Friday, February 11, 2011

Violet Team – 2nd Industrial, Wagi sa 3rd DBD-EP Basketball Tournament

Ang Violet Team – 2nd Industrial na siyang tinanghal na Kampeon sa nasabing liga. Ang Green Team – Kanlungan kasama ang kanilang Coach na si Randy Castro. Ang Mythical Five kasama ang MVP na si Ronan Mandia ng Violet Team Ang MVP na si Ronan Mandia ng Violet Team Ang Red Team – Ramada na 4th Placer sa naganap na Liga.
Ang White-Yellow Team – The Flexibol Ang Violet Team – 2nd Industrial Ang Committee ng 3rd DBD-EP Basketball Tournament

Max Bringula
(published in Abante ME Edition on 31 January 2011)

Matagumpay na natapos ang ikatlong taon ng Day by Day – Eastern Province Basketball Tournament noong Biyernes, 21 January 2011, na ginanap sa Al Gosaibi Hotel Sports Complex, Alkhobar kung saan tinanghal na kampeon ang Violet Team – 2nd Industrial.

Sa score na 70-68 laban sa White-Yellow Team, tuluyang tinuldukan ng Violet Team ang pagnanais ng katunggali na maangkin ang prestihiyosong tropeo sa nasabing liga. Ipinakita ng nagwaging koponan ang kanilang angking galing na sa simula pa lamang ay hinangaan na ng marami. Taglay ang liksi at kakaibang istratehiya, sadyang kagila-gilalas ang ipinamalas na laro ng Violet Team upang magapi ang kalaban at maangkin ang kampeonado sa 3rd DBD-EP Basketball Tournament.

Higit ding nakatulong na ang karamihan sa manlalaro nito ay pulos matatangkad na kinabibilangan nina - Ronald Manalastas, Ronan Mandia, Arnel Merjes, Oca Simanca, Erwin Quetua, Bernard Migano, Eddie Manday, Cleto Palomar, Richard Cebuc, Richard Ables, Michael Nacino, Jacinto Abucejo, Joven Buemia, Nonie Ensenas, Jorey Laurente, Joel Umali, Lance Mindasao, Mac Lontoc, Edgar Lunca at Bijusu Venias (Playing Coach).

Bago ang championship round ay nagkaroon muna ng knock-out games sa pagitan ng Ramada (Red Team) versus White-Yellow Team kung saan nanalo ang huli upang siyang maging contender sa championship, at ang Prime Source (Gray-White Team) versus Violet Team – 2nd Industrial na pinanalunan naman ng huli. Naging kapana-panabik ang nabanggit na mga laro kung saan ay ramdam na ramdam ang pressure at excitement di lamang sa mga manlalaro kungdi maging sa mga manonood.

Lalong umigting ang excitement nang magtapat na ang dalawang contender. Ang matinding lamig ng panahon ay di dahilan upang mamaluktot sa lamig ang manlalaro at manonood bagkus lalong pang uminit ang paligid sa umaatikabong pukpukan ng dalawang koponan. Naunang naka-puntos ang White-Yellow Team (The Flexibol) sa pamamagitan ng pagka-buslo ng bola ni Marnie Ambrocio (Jersey No. 16) at lumamang hanggang matapos ang 1st Half. Naalarma ang koponan ng Violet Team na siyang dahilan upang mag-iba sila ng istratehiya hanggang nakahabol at tumabla sa unang pagkakataon sa score na 30-30. Ngunit sa huli, di sapat ang ipinakitang gilas ng White-Yellow Team sa naglalakihang manlalaro ng kalaban upang magapi nito ang katunggali at maiuwi ang tropeo ng kampeonado.

Sa Awarding Ceremony na ginanap pagkatapos ng laro ay naging masaya ang lahat sa mga nagwagi at pinarangalan. Itinanghal na Pinakamahusay na Manlalaro o MVP si Ronan Mandia ng Violet Team. Napili namang Mythical Five sina Rhey Deinla (White-Yellow Team), Lyndon Santos (Red Team–Ramada), Jerome Lazaro (White-Gray Team), Arnel Merjes at Ronald Manalastas na pawang mula sa kampeong Violet Team.

Hinirang naman na Most Disciplined Player si Johnny Juguilon ng White-Yellow Team Flexibol, ang koponang nanalo rin bilang Best in Uniform.

Narito ang ranking ng mga nanalong koponan:

1st Placer – Violet Team – 2nd Industrial
2nd Placer – White-Yellow Team - The Flexibol
3rd Placer – Grey-White Team – Prime Source
4th Placer – Red Team – Ramada

Pitong koponan ang lumahok kasama na ang Violet Team. Ang iba pang mga manlalaro ay ang mga sumusunod:

White-Yellow Team: Renren Vitug, Marnie Ambrocio, Jojit Dela Cruz, Dodong Dumale, Johnny Juguilon, Rhey Deinla, Jayvee Picsay, Zaldy Santilisis, Erwin Congreso at Jeremy Buctil (Coach).

Grey-White Team: Jerome Lazaro, Dave Valderama, Anastacio Sena, Gener Nicanor, Ermelito Dita, Jon Lazaro, Emil Aguasin, Jessie Santos, Ruel Ubaldo at Raul Ubaldo (Coach).

Red Team–Ramada: Jon Jon Male, Lyndon Santos, Mark Prado, Ben Hipolito, Sonny Montilla, Nesmer Acopiado, Dondon Floralde, Noel Galzoto, Alvin De Jesus, Jay-R Alambra, Irvin Orte at Alex Ventura (Playing Coach).

Green Team–Kanlungan: Mike Soniega, Caloy Soniega, Harold Bartolaba, Lito Arevalo, Romel Cristobal, Charlie Collado, Michael Santos, Raymond Teodocio,Peter Seria, Jojo Araw Araw, Jerico Garcia, Bobot Gilles at Randy Castro (Coach).

Blue Team–Pag-Ibig: Edgar Tello, John Philip Jayme, Billy Bangaan, Iane Andrade, Dennis Mariano, Jayson Delemnios, Mikee Riboroso, Nelson Torreno,
Mario Reyes, Tata Garbajosa, Allen De Dios at Mark Santana (Playing Coach).

White-Violet Team – Qatif: Prisco, Eddie, Abby, Joel, Atong at Derek Grajera (Playing Coach).

Ang Committee sa taong ito ay binubuo nina Ricky Dioso, Rogel Noble, Mario Reyes, Alex Ventura, Andy Kymko at Ador Racelis, at sa pangkalahatang pamamahala ni Melchor Navarra. Ipinapaabot ng pamunuan ng DBD-EP Basketball Tournament ang pasasalamat sa mga sumusunod na indibiduwal - Bobot Cortez ng DBD-Pag-ibig, Erwin Luna ng DBD-Kanlungan at Danny Ruedas ng DBD-EP.

No comments:

Post a Comment