Makikita sa larawan ang siyudad ng Riyadh na siyang capital ng Saudi Arabia. Mayroong mahigit na 1.5 million OFWs na nagtratrabaho sa Saudi, at ilan sa mga ito ay overstayers at runaways.
Tinig sa Disyerto by Max Bringula (Abante ME Edition, 28 September 2010)
Isang magandang balita ang bumulaga sa mga expatriates ng Saudi Arabia mula sa Interior Ministry ng Saudi nang ihayag nito ang pagbibigay ng amnestiya o kapatawaran sa lahat ng mga overstayers at illegal foreigners, o yung ang mga visas ay paso na o expired at hindi na nai-renew, at yung mga pumasok sa Saudi sa pamamagitan ng pekeng visa at papeles.
Anim na buwan ang ibinigay na palugit para sa pagsuko ng mga nasasaklawan ng direktibang ito, mula 25 ng Setyembre 2010 hanggang 23 March 2011. Ang pagbibigay ng amnestiya ay itinaon sa pagdiriwang ng Saudi ng kanilang National Day na idinaraos tuwing 23 ng September. Taun-taon ay hinihintay ng Saudis at mga expatriates ang ganitong amnestiya na kadalasang ipinakakaloob ng Custodian of the Two Holy Mosques na sa ngayon ay si King Abdullah.
Samantala, bumuhos naman ang iba’t ibang katanungan mula sa mga illegals at overstayers pati na ang mga takas na nagnanais na ma-avail ang amnestiya at makauwi sa kanya-kanyang bansa. Ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, pati na ang Konsulada sa Jeddah at ang POLO-Eastern Region Operations sa Alkhobar ay inulan ng tawag na inaalam kung papaano ba ang gagawin para makauwi at kung sinu-sino ba ang sakop ng direktibang ito.
Upang bigyan ng linaw ang mga katanungang natanggap, nagpadala na ang Embahada ng Pilipinas (as of this writing) ng opisyal na sulat sa Ministry of Interior ng Saudi at sa Department for Foreign Affairs (o Wafideen) na humihingi ng official guidelines and directives patungkol sa nasabing amnesty program. Layon ng Embahada na kunin ang malinaw na pagsasagawa ng amnestiya, kung sino at hanggang saan ang sakop nito. Kung kasama ba rito yung mga matagal ng takas at di umuuwi sa dahilang may kaso sa kani-kanilang sponsors o employers. Yung may mga petty crimes at yung mga nakakulong. Yung mga kababaihan na nasa SWA (Saudi Welfare Agency) sa Eastern Province. Kasama rin ba rito yung mga naging anak ng mga runaways. Ito at ilan pa ang mga mahahalagang katanungang nais ng Embahada na makuha nang direkta mula sa Ministry of Interior ang kasagutan.
Inaalam din kung anu-ano ang mga dokumentong kakailanganin kung saka-sakaling ipra-process na ang travel documents ng mga mag-aaplay.
Nagbigay naman ng babala si Labor Attache David Des Dicang ng POLO-Eastern Region Operations sa ating mga kababayan na nagnanais na i-avail ang amnestiya na mag-ingat sa mga magsasamantala sa kanila, indibiduwal man o grupo, na magpapanggap na mag-aayos ng kanilang papeles at hihingi ng karampatang kabayaran. Upang matiyak na di mapagsasamantalahan, makipag-ugnayan lamang sa representatives ng ating Embahada patungkol sa pagsasaayos ng kanilang dokumento at dagliang pag-uwi.
Kung may grupo mang tutulong, dapat sila’y makikiapag-ugnayan din sa mga opisyales ng Embahada. Dapat tiyakin ng kababayan natin na batid ng Embahada ang ano mang transaksiyon kanilang isinasagawa tungkol sa nasabing amnestiya sa sino mang indibiduwal at grupo.
Narito ang mga numero na maaring tawagan:
Philippine Embassy – Riyadh: 01-4821802 / 01-4823559 / 01-4880835
Philippine Consulate – Jeddah: 051-5124797 / 02-6658462 x 101
POLO-Eastern Region Operations: 03-8941846 / 03-8942890
Tiniyak naman ni LabAtt Des na sa oras na matanggap nila ang opisyal na direktiba mula sa Ministry of Interior, ito’y agad nilang ipapaalam sa mga kababayan natin.
*********
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Approval ng Kontrata Para Mag-Hire
Gud AM, Sir Max. Pwede ba ako humingi ng POLO number sa Riyadh? Kasi may document contract ng asawa ko na noon pang August 25 ipinasa ng employer pero hanggang ngayon wala pang ibinabalik ang POLO-Riyadh sa employer. Thanks. – from a reader in Riyadh
Kabayan, narito ang mga numero na pwedeng tawagan sa ating Embahada sa Riyadh para ma-follow-up mo yung kontrata ng iyong husband: 01-4821802 / 01-4823559 / 01-4880835 / 01-4820507 / 01-4823615
Good day, Mr. Max. I make this message kasi I have a friend na yung friend niya ay 10 months na na di pinasusuweldo ng amo because the employer is like scavenger only, and his kids ay di nag-aaral. Meaning poor employer. How come na nakakakuha ng maid sa Pinas ang ganito? Next time sana di lang pagkakakitaan kami ng government natin kungdi maging concerned din sila sa mga OFW. Mapalad ako dahil I have an Al-Dossary na employer. I thank Allah. – Rosalie Amira Bartolome of Alkhobar
Hi Rosalie, salamat sa iyong patuloy na pagtangkilik. Mayroong procedures na sinusunod ang Embahada pati na ang POLO-ERO sa pag-approve ng mga contract to hire na isinusumite ng mga employers na nais mag-hire ng Filipino workers. Ang kontrata’y kanilang sinusuring maigi bago aprubahan at tinitiyak na kumpleto ang mga dokumento na kailangan. Kung may nakakalusot man ng tulad ng iyong binabanggit, ito’y sa dahilang may mga Agency sa Pilipinas na di sumusunod sa patakaran at gumagawa ng mga discrepancies para lamang mapaalis nila ang trabahador at sila’y kumita. Isa ito sa dapat pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno at bigyan ng kaukulang aksiyon. - Max
Tuesday, September 28, 2010
Paglilinaw sa Amnestiya
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment