Bumuhos ang pakikiramay at simpatiya sa pagpanaw ng dating Pangulong Corazon C. Aquino na mas kilala sa taguring na “Tita Cory”.
Buong bansa ay nagkaisa, mahirap, mayaman, bata’t matanda, mga magkabilang-kampo sa pulitika, mga dating magka-away na naging magkaibigan, at marami pa mula sa iba’t ibang antas at estado ng lipunan. Mamamalas at madarama mo ang mataas na respeto na ibinibigay ng mga nagmamahal sa kinikilalang dakilang Ina ng sambayanang Pilipino.
Ito’y makikita di lamang sa ating bayan kungdi maging sa buong mundo. “She is an inspiration”, ang wika ni US President Barack Obama. “A woman of deep and unwavering faith” na siya namang inihayag ni Pope Benedict XVI.
“Mrs. Aquino will be remembered as a beacon of democracy not only in the Philippines but also around the world”, ang binitawang pananalita ng UN Secretary General na si Ban Ki-moon.
Hindi maikakaila ang malaking kontribusyon ni Madame Corazon C. Aquino sa pagtataguyod ng demokrasiya sa Pilipinas na siyang naging inspirasyon din ng ibang mga bansa na nagnanais ng kalayaan sa tahimik at maka-Diyos na paraan. Ang Peoples Power na nagluklok kay Tita Cory bilang kauna-unahang babaing Pangulo ng Pilipinas ay kinilala sa buong mundo na pinakamapayapang rebolusyon na naganap sa kasaysayan. Si Ginang Aquino ang kinikila ngayong “icon of democracy”.
Ang mga OFWs sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay nagbigay at nagpakita rin ng kanilang paggalang sa namayapang Pangulo. Nagdagsaan ang mga text messages, eMails at mga panulat sa iba’t ibang blogs sa cyberspace na nagsasaad ng kanilang pasasalamat at mga papuri bilang pagbibigay-pugay sa dating Pangulong Corazon C. Aquino.
Ang embahada at konsulada ng Pilipinas sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay nagdaos din ng necrological services para sa pumanaw na Pangulo kung saan di lamang mga opisyales ng pamahalaan ang dumalo kungdi maging ng mga OFWs mismo.
Dito sa Eastern Province, nagpahayag din ng kanilang saloobin ang mga manggagawang Pilipino sa kinikilalang simbolo ng demokrasiya, tulad ng mga sumusunod:
“Sa aking pananaw, di maikakaila na utang natin kay dating Pangulong Cory Aquino ang tunay na demokrasya. Bukod tangi ang kanyang kakayahan bilang isang lider ng bansa. Isa siyang tunay na modelo at ulirang ina sa ating mga Pilipino.” – Leo Cefre, Current President of Philippine Professional Organization, EPKSA and an employee of Al-Majdouie Group
“Ako at ang aking grupo dito sa Kaharian ng Saudi Arabia ay buong pusong nakikisimpatya at nakikidalamhati sa pamilyang naiwan ni dating Pangulo na si Ginang Cory Aquino. Pumanaw man si Cory na kasama na ni Ninoy ngayon, ang kanyang mga nagawang kabutihan bilang Pangulo ng Pilipinas at ang mga alaala niya ay nakaukit na sa puso ng bawat isa at ng sambayanag Pilipino na hindi makakalimutan kahit saan man siya naroroon ngayon.” – George Palencia, a Bagong Bayani Awardee and an employee of Showtime Arabia, Ltd.
“Madam Cory Aquino is one of the great leaders of the Philippines. From a plain housewife who unites the opposition to make a stand against the powerful former President Ferdinand Marcos who has ruled the Philippines for two decades, Cory immortalizes herself into a kind of a woman our nation will idolize forever”. – Jaime King, a Bagong Bayani Awardee and an employee of Al Suwaidi Group, Jubail
“She will be remembered for her extraordinary courageous commitment to the freedom of the Filipino people and for her contribution to the building of just and cohesive political order in her beloved homeland.” – Mary Jane P. Tupaz, a Bagong Bayani Awardee and Nursing Directress of Mohammad Dossary Hospital
“She is the most loved leader. She is best remembered as the Woman who gave us the Freedom. A loving mother, an honest and sincere leader.” – Roi Alojado, AFCSCOM Past Overall Chairman and employee of Saudi Iron and Steel Company, Jubail
“Madame President Cory is the epitome of how a leader of a nation should be, tough when it comes to sticking to principles and the rule of law, and honest in her dealings with matters of the state and governance. I hope and pray that her legacy of honesty, dedication to duty, and compassion for others will move our people and political leaders to change their attitude leading to a better Philippines - a nation and people united in peace, and working together towards progress and prosperity.” – Andy Reyes in Abqaiq, Overall Chairman of Saudi Aramco Chess Group
“Madame President, naranasan po namin ang inyong katapangan sa panahon ng EDSA revolution. Habang nagsisilbi kayo sa ating bansa, nakita ang pagbabago ng ating kapaligiran at pagsulong ng ekonomiya. Nakatapos po kami dahil sa inyong mga tulong bilang isang iskolar ng gobyerno. Nakapagtrabaho po kami dahil sa programa ng gobyerno at kagawaran ng inyong administrasyon. Ikinararangal po namin kayo bilang ina ng bansang
Pilipinas.” – Archie Ortega, empleyado ng Arab Paper Mfg. Co. Ltd., Dammam
“Bilang pakiki-isa at pakikiramay sa pagyao ng ating mahal na si Cory Aquino at respeto na rin kahit tayo ay malayo sa Pilipinas ay nagsuot ako ng dilaw ng damit at naglagay ng barandillas na dilaw sa aking sasakyan.” – Larry Estaq, empleyado ng Mohd Bukannan Ltd.
Ang mga staff ng ARAMCO Commissary ay nagpadala naman sa atin ng kanilang litrato na kung saan makikita ang dilaw na tela na nakalagay sa kanilang mga braso at dibdib bilang pakikipag-isa sa sambayanang Pilipino sa pagpupugay sa dating Pangulong Corazon C. Aquino.
Mula naman kay Chito Camcam (an employee of Unicoil-Jubail) ang sulat na ito:
To Madame Cory Aquino -
More than just an “icon”, I thank you so much for letting yourself become God’s instrument for peace, freedom, and democracy in our country. I salute your courage as you arose to the occasion during the historic People Power Revolution of 1986 to ousting the Marcos’ regime. I personally consider your courage as an act of faith in the Almighty – letting all Filipinos (and the whole world) know that whoever desires change should stand for what he believes according to the Word of God. He should never be quiet, but must express himself in a peaceful manner. He must not be discouraged but should persevere against all odds.
Your good deeds, selfless service, and high hopes for our country are not only worth writing for inspiration, but indeed, worth sharing so others can emulate… now and the coming generation.
Maraming, maraming salamat po, Madame President!
Maraming, maraming salamat po, Madame President!
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535)
No comments:
Post a Comment