Friday, February 11, 2011

Passport Applicants with Appointments Sisimulan sa Darating na EOW


Max Bringula (published in Abante ME Edition on 27 January 2011)

Kaalinsabay ng pagpapatupad ng Appointment System sa passport renewal, sisimulan na ang unang batch nito sa darating na Embassy On-Wheels (EOW) sa Huwebes at Biyernes, 27 at 28 January 2011 sa Alkhobar, Saudi Arabia.

Ang unang apat-na-raang (400) aplikante na may appointment ang siyang uunahin sa Huwebes, at ang ika-401 hanggang 600 naman sa Biyernes. Hinihilingan ng Philippine Embassy ang bawat aplikante na tiyaking tingnan muna ang listahan ng naka-iskedyul sa Appointment sa website ng Embassy ang http://www.philembassy-riyadh.org/ bago tumungo sa IPSA (International Philippine School in Alkhobar) pagkat yun lamang nasa listahan ang ia-accommodate para sa passport renewal.

Tiyakin din na magdala ng SR 240 na siyang fee para sa e-Passport. Samantala, hindi na kailangang magdala pa ng litrato tulad ng dati pagkat direkta nang kukunan ang aplikante kasabay ng pag-encode ng kanyang inpormasyon sa passport.

Para naman doon sa nagpalista sa Appointment sa pamamagitan ng eMail at SMS subalit di nakasama sa listahan ay automatic na kasama sa susunod na EOW sa February 2011. Kung nagmamadali naman, maaaring magtungo ang aplikante sa Philippine Embassy sa Riyadh upang i-process ang kanilang e-Passport doon. Maaari ring mag-apply ng extension ng validity ng passport sa halip na renewal kung kakailanganin agad ang passport sanhi ng agarang pag-alis o pagbabakasyon.

Ipinapaalam din na may mga bagong passports na ire-release para sa mga aplikante sa Eastern Province sa darating na EOW. Tiyakin lamang na dalhin ang original receipt ng binayaran at ang dati o lumang passport na ni-renew para mai-release ang bagong passport. Maaaring ipakuha sa iba ang passport kung di personal na makakapunta, subalit dapat bigyan ng Authorization Letter ang representative na kukuha.

TSD Readers’ Corner:

(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)

Passport Renewal

Hi po, Sir Max. Tanong ko lang po kung wala bang problema kung sa March ko pa ipapa-renew ang aking passport dahil sa June 15 pa naman ang expiration nito. from a reader in Bahrain

Kabayan, wala namang problema kahit lagpas pa ng June 15 mo ipa-renew ang iyong passport. Yung nga lamang dapat ay laging valid ang passport natin para sa oras na kakailanganin natin ito ay valid siya at magagamit agad. Advise ko lang na huwag mo ng patatagalin pa bago i-renew ang iyong passport. Puwedeng lumagpas ng isang buwan o mahigit bago mo i-renew o kaya’y pwede rin namang bago pa ito mag-expire ay ma-renew mo na. - Max

Traffic Violations

Sir Max, pasok po bas a amnesty ang mga huli sa trapiko (o traffic violations). Tapos na po ang contract ko pero ayaw bayaran ng sponsor ko yung renewal ng Iqama ko. Pinabayaan po niya ako.Eric Quinte ng Riyadh, KSA

Hi Eric, hindi kasama sa binibigyan ng amnesty yung mga violation sa trapiko. Gayunpaman, maaari mong i-report sa Embahada ang pag-abandon sa’yo ng iyong employer nang sa gayon ay matulungan ka nila na maka-uwi. Susubukan nila na kontakin ang iyong employer upang pananagutin sa mga benepisyo mo. At kung hindi na talaga nila makontak ay matulungan ka ng Embahada sa kaso mo. Maaari mo silang tawagan sa numerong 4821802 / 4823559 / 4880835 / 4820507.

No comments:

Post a Comment