(Published in Abante ME Edition, 29 July 2012)
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakamit ng JCLORIM Warriors ang kampeonado sa Division A ng PBL (Pag-asa Basketball League) Season 7 sa katatapos na championship game nito na ginanap sa Al Gosaibi Sport Complex, Alkhobar, Saudi Arabia nitong nakaraang Biyernes, 20 July 2012.
![]() |
Ang
JCLORIM Warriors na tinanghal na Champion ng PBL Season 7 – Division A.
|
Sa isang makapigil-hiningang sagupaan ng
JCLORIM at ng katunggali nito, ang CLSF
Emmanuel 1, naiuwi ng Warriors ang pinakaka-asam na tropeo ng isa sa
prestihiyosong liga sa Eastern Province, Saudi Arabia.
Matinding laban at depensa ang ipinakita ng
dalawang koponan sa kanilang paghaharap sa championship game kaya’t mahigit sa
sampung beses na nag-deadlock ang score ng magkabilang-panig mula ng first
quarter hanggang fourth quarter, at naging sanhi ng pagkakaroon ng overtime nang
magpantay ang score sa 88-88.
Sa huling pitong segundo ay lamang ang CLSF
ng isang puntos sa score na 86-85 habang parehong nasa penalty situation. Naragdagan pa ito ng dalawang pasok na free
throw ng kanilang Point Guard na si Floyd Loyola kaya’t nakaungos ang
CLSF ng 3 points sa JCLORIM. Ngunit mabilis
itong nabawi sa 3-points shoot na pinakawalan ni Ryan Mark Legaspi, ang Shooting
Guard ng JCLORIM, sa huling segundo.
Malaking panghihinayang sa CLSF ang pangyayari sa dahilang tiyak na sana
ang panalo kung nag-foul na lamang sila sa huling segundong natitira sa halip
na hayaang makapag-score ang JCLORIM.
Hindi magkamayaw ang manonood sa
nasaksihang laban na mala-PBA ang dating.
Sulit na sulit kumbaga ang paghihintay ng mga sumusuporta ng PBL sa nasabing
championship game. Napapatayo ang ilan
sa kinauupuan at hindi mapigilan ng iba ang mapasigaw sa saya at excitement ng
larong iyon.
Muntik pa na mag-overtime sa pangalawang
pagkakataon nang maging 101-101 ang score sa huling tatlong segundo ng
5-minutes extension ng laro habang nasa penalty situation pa rin ang
magkabilang-koponan.
Ngunit dahil sa free throw ni Jay-R
Lumbang, ang Power Forward ng JCLORIM, naging 102-101 ang score sa
isang shoot na pumasok, at di na nahabol pa ito ng CLSF kung kaya’t tinanghal
na kampeon ang JCLORIM.
Samantala, muli namang naiuwi ng JTLG
Corinthians sa pangalawang pagkakataon ang tropeo ng kampeonado sa
Division B na una nilang nahawakan sa Season 6 ng PBL noong nakaraang taon.
Sa score na 72-53, di nakuhang maagaw ng JCPP Eagles ang tropeo sa
Corinthians. Gayunpaman, walang
segundong sinayang ang JCPP. Sinikap nila
na igupo ang kalaban ngunit sadyang di pa ito ang panahon para sa mga Agila.
![]() |
Ang
JTLG Corinthians na siya naging Champion sa Division B sa pangalawang
pagkakataon.
|
Narito ang kumpletong resulta ng PBL Season
7, CWW.SA Cup 2012:
DIVISION A:
Champion - JCLORIM Warriors
/ 1st Placer - CLSF
Emmanuel 1 / 2nd Placer -
GMC Thunders / 3rd Placer
- DBD-Agape
MVP (Most Valuable
Player) – Ryan Mark Legaspi, JCLORIM Warriors
Mythical
Five – Ryan
Mark Legaspi, JCLORIM Warriors / Jay-R Lumbang, JCLORIM Warriors / Rochiel
Cureg, CLSF Emmanuel 1 / McLean Lontoc, DBD-Agape / Louie Dela Cruz, GMC
Thunders
Best
Coach – Keneth
Salvador, JCLORIM Warriors
Most
Disciplined Player – Ranil
Ureta, GMC Thunders
DIVISION B:
Champion – JTLG Corinthians
/ 1st Placer – JCPP
Eagles / 2nd Placer –
CLSF Emmanuel 2 / 3rd Placer
– CCWIM B
MVP (Most Valuable
Player) – Ryan Dagala, JTLG Corinthians
Mythical
Five – Ryan
Dagala, JTLG Corinthians / Patrick Ryan Hermosura, JTLG Corinthians / Renato
Chao, JCPP Eagles / Victor Garcia, CLSF Emmanuel 2 / Roy Pajarillo, CCWIM B
Best
Coach – Joey
Bacasno, JTLG Corinthians
Most
Disciplined Player – Rommel
Dela Cruz, JTLG Corinthians
Sa Opening Remarks ng Chairman ng Pag-asa
Community Support Group na si Max
Bringula, kanyang ipinahatid ang pasasalamat sa lahat ng koponan na lumahok
sa Season 7 ng PBL. Ayon kay Bringula,
di lamang ang nanalo sa championship games ang maituturing na Kampeon, kungdi
maging ang bawat isang lumahok at naging bahagi ng matagumpay na PBL Season
07. Dagdag pa niya, hindi lamang sa
tropeong hawak at medalyang suot masusukat ang pagiging kampeon kungdi sa kung
papaano naipamalas ng bawat isa ang pagigng tunay na Manlalarong Kristiyano sa
mata ng kapwa-manlalaro, ng opisyales at committees, ng mga referees at
manonood.
Sa pagtatapos ng PBL Season 7, naipamalas
na ang layunin nito ay natupad tulad ng isinasaad ng kanilang tema na “Encourage One Another and Build Each Other
Up”.
Naging panauhing pandangal sa seremonya ang
CWW Head na si Nicodemus Plando, kasama ang iba pang Tagapamuno sa bawat lokal.
Ipinapaabot naman ni Tim Mallari, ang
Commissioner ng PBL ang pasasalamat sa lahat, lalo na mga kasama nito sa
Committee na sina Robert Yumang, Arthur Valeros, Ruben Panzo, Rene Villasante,
Tony Apo, Melchor Navarra, Junald Pellazar, Fher Bautista, Luis Macaraeg, Henry
Ayangco, Jun Abella, Jessie Veloso, Allan Balde, Joseph Santos, Jonwel Gaytano,
Ephraim Munez, Jeremy Perez, Joel Mabandos, Frederick Belen, Albert Turiana,
Arniel Bacalla, Vincent Babiera at Dionsio Avila.
![]() |
Si Tim
Mallari, PBL Commissioner, kasama ang bumubuo ng PBL Season 7 Executive
Committee.
|
Samantala, ang Season 8 ng PBL ay sisimulan
sa February 2013.
More Photos:
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535. Pakilagay ang inyong pangalan at lokasyon.)
Hello Everybody,
ReplyDeleteMy name is Mrs Sharon Sim. I live in Singapore and i am a happy woman today? and i told my self that any lender that rescue my family from our poor situation, i will refer any person that is looking for loan to him, he gave me happiness to me and my family, i was in need of a loan of $250,000.00 to start my life all over as i am a single mother with 3 kids I met this honest and GOD fearing man loan lender that help me with a loan of $250,000.00 SG. Dollar, he is a GOD fearing man, if you are in need of loan and you will pay back the loan please contact him tell him that is Mrs Sharon, that refer you to him. contact Dr Purva Pius,via email:(urgentloan22@gmail.com) Thank you.
Nice post. This post provided very useful and important information. this post is very interesting, thanks;
ReplyDeleteAs You Know Ako.su is about Pinoy show. That website is a Best Provider of Pinoy Channel Gma Network And Abs-Cbn Entertainment Philippines. You Can Watch Free Download Pinoy Tambayan TV Worldwide. Best Provider Pinoy Channel gma and abs-cbn Entertainment Philippines.