Ang mga Pangulo ng anim na organisasyon ng PPO-SA, (mula sa kaliwa) Engr. Anthony M. Laid ng IECEP, Arch. Liyo Cefre ng UAP, Ms. Necie de Asis ng PICPA, Engr. Lamberto Pablo ng PSME, Engr. Romy Ebarola ng IIEE, at Jesus Mandi ng PICE. Ang Ceremonial Toss na pinangunahan ni Labor Attache David Des T. Dicang ng POLO-ERO.
Tinig sa Disyerto, ni Max Bringula (Abante ME Edition, 01 October 2010)
Sa isang commercial AD ng kilalang produkto sa Pilipinas, maaalala natin ang tagline na ito - “di lang pampamilya, pang-sports pa”.
Ganito maituturing ang kasalukuyang nagaganap na Sports Fest 2010 na in-organisa at nilahukan ng anim na miyembrong organisasyon ng Philippine Professional Organization ng Saudi Arabia (PPO-SA) - ang UAP-KSA-EPC (United Architect of the Philippines) / PICPA-KSA-EP (Philippine Institute of Certified Public Accountants) / PICE-EPSA (Philippine Institute of Civil Engineers) / PSME-SA (Philippine Society of Mechanical Engineers) / IIEE-ERCSA (Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines, Inc.) / at IECEP-KSA-ERC (Institute of Electronics Communication Engineers of the Philippines).
Hindi lang gawaing pang-propesyonal ang binibigyang-pansin ng Philippine Professional Organization - Saudi Arabia (PPO-SA) kungdi ang sports din. Sa Sports Fest na opisyal na sinimulan noong nakaraang 17 September 2010, magtatagisan ng lakas at abiilidad ang mga professionals ng anim na organisasyong nabanggit sa mga larong tulad ng Dart, Table Tennis, Basketball, Bowling, Lawn Tennis, Billiards, Volleyball at Chess.
Ang Opening Ceremony ay ginanap noong ding 17 September sa IPSA (International Philippine School in Alkhobar) kung saan mismong si Labor Attache David Des T. Dicang ng POLO-Eastern Region Operations ang naging panauhing pandangal at nagsagawa ng ceremonial toss. Sinimulan ang seremonya sa isang makulay na parada ng anim na professional organizations kasama ng kanilang manlalaro at muse. Sinundan ito ng Pambansang Awit na pinangunahan ni Engr. Romulo Ebarola (PPO-SA Secretary) ng IIEE-ERCSA, at pagkapos ay ang Invocation ni Engr. Lamberto M. Pablo (PPO-SA Auditor) ng PSME-SA. Ang Welcome Address naman ay dinala ni Arch. Liyo C. Cefre (PPO-SA Sports Committee Chairman) ng UAP-KSA-EPC.
Pagkatapos ng Inspirational Message ni LabAtt Des Dicang, pinangunahan naman ni Engr. Jesus C. Mandi (PPO-SA Treasurer) ng PICE-EPSA ang Oath of Sportsmanship sa mga manlalaro, at bago isagawa ang ceremonial toss ay nagbigay muna ng kanyang Closing Remarks si Ms. Necie A. de Asis (PPO-SA SPLBE 2010 Chairperson) ng PICPA-KSA-EP.
Ang Master of Ceremonies ng araw na iyon ay sina Arch. Geraldin G. Suede, UAP-KSA-EPC Secretary General at Mr. Carlo Gregorio, PICPA officer.
Tatlong Biyernes ang inilaan sa pagsasagawa ng nasabing Sports Fest para sa mga sumusunod na palaro:
September 17 – Dart, Table Tennis at Basketball (venue: IPSA)
September 24 – Bowling, Lawn Tennis at Billiards (venue: Al Gosaibi)
October 01 – Volleyball and Chess (venue: IPSA)
Ang Sport Fest 2010 ay may temang “Bringing Out the Best in Each Other”. Layunin ng palarong ito na maipakita ang galing ng kanilang mga miyembro di lamang sa isipan kungdi maging sa bisig at lakas, at sa pamamagitan nito lalo pang mabuklod ang samahan ng PPO sa Eastern Province, Saudi Arabia sa malalim at makabuluhang professional relationships. Ito ay brainchild ng PPO-SA Chairman ng Sports na si Arch. Liyo C. Cefre na sinang-ayunan naman ng kanilang PPO-SA President na si Engr. Anthony M. Laid ng IECEP-KSA-ERC.
Nais pasalamatan ng PPO-SA ang mga sumusunod na personalidad at organisasyon sa kanilang patuloy na pag-suporta sa mga programa ng PPO-SA, tulad nina Engr. Zoilo Caringal, Past PPO Chairman ng PICE, Engr. Romeo Elmer S. Reyes ng PICE, Engr. Gabalmel D. Ignacio ng PSME, Ms. Mary Jane Tupas, OFW 5th Congress President, Mr. Flor Catanus ng TFC (The Filipino Channel), Mr. Max Bringula, AFCSCOM Deputy Chairman on Community Affairs at Abante ME Edition columnist, Engr. Carlito Alpay ng PSME, ang Mohammad Dossary Hospital, ang IPSA at ang POLO-Eastern Region Operations.
Sa mga nagnanais magtanong o may isasangguni sa grupo ng PPO-SA, maaari kayong sumulat sa kanilang eMail address na ppo_sa@yahoo.com.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment