Disin sana’y walang damdaming nasaktan at pusong sugatan kung nag-isip-isip muna bago nagbitiw ng pananalita.  Ang salita pa naman kapag nabigkas na ay di na mababawi pa.  Kasunod na lamang niyon ay “I’m sorry”.

Ilang tahanan na ba ang nawasak, gaanong karaming luha na ba ang pumatak sa ating mga mata dahil lamang nagpadala sa bugso ng damdamin, sa nararamdaman na kadalasa’y sinungaling at ipapahamak ka lamang kung di pakaka-isiping mabuti bago gawin at sundin.

Ang kaganapang ating natunghayan kamakailan lamang sa Centennial Airport ng NAIA sa pagitan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto, at ng kolumnista’t mamamahayag and TV host na si Mon Tulfo, ay isang patotoo na kung naghunos-dili lamang marahil ang dalawang kampo, naiwasan sana ang pangyayaring pinagpipistahan na ngayon ng buong bayan at nagkaroon pa ng taguring na “Thrilla in NAIA”.

Subalit dahil nagpadala sa umaalab na damdamin, black eye ang tinamo ni Tulfo at pasa naman sa hita ang kay Barretto.  Ngunit higit sa pisikal na sakit na kanilang natamo ay ang sugat na nilikha ng pangyayari sa puso ng mga taong sangkot sa nasabing gulo.  Sugat na maghilom man ay tiyak na mag-iiwan ng peklat, ng alaala at pagsisisi na sana’y di na lang ito nangyari.  Subalit naganap na dahil hindi nga naghunos-dili.

Sabi ng iba, “ito’y dala lamang ng tindi ng init ng panahon, kaya madaling nag-iinit ang ulo ng karamihan”.  Ang hataw naman ng isa kong narinig ay sanhi raw ito ng katatapos na laban ni Mayweather at Cotto kaya’t nakotongan rin ang kawawang Tulfo.

Anu’t ano pa man ang kadahilanan, isang bagay ang dapat nating matutunan sa pangyayaring ito, ang kahalagahan ng paghuhunos-dili o yaong pagpipigil sa sarili upang maiwasan ang di kanais-nais na pangyayari.

Maghunos dila ka!  Yan ang madalas na naririnig ko noong araw sa mga matatanda.  Katagang kahit sa kapanahunan natin ngayon ay higit nating kailangan.

Ang kahulugan ng salitang “maghunos” ay “magbago” o “magpalit”. Tulad ng ahas na nagpapalit ng balat, sinasabi nating siya’y naghuhunos. Ang salitang “dili” naman, ang ibig sabihin ay “isip”.

Kung kaya’t sa pagsasabi ng “maghunos-dili” – sinasabi nating magbago o magpalit ng isip.  Maging mahinahon at huwag pagbigla-bigla.  Pag-isipang maigi ng maka-isandaang beses bago gawin ang isang bagay.

Sa namumuong hidwaan ngayon ng Pilipinas at Tsina dahil sa islang Scarborough Shoal o dating tinatawag na Panatag Shoal, nawa’y ipairal ng dalawang bansa at ng mga mamamayan nito ang paghuhunos-dili.

Pakaisiping maigi ang sasabihin at salitang bibitawan.  Maging mahinahon at sikaping maisaayos ang gusot na di gagamit ng dahas at lakas. Sa gayon, maiiwasan ang pangyayaring maaaring pagsisisihan sa huli dahil hindi naghunos-dili.

Kaya kabayan, huwag kalilimutan na maghunos-dili ka kung kailangan.

(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535.  Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)

Sunday, May 13, 2012

Alay Kay Inay

by Max Bringula Chavez
(published in Abante ME Edition, 14 May 2012)


Ina” - iba’t iba ang tawag natin sa kanila.  Nanay, Inay, Inang, Nanang, Mommy, Mama, Mamang, Ma, Mom, at marami pa.  Tinatawag natin sila sa pangalan o paraang tumutungkol sa kanilang pagmamahal at pag-aaruga sa atin.

Ang salitang “Ina” ay siyang exact translation sa Tagalog ng “Mother”, at siyang ginagamit kung atin silang tutukuyin tulad ng “butihing ina”, o “ina ng tahanan” o kaya’y ang “tanging ina”.

Tinatawag natin sila ayon sa antas ng ating pamumuhay.  “Nanay” o “Nay” kung ika’y isang anak-dalita o anak-mahirap.  Sa lalawigan, kadalasa’y “Inay” o “Inang” ang tawag, lalo na sa ka-Tagalugan.

Sa mga nakaka-angat at may kaya sa buhay o yaong mga nasa alta-sosyedad,  tawag nila’y “Mommy”, “Mama” o “Mom” o kaya’y simpleng “Mother”.

Sa gay lingo o sa kalipunan ng tinatawag nating “third sex”, “Madir” naman ang madalas kong naririnig.

Maging ang mga sanggol o batang nagsisimula pa lamang magsalita, sila’y nakasasambit na ng mga katagang katugma o kasing-tunog ng salitang “Nanay” o “Mom” o “Mama”, tulad ng “Na” o “Ma” o “Ma-ma”.

Doon naman sa mga sadyang moderno at nais maging kaiba, tawag nila sa kanilang ina ay “Dada” o “Mommy-yo” o “Mommie Dearest” o “Dearest Mom” na animo’y kumakatha ng sulat.


Marami pa marahil ang maiisip nating itawag sa ating dakilang ina, at marami pang bagong termino ang maiisip sa mga darating na panahon, subalit wala pa ring makatutumbas at makapaghahayag alin man sa mga salitang ito ng dakilang pagmamahal na iniukol ng ina sa kanyang anak.

Mula sa kanyang sinapupunan, inaruga niya na ang sanggol na isisilang sa mahigit kumulang na siyam na buwan bago ito tuluyang isilang sa mundong ito.  Kung kaya’t ganon na lamang ang kanilang kagalakan nang dumating ang takdang araw na iyon.

Subalit di roon nagtapos ang kanilang paglalaan ng oras at panahon at buhay sa atin, kungdi simula pa lamang iyon.  Mula sa pagiging sanggol hanggang tayo’y natutong lumakad at magsalita, naroon ang kanilang walang-sawang pagbabantay na kahit lamok ay di hahayaang dumapo sa atin.  Ipagsasanggalan ang katawan sa sinumang kumanti o manakit sa ating murang gulang.

At ngayong malaki ka na, ngayong may sarili ng lakad at nais sa buhay, naroroon pa rin ang uri ng pagmamahal ng isang ina na kailanma’y di nagmaliw.  Lumuluha sa ating mga kabiguan, sa ating paglisan at paglimot natin sa kanila.  Nagagalak sa ating tagumpay at sa ating pagdating at tuwing sila’y naaalala natin hindi lamang sa kanilang kaarawan kungdi maging sa espesyal na araw tulad ng “Mother’s Day”.

Kaya’t sa aking dakilang ina, nais kong ialay ang panulat na ito.  Na kung di dahil sa kanya ay walang isang Max Bringula na ngayo’y tumitipa upang kathain ang “Alay Kay Inay” bilang pasasalamat sa pagmamahal na inihahandog ng isang Ina sa kanyang anak na tulad ko.

Batid kong gayundin ang nararamdaman ng bawat isang nakababasa nito.  Kaya’t sa espesyal na araw na ito, ating ipaabot sa kanila ang ating taus-pusong pasasalamant.  Atin silang bisitahin, pasyalan, tawagan, i-text, i-eMail, i-chat, at iba’t iba pang pamamaraang avaiable sa atin ngayon upang marinig nila at mabatid kung gaano sila kahalaga sa atin.  Pagka’t kungdi natin gagawin ngayon ito, kailan pa?  Bawat araw na lumilipas ay di na natin maibabalik pa.

Atin silang yakapin, hagkan at sabihing, “’Nay, I love you, po.”  Maraming-maraming salamat sa inyong pagmamahal sa akin.

Alay ko po ito sa inyo.  Happy Mother’s Day.

Thursday, May 10, 2012

Human Trafficking, Tinalakay sa Saudi HRC Workshop

by Max Bringula Chavez
(published in Abante ME Edition on 08 May 2012) 
Riyadh, Saudi Arabia 

Ito ang sentro ng pag-uusap sa katatapos na one-day Workshop na in-organisa ng Human Rights Commission (HRC) ng Saudi Arabia upang talakayin ang mga karampatang batas laban sa human trafficking.

Ang nasabing Workshop ay ginanap sa Four Seasons Hotel, Riyadh na dinaluhan ng mga foreign dignitaries and diplomats kasama ang delegasyon ng Pilipinas sa pangunguna ni Philippine Ambassador, Hon. Ezzedin H. Tago, kasama sina Vice Consul Redentor Genotiva at Mr. Camaloddin Hasim ng Philippine Embassy, Riyadh.

Dumalo rin ang mga representatives ng iba’t ibang Saudi law enforcement and investigation agencies at pati na ng tauhan mismo ng Saudi HRC Permanent Committee for Anti-Trafficking in Persons.

Sa opening remarks ng Pangulo ng Saudi HRC na si H.E. Dr. Bandar bin Mohammad Al-Aiban, kanyang kinilala ang kahalagahan ng pagtutulungan ng Saudi Arabia at ng mga bansang nagpapadala ng kanilang mga manggagawa upang maiwasan ang human trafficking.

Nagbigay naman ng malawakan at detalyadong Report ang Executive Director ng Protection Project na si Dr. Mohammad Mattar, isang human rights group na naka-base sa John Hopkins University, patungkol sa pagpapatupad ng Saudi Arabia ng batas laban sa human trafficking.

Ayon sa Trafficking Protocol na in-adopt ng United Nations noong taong 2000 sa Palermo, Italy, ang human trafficking ay ang illegal na pagkuha, pagbiyahe o pagpapadala, pagtanggap at pagtatago o pagkukupkop ng mga tao (lalaki man o babae o bata) gamit ang dahas at pananakot, pagdukot, panlilinlang o panloloko, pagbayad at pagtanggap ng bayad, pag-abuso sa kapangyarihan at posisyon upang makapag-kontrol ng tao na pagtrabauhin ito ng sapilitan (forced labor), gawing alipin (slavery) at i-exploit sexually o abusuhin at pagkakitaan.

Ang mga gumagawa ng ganito’y may karampatang parusa.  Kaya’t pinapaalalahanan natin ang sino man na kabilang sa ganitong illegal na gawain na huwag ng ipagpatuloy pa ang masamang gawi na ito at mahuli’t maparusahan.

Ang Saudi Arabia at ang Pilipinas ay parehong signatories sa UN Protocol to Prevent, Suppress and Punish Trafficking in Persons, Especially Women and Children, at may kanya-kanyang batas na ipinaiiral.

Ang Pilipinas ay may Republic Act 9208 o mas kilala sa tawag na “Anti-Trafficking in Person Act of 2003”, samantalang ang Saudi Arabia naman ay may Royal Decree No. M/40 o “Anti-Trafficking in Person’s Law” na kanilang isinabatas noong 14 July 2009.

Naging makabuluhan ang Workshop na ginanap at sa pagtatapos nito, umaasa ang lahat ng dumalo na papag-igtingin pa ang pagsasatupad ng batas laban sa human trafficking.  Ang pagtutulungan ng pamahalaan ng bawat bansa pati na ng mamamayan nito ang makapipigil sa paglaganap ng gawaing ito laban sa karapatang-pantao.

Si Ambassador Tago kasama ang mga opisyales ng Saudi Human Rights Commission.

TSD Readers’ Corner:

(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)

Mga Katanungan Tungkol sa Trabaho

Sa lahat ng masugid na sumusubaybay sa ating Column dito sa Abante ME Edition, ako’y po’y labis na nagpapasalamat sa inyong pagtitiwala.  Marami po tayong natatanggap na messages na humihingi ng payo at tulong tungkol sa kanilang problemang nararanasan sa trabaho.  Akin po itong pinag-aaralan upang makapag-bigay sa inyo ng tamang payo sa tulong na rin ng representatives natin sa Embahada. Akin po itong ilalahad sa mga darating na isyu ng Tinig sa Disyerto.  Salamat po. - Max

(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535.  Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)

Saturday, May 5, 2012

Araw na Naman ng Suweldo

by Max Bringula
(published in Abante ME Edition, 05 May 2012)

Wala ng sasaya pa marahil sa isang manggagawa o trabahador o sa isang OFW ang tumanggap ng suweldo.  Ang pagsapit ng tinatawag na “payday” ay sadyang nakapapawi ng pagod, homesick at yamot, lalo na’t pag nasa kamay na ang perang pinag-trabauhan.  Bagama’t sa iba’y “parang dumaan lamang” daw sa palad ang suweldong natangggap dahil agad itong naipadala sa mahal sa buhay na naghihintay na ng inaasahang remittance.

Gayunpaman, kagalakan ng maituturing ang pagsapit ng pinakakaabangang araw na ito.  Kinsenas man o katapusan ng buwan kung ito’y dumating, lingguhan man o arawan, pinananabikan pa rin.

Pagkat ibig sabihin nito’y mabibili na ang inaasam-asam na gadgets tulad ng iPhone, iPod o iPad, at iba pang produktong kinagigiliwan ngayon, o kaya’y ng rubber shoes na binabalik-balikan tuwing napapasyal sa malapit na Mall, o ng mamamahaling damit na nais suutin, o ng pinapangarap na relos o alahas na nais bilhin para sa sarili o sa nililiyag o nililigawan.

Gayundin, ibig sabihin nito’y makakakain na rin sa mamamahaling restaurants o makapanlilibre sa mga kaibigan.

Subalit, papaano kung ang suweldo’y sapat lang sa pang araw-araw na gastos?  Papaano kung halos wala ngang natira para sa isang buwang pagkain o kaya’y saktong-sakto lang?  Papaano kung kulang pa ito para pambili ng personal amenities tulad ng sabon, toothpaste, shampoo, deodorant, atbp?  

Masaya ka nga kaya at makangingiti ng buong tamis tuwing sasapit ang araw ng suweldo o lalo ka lamang maghihinagpis?  

Maiisipan mo marahil “umuwi na lamang kaya ako ng Pilipinas”.  Subalit di naman ito garantiyang makalulutas ng kakulangang nadarama.  Dahil marami ng nagtangkang umuwi, subalit kamukat-mukat mo’y naririto na namang muli.  

Ang tanong marahil na dapat tanungin natin sa sarili ay “sadya nga bang kulang ang suweldong natatanggap” o baka naman dahil mas higit ang ating gastusin kumpara sa ating kinikita.  Na minsa’y di pa nga natatanggap ang suweldo’y nagastos na kung tutuusin dahil ipinangutang na kung saan-saan.

Bakit naman noong tayo’y nasa Pilipinas pa at hindi kalakihan ang suweldong natatanggap, napagkakasya natin kahit papaano ang perang dumaraan sa ating palad?

Subalit ngayon, sigurado akong mas higit ang ganansiya natin kumpara noon, bakit kulang at kulang pa rin?  

Tayo na rin ang makasasagot sa tanong na iyan kung sa palagay natin ganito ang ating kalagayan.  Kung hindi naman at sobra-sobra pa ang ating kita kumpara sa ating gastusin ay mainam.  Gayunpaman nais kong ibahagi ang mga sumusunod na paalala para makatiyak na tayo’y makangingiti tuwing sasapit ang araw ng suweldo.

1) Be a wise buyer.  Bumili lamang ng kakailanganin o yung necessities.  Iwasang maging compulsive buyer o yung kung gumastos ay galit na galit sa pera. Bibilhin ang ibigin kahit di naman kailangan o kaya’y luho na lamang.  

2) Start saving.  Hindi habang panahon nasa abroad tayo.  Uuwi’t uuwi ka rin at babalik sa iyong Lupang Sinilangan.  Kaya’t hanggang maaga, mag-impok.  Iwasan ang labis na paggastos.  Magtabi kahit papaano o ano mang halaga na mapagpapasiyahan upang pagdating ng araw na kakailanganin ito o kaya’y uuwi na sa Pilipinas, mayroon kang tiyak na madurukot at magagamit.

3) Avoid borrowing.  Hangga’t maaari, iwasang mangutang.  Dahil kapag may utang, tiyak na doon lamang mapupunta ang suweldong matatanggap unless wala kang balak na magbayad na siya namang hindi dapat.  Sikaping mamuhay within your means at huwag yung halos mangutang ka na para lamang masunod ang kapritso ng katawan.

4) Stop vices.  Malaki ang maitutulong kung maititigil natin ang ano mang bisyo mayroon tayo pagkat makakabawas ito sa ating gastusin at gayon maidaragdag sa perang maaari nating gamitin sa mas kapaki-pakinabang na bagay.

5) Honor the Lord with your wealth.  Ito ang pinakamainam na gawin.  Na ang ibig sabihin ay gamitin ang lahat ng natatanggap sa tama at maayos na paraan.  Matutong magpasalamat sa nagkaloob nito na walang iba kungdi ang Poong Maykapal nang sa gayon Kanyang pagpapalain at pagyayamanin pa ang mga bagay na nasasaatin na.

Araw na naman ng suweldo.  Masaya ka ba?

(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535.  Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)

Wednesday, May 2, 2012

Pagdadamayan at Pagtutulungan ang Kailangan

by Max Bringula Chavez
(published in Abante ME Edition, 02 May 2012)

Ito ang nararapat at siyang dapat gawin ng mga kababayan natin pati na ng mga opisyales ng pamahalaan.  Ang pagtulong at pag-abot sa mga kapus-palad nating kababayan na nasasadlak sa di magandang kalagayan sa kanilang pangingibang-bayan ay isang kahanga-hangang gawain.

At ito’y napatunayang muli sa balitang inihatid sa atin sa nakaraang pagbisita ng Ambassador ng Pilipinas sa Saudi Arabia, Hon. Ezzedin H. Tago, sa Al Jouf Region kung saan isa sa naging sentro ng kanyang pagtungo roon ay himukin ang Emir ng nabanggit na rehiyon, na si HRH Prince Fahd bin Badr bin Abdulaziz, na matulungan ang labing-siyam na Pilipino na nagsampa ng kaso sa kanilang employer.

Sa sulat na iniabot ng butihing Ambassador sa Emir, kanyang hiniling na mapadali ang pag-resolba sa kaso laban sa Al-Sabilah Concrete Company sa Domat Al Jandal, Al Jouf.

Si Ambassador Tago sa tanggapan ng Emir ng Al Jouf Region na si HRH Prince Fahd bin Badr bin Abdulaziz.
Sinampahan ng kaso ang nasabing kumpanya sa pagtangging asikasuhin na  magkaroon ng Iqama (residence permit) ang mga trabahador nito, pati na ang tahasang pagpapamaneho sa mga driver kahit wala pang lisensiya, at di pagbayad ng overtime wages. Kinasuhan din ang kumpanya ng maltreatment of workers.

Ang kaso ay unang isinampa sa Saudi Labor Office sa Al Jouf Region subalit ito’y itinaas sa Primary Court nang di pumayag ang labing-siyam na Pilipino sa amicable settlement na iminumungkahi ng kanilang employer at sa halip  nagdesisyon sila at pinangatawanan na ituloy ang kaso laban sa kumpanya.

Noong una’y nangako ang kumpanya na aasikasuhin ang kanilang residence permit at lisensiya at babayaran ang kanilang overtime wages nang bisitahin ng Philippine Overseas Labor Office - Central Region Operations (POLO-CRO), Riyadh ang kumpanya para mamagitan kahiman may physical threat sa kanila, subalit hindi rin nasunod ang mga ito kung kaya’t nagpasya na ang nagrereklamong mga Pilipino na magsampa ng kaso.

Tiniyak naman ng Emir ng Al Jouf Region sa Ambassador na ipagkakaloob sa mga Pilipino ang nararapat na tulong upang mapag-ingatan ang kanilang karapatan at ma-garantiya na matatanggap nila ang hustisya.  Inutusan ng Emir ang mga awtoridad sa rehiyon na tiyaking sisipot ang employer o may-ari ng Al-Sabilah Concrete Company sa mga hearings na gaganapin sa Primary Court.

Samantala, inilagay na ng POEA (Philippine Overseas Employment Administration) sa watch-list ang ahensiya sa Pilipinas na nag-deploy sa mga trabahador na nagreklamo at ang Al Sabilah Concrete Company.  Itinigil na rin o sinuspinde ng POLO-CRO ang pag-proseso sa mga deployment contracts nito. 

Tulong-tulong naman ang Filipino community sa Sakaka, Al Jouf na mabigyan ng pansamantalang matutuluyan ang labing-siyam na Pilipino habang dinirinig pa ang kanilang kaso.  Ang POLO-CRO naman ay nagkaloob ng tulong para sa kanilang pagkain at araw-araw na pangangailangan.

Ito ang tanawing tiyak na ikatataba ng puso ng sino mang Pilipino at makapagbibigay pag-asa sa mga kababayan nating nakararanas ng pang-aabuso at paglabag sa kanilang karapatan. Sa tulong at pagdadamayan ng di lamang ng mga Pilipino, kungdi kasama na ating gobyerno, nakatitiyak tayong mapagtatagumpayan ang ano mang pagsubok na pinagdaraan ng isang OFWs. 

Ang pagdadamayan sa oras ng pangangailangan ay isang magandang kaugalian ng ating lahi kung kaya’t ito’y ating pagyamanin. 

TSD Readers’ Corner:

(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)

Nais ng Makauwi

Siyam na taon na po akong nagtratrabaho at nais ko na pong makauwi, subalit panay pangako lamang ang inaabot ko mula sa aking employer.  Ano po ang dapat kong gawin? – from Wigberto Esperanza of Exit 16 (Sullay), Riyadh, Saudi Arabia

Kabayan, simula ba ng dumating ka riyan sa kumpanyang pinagtratrabauhan mo ngayon ay di ka pa nakapagbabakasyon?  Ilang taon ba ang kontrata mo?  Usually, isa o dalawang taon lamang ay dapat nagbabakasyon na, bagama’t may mga kababayan tayo na tatlong taon ang kontrata. Gayunpaman, sa kaso mo ay long-overdue na.  Dapat di lamang isa o dalawang beses o higit pa na nakapagbakasyon ka, maliban na kung ikaw mismo ang tumangging umuwi o ipinagpaliban ang iyong bakasyon.  Ngayong nais mo ng umuwi at pinapangakuan ka lamang ng iyong employer, mainam na idulog mo na ito sa representatives ng ating Embahada sa Riyadh upang ikaw ay matulungan nila sa medaling panahon na makauwi.  Narito ang telepono na puwede mong tawagan:  4821802 / 4823559 / 4880835 / 4823615. - Max

Monday, April 30, 2012

Kolehiyo sa Saudi, Pwede Na

by Max Bringula Chavez
(published in Abante ME Edition, 30 April 2012)

Maaari ng mag-kolehiyo ang mga anak ng OFWs na nakatira sa Saudi Arabia o kaya naman ay kumuha ng post-graduate degrees ang sino mang OFWs na nagnanais na i-pursue ang kanilang career.

Kamakailan lamang ay pinasinayahan ang extension ng AMA-Philippines sa Saudi Arabia, ang AMA Jeddah International Institute na matatagpuan sa Mall of Arabia, Jeddah. Kumpleto sa facilities ang paaralan tulad ng library, lecture rooms, at computer and internet rooms.

Tatlong kurso ang pwedeng kunin ng sino mang nagnanais na magkolehiyo sa AMA, ito ay ang Business Administration, Computer Engineering at Information Technology, at OFW-friendly ang oras ng pag-aaral na ino-offer nila.  May morning, afternoon at evening sessions na maaaring pagpilian lalung-lalo na yaong mga mag-aaral na may trabaho rin at the same time.

Bagama’t sa ngayon ay Associate Diploma muna ang matatanggap ng magtatapos sa 2-year course na ino-offer ng AMA Jeddah, at kung nagnanais na i-pursue ng estudyante ang bachelor’s degree ay maaari niyang tapusin ang natitirang dalawang taon sa Pilipinas.

Samantala, isang Educational Cooperation ang nalalapit na simulan sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia.  Ito ang ating napag-alaman sa pagbisita ng Ambassador ng Pilipinas sa Saudi Arabia, Hon. Ezzedin H. Tago kay H.E. Dr. Osama Sadik Al-Tayeb, Pangulo ng King Abdulaziz University sa Jeddah.  Kasama ng Ambassador na bumisita sa Unibersidad si Consul General Uriel Norman Garibay.

Si Ambassador Tago habang kausap ang Pangulo ng King Abdulaziz University sa Jeddah na si H.E. Dr. Osama Sadik Al-Tayeb sa tanggapan nito. 

Ayon kay Dr. Al-Tayeb, handa ang Unibersidad na tanggapin ang mga Pilipinong nagnanais na kumuha ng post-graduate degrees sa iba’t ibang larangan.  Bukas din sila sa posibilidad na kumuha ng mga Filipino teachers and instructors upang maging bahagi ng kanilang teaching and research staff. 

Dagdag pa rito, maaaring silang magsagawa ng educational exchanges and visits, joint scientific and academic research at iba’t iba pang uri ng pagtutulungan sa edukasyon bilang bahagi ng education cooperation agreement ng dalawang bansa.

Ipinaabot naman ng Ambassador ang pasasalamat sa 150 scholarships grant na ibibigay ng Saudi government sa mga eligible Filipinos.  Ang scholarships na ito ay tiniyak mismo ng Saudi Minister of Higher Education na si Dr. Khaled Al-Anqari sa pagbisita kamakailan ni Ambassador Tago sa opisina nito.

Binanggit naman ni Dr. Al-Tayeb ang paghanga sa mga Pilipino na nagtratrabaho sa King Abdulaziz University Hospital bilang mga nurses at medical professionals na ayon sa kanya ay “excellent workers and extremely professionals”.  Naglalayon din sila na magdagdag pa ng Filipino medical professionals sa kanilang nursing staff.

TSD Readers’ Corner:

(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)

Medical and Dental Mission

Maaari nyo po bang i-anunsiyo ang mga petsa ng darating na medical at dental mission? – from Sonny Lozano, Family Driver in Dammam, Saudi Arabia

Dear Sonny, salamat sa iyong tanong/kahilingan.  Sa ngayon ay wala pa tayong alam na isasagawang Medical at Dental Mission na kadalasan ay pinangungunahan ng Filipino community groups dito sa Eastern Province.  Gayunpaman, sa oras na may alam tayo ay agad natin itong ipapaalam.  Samantala, tiyak na magkakaroon ng ganitong activity sa darating na pagdiriwang ng ating Independence Day sa buwan ng Hunyo.  Antabayanan ninyo ito. - Max

(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535 begin_of_the_skype_highlighting            00-966-502319535      end_of_the_skype_highlighting.  Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)


Monday, April 23, 2012

Isang Matagumpay na PBL Opening

by Max Bringula (Published in Abante ME Edition on 19 April 2012)

Tulad ng inaasahan, isang matagumpay at makulay na Opening Ceremony ang nasaksihan noong Biyernes, 06 April 2012, sa pagbubukas ng Season 7 ng PBL (Pag-asa Basketball League), isang taunang liga na isinasagawa ng Pag-asa Community Support Group sa Eastern Province, Saudi Arabia.

Ang seremonya ay ginanap sa Al Jazeera International School in Dammam kung saan labing-siyam na koponan ang pumarada bitbit ang kani-kanilang banner at kasama ng mga naggagandahang Muse. Ang mga koponan na nabanggit ay ang mga sumusunod na hinati sa dalawang Division.


Division A: GMC Thunders, JIL Theos, JCLORIM Warriors, DBD Agape, CLSF Emman at CCWIM 1 Division B-1: DDU 1, JTLG Corinthians, CLSF-Emman 2, CLSF-TJM4, POPCF Knights at PFC Division B-2: DDU 2, JCPP, JCILSA Kawal, CLSF-Emman 3, JUSL, JLRR at CCWIM 2.

Sinimulan ang okasyon sa isang upbeat dance na ipinamalas ng GMC Thunders na nagsilbing hudyat ng opisyal na paninimula ng PBL Season 7, at pagkatapos nito’y isa-isa ng tinawag ang mga koponan para sa inaabangang Parade of Teams.

Gumugol din ng mahigit kumulang na trenta minutos ang parada na sinundan naman agad ng Pambansang Awit sa pangunguna ni Ms. Seth Vega at Invocation ni John Tolentino kung saan ipinanalangin di lamang ang tagumpay ng Liga kungdi maging ang manlalaro pati na ang kani-kanilang Coach at Team Captain upang matiyak ang maayos at mapayapang paglalaro.

Ipinaalala naman ng Technical Committee Head na si Ruben Panzo, ang ilang mga PBL Rules na dapat tandaan at sundin ng mga manlalaro, at pagkatapos sila’y kanyang pinangunahan sa Oath of Sportsmanship.

Sa Welcome at Opening Remarks ng Chairman ng Pag-asa Community Support Group na si Max Bringula, kanyang inihayag na ang PBL ay isang larong-kapatiran kung kaya’t ang dapat mapapurihan ay ang Diyos at hindi ang tao o ang galing at talento ng sino pa man. Dagdag din niya, na ito’y pagkakataon upang maipakita ng bawat manlalaro na sila’y di lamang manlalarong Pilipino kungdi higit sa lahat, isang manlalarong Kristiyanong-Pilipino na may taglay na disiplina at pag-ibig sa kapwa.

Nagbigay naman ng mapanghamong Inspirational Remarks ang panauhing pandangal ng okasyong iyon na walang iba kungdi ang Welfare Officer ng Philippine Embassy sa POLO-Eastern Region Operations na si Ron Lionel M. Bartolome o mas kilala sa tawag na WelOff Ron. Kasama niyang dumalo si Jack Arroyo, Administrator sa POLO-ERO.

Sa kanyang pananalita, pinasalamatan niya ang grupo ng Pag-asa bilang isa sa pinagkakatiwalaan ng Embahada na community group sa Eastern Province na ang pagtulong sa Filipino community ay tapat at walang hinihintay na ano mang kapalit, lalung-lalo na sa pagtulong sa mga distressed workers. Nagbigay din siya ng paalala sa mga naroroon na mag-ingat sa ina-upload na litrato at videos sa mga social network tulad ng Facebook. Dapat daw na tiyaking walang inappropriate materials na ia-upload na lalabag sa kultura at paniniwala ng bansang kinalalagyan.

Samantala, sa ikalawang pagkakataon, nagkaroon muli ng Cheering Competition at ito’y napagwagian ng koponan ng JCILSA Kawal.

Tinanghal namang Best in Uniform ang Day by Day – Agape sa kanilang reversible green and white uniform na ayon sa Team Manager nito ay pinasadya pa talaga nila sa BOTAK Philippines na siya ring gumagawa ng uniforms ng ilang mga teams sa UAAP at NCAA.

Most Organized Team naman ang JCPP Eagles at Best Muse o Miss PBL Season 7 si Ms. Romelia Ilustre ng GMC Thunders.

Umaatikabong sagupaan naman ang nasaksihan sa tatlong laro na isinagawa pagkatapos ng Opening Ceremony. Ito’y sa pagitan ng JTLG Corinthians at DDU Ephphatha na pinanaluhan ng una sa score na 65-45. Sinundan ito ng panalo ng JCILSA Kawal sa kalabang CLSF Emmanuel 3 sa score na 52-44. 

Mala-Championship Game naman ang napanood sa ikatlong laro sa pagitan ng DBD-Agape at GMC Thunders kung saan parehong nagpamalas ng galing at husay sa depensa ang dalawang koponan. Sa huli’y namayani ang DBD sa score na 84-77. Ang winning triumvirate nina Lontoc, Mandia at Lazaro ang isa sa naging daan upang makamit ng DBD ang kanilang unang panalo sa Season 7 ng PBL laban sa 3-time PBL Champion, ang GMC Thunders.

Tunay na tagumpay ang paninimula ng PBL Season 7. Inaasahang madaragdagan pa ang excitement sa mga darating na Huwebes at Biyernes habang isinasagawa ang Elimination Round sa Division A at B. 

Pinasalamatan naman ni Tim Mallari, PBL Commissioner sa tatlong magkakasunod na taon, ang lahat ng mga dumalo at sumuporta sa kanilang pagbubukas. Gayundin ang bumubuo ng PBL Season 7 Executive Committee. Ang tema sa taong ito ay “Encourage One Another and Build Each Other Up”, at ang Master of Ceremonies ay magkatuwang hinawakan nina Rosendo Campos at Arthur Valeros



.

Tuesday, April 3, 2012

PBL Season 7, Magsisimula Na!

Ang PBL ExeCom sa kanilang pulong na isinagawa para sa pagsisimula ng PBL Season 7.

by Max Bringula Chavez
(published in Abante ME Edition, 03 April 2012)

Ang pinakaka-abangang liga ng basketball sa Eastern Province, Saudi Arabia, ang Pag-asa Basketball League o PBL na ngayon ay nasa Season 7 na ay muling na namang mapapanood ng mga tagasubaybay at supporters nito simula sa April 6, 2012.

Sa isang grand opening ang inihahanda ng pamunuan ng Pag-asa Community Support Group, na gaganapin sa Al Jazeera International School in Dammam simula sa ika-apat ng hapon ng Biyernes, magkakasama-sama ang mga bigating koponan ng PBL para pasinayahan ang paninimula ng PBL Season 7.

Sa temang “Encourage One Another and Build Each Other Up” ang liga sa taong ito ay opisyal na tatawaging PBL Season 7, CWWSA Cup 2012.

Tinatayang magiging isang makulay at kapana-panabik ang Season 7 tulad ng mga nakalipas na taon kung saan maraming koponan ang lumalahok at umaasa na makamit ang prestihiyosong tropeo ng PBL.

Sa taong ito, may labing-siyam na koponan ang nakapasok na hinati sa dalawang Division, ang Class A Category na may anim na koponang maglalaban-laban at ang Class B naman na may labing-tatlong koponan.

Inaasahang magiging maigting ang labanan sa Division A kung saan magkakaharap ang mga malalakas na koponan ng PBL tulad ng:

GMC Thunder – ang 3-times PBL Champion sa tatlong taon na magkakasunod mula Season 3 hanggang Season 5 / JIL Theos – 2-times PBL Champion (Season 1 and Season 6) / at ang perennial contender na JCLORIM Warriors.

Kasama ng mga nabanggit ang tatlo pang koponan na nakapasok sa Division A at kinakitaan ng kakaibang puwersa ng kanilang manlalaro. Ito’y ang DBD-Agape, CLSF-Emman at CCWIM 1. Ikalawang pagkakataon na ng DBD-Agape na mapabilang sa Division A, at ang CLSF-Emman at CCWIM 1 naman ay ngayon pa lamang mapapasali sa Division na ito.

Sa Division B naman, magsasagupa ang mga sumusunod na koponan:

Group B1: DDU 1, JTLG Corinthians, CLSF-Emman 2, CLSF-TJM4, POPCF Knights at PFC / Group B2: DDU 2, JCPP, JCILSA Kawal, CLSF-Emman 3, JUSL, JLRR at CCWIM 2.

Samantala, tulad ng mga nakaraang Seasons ng PBL, ang Opening Ceremony ay sisimulan sa makulay na Parade of Teams kasama ng mga naggagandahang Muse ng bawat koponan. Pagkatapos nito’y magkakaroon ng Oath of Sportsmanship at ang paggawad ng parangal sa mga napiling Best in Uniform, Most Organized Team at ang PBL Best Muse of Season 7.

Ang Inspirational Remarks ay dadalhin naman ng representatives ng Embahada ng Pilipinas mula sa POLO-ERO (Eastern Region Operations). Inaasaan din ang pagdalo ng ilang mga Filipino Community leaders at personalities, kasama na ang mga mamamahayag at tagapagbalita ng iba’t ibang telebisyon at pahayagan tulad ng The Filipino Channel ng ABS-CBN Middle East sa pangunguna ng ating kasamahan na si Florante Catanus, at ng mga tagapagbalita ng Abante ME Edition.

Sa ikalawang pagkakataon, muling magkakaroon ng Cheering Competition na siyang isa sa mga highlights ng PBL Opening. Sinimulan ang nasabing competition noong nakaraang Season 6 na siyang nagparagdag ng kulay at sigla sa PBL. Kaya’t napagpasiyahan ng pamunuan nito na ipagpatuloy ang competition di lamang sa taong ito kungdi sa bawat seasons na darating.

Sa pangunguna ng 3-times Commissioner ng PBL (Season 5, 6 and 7) na si Tim Mallari, kanyang ipinararating ang paanyaya ng PBL ExeCom sa lahat ng mga basketball aficionados na suportahan ang ligang ito na ang layunin ay di lamang upang magkaroon ng physical fitness at mental alertness ang mga miyembro nito at bawat manlalaro, kungdi ang maging kabahagi sa pag-abot sa mga kapus-palad nating kababayan sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng Pag-asa Community Support Group para sa mga distressed OFWs.

Ang 2012 Executive Committee ng PBL ay binubuo ng mga sumusunod:

Tim Mallari – Commissioner / Robert Yumang – Asst. Commissioner / Arthur S. Valeros – Secretary & Finance / Ruben Panzo – Technical Committee Head / Rene Villasante – Table Committee Head / Frederick Belen – Support Head / Jeremy Perez – Logistics Head / Henry Ayangco – Asst. for Technical Committee / Junald Pellazar – Asst. for Table Committee / Jessie Veloso – Asst. for Logistics / at Max Bringula – PBL Adviser and Program Committee Head.

Kasama rin ng ExeCom sa pagpapatupad ng liga ay ang Table Committee Members na sina Melchor Navarra (DBD), Jun (JCLORIM), Tony Apo (POPCF), Bong/Jonwel /Allan (JCILSA), Joel/Toto/Arniel (CLSF), at ang Members ng Support na sina Luis (JCLORIM), Albert (JCPP), at Fher (DDU).

Ang tournament date ng PBL Season 7 ay tinatayang magtatagal ng mga hanggang tatlong buwan, at ito’y gaganapin tuwing Huwebes at Biyernes mula alas-singko ng hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi.