Max Bringula (Abante ME Edition, 27 October 2010)
Isang natatanging bahagi ng katatapos na Induction ng AFCSCOM ay ang pagbibigay-pugay at pasasalamat sa butihing Ambassador ng Pilipinas sa Saudi Arabia, His Excellency Antonio P. Villamor kung saan ang tour of duty bilang Ambassador ay nagtapos nitong 30 September 2010.
Bawat Filipino community leaders at panauhin na dumalo sa nasabing okasyon kung saan si Ambassador Villamor ang keynote speaker, ay nagbigay ng kani-kanilang pananalita at pasasalamat. Si Ambassador Villamor ay itinuturing na “Ama” at kaibigan ng marami sa mga community leaders at maging ng ordinaryong OFW.
Ilan sa mga community leaders na nagpaabot ng kanilang pasasalamat ay sina Max Bringula, Chairman ng Pag-asa Community Support Group, Mary Jane Tupas, President ng 5th OFW Congress, Dr. Eduardo Malagapo, Principal ng Al Andalus International School, Reynaldo Alejandro ng Bulakenyo Community, Jaypee Vega ng FILPOP, Engr. Ismael Sulit ng Hawak-Kamay, Danilo Rioflorido ng ALFIDASCA, Lamberto Pablo ng Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME), Edgardo Saballa ng Guardians Republican Int’l Inc., Sammy Guevarra ng Cebuano Integrated Society & Tribal Allies (CISTA) at marami pang iba.
“He was a very active Ambassador, frequently visiting the various parts of the Eastern Region and attends to the concerns of the leaders and the community here, without too much Protocols. He is very approachable. We would like to thank him for all his support to the projects for the community of the various groups in the Eastern Region. We wish him all the best!” – ito ang pahayag ni Roilo Alojado, Past Overall Chairman ng AFCSCOM.
Samantala, isang handog o token gift ang ipinagkaloob ng Filipino Community ng Jubail para sa Ambassador sa pangunguna ni Ador Tanedo at Robert Olarte.
Hinarana naman nina Jaypee Vega, Jonrey Salva, Grand Finalist ng POP Icon, at ng mag-asawang Florante Catanus ng The Filipino Channel at Analiza Catanus ng Philippine School in Dammam ng mga piling-piling awitin ang butihing Ambassador na ikinatuwa nito.
Maging ang Director General ng Mohammad Dossary Hospital na si Mr. Abdul Fettah Ennayal ay di rin nagpahuli sa pagbibigay parangal sa Ambassador. Isang tula ang kanyang isinulat at ipinarinig sa lahat na hinangaan naman ng lahat ng naroroon. Si Abdul Fettah ay isang Tunisian subalit ang puso nito ay Pinoy na Pinoy. Malaki ang naitutulong ni Abdul Fettah sa mga programa ng Embahada para sa mga OFWs dito sa Eastern Province. Bukas lagi ang palad nito at buong-pusong tumutulong para sa kapakanan ng maraming Manggagawang Pilipino. Bilang pasasalamat din, ating ilalathala ang ilang bahagi ng tulang iniakda ni Abdul Fettah para sa ating Ambassador.
My dear friend, on me, you have dropped a bombshell
So I knew that soon it is going to be a moving farewell.
When hearing the news, I felt sadness and sorrow
And I have even went so far believing that there will be no tomorrow.
So I looked in our happy days for a sweet moment I can borrow,
to dissipate my feeling of sadness and calm my melancholy and sorrow.
Then I remembered, and to myself I said:
Don’t be dismayed at goodbyes
A farewell is necessary before you can meet again.
And meeting again after moments of lifetime is certain
for those who are friends.
It is true that it takes a minute to say “hello”
But forever to say “goodbye”.
However, goodbyes are not forever
Goodbyes are not the end.
They simply mean “I’ll miss you, until we meet again!”.
And last but not the least –
A goodbye isn’t painful unless you never going to say “hello” again.
And the return makes one love the farewell.
And that is why I do love this farewell,
because I am sure that we will meet again.
Samantala, isang plaque of appreciation ang ipinagkaloob ng AFCSCOM sa butihing Ambassador bilang pagkilala ng napakahalagang kontribusyon niya sa komunidad ng mga Pilipino sa Saudi Arabia.
Siya’y pansamantalang hinalinhan ni Mr. Ezzedin H. Tago, Consul General ng Jeddah, bilang Charge d’ Affaires ad Interim o CDA simula sa October 1, 2010.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment