Makikita sa larawan ang ilang mga nurses na dumalo kasama ang mga opisyales ng OFW 5th Congress. Si Engr. Ransam Pirote habang tinatanggap ang Plaque of Appreciation mula kay Mary Jane Tupas, OFW 5th Congress President.
TINIG SA DISYERTO by Max Bringula (Abante ME Edition, 23 September 2010)
Isang mahalagang seminar/workshop ang isinagawa kamakailan lamang ng Overseas Filipino Workers 5th Congress at ng pamunuan ng Mohammad Dossary Hospital nitong September 2, 2010 na may titulong “Managing Human Behavior at Work”.
Ito’y dinaluhan ng pitumput-anim (76) na nurses ng nasabing ospital at pinangunahan ng mga opisyales nito na sina Mr. Abdul Fettah Ennayal (Director General), Mr. Sulaiman Babiker Dafalla (Human Resources Consultant) at Ms. Mary Jane P. Tupas (Director of Nursing), na siya ring pangulo ng OFW 5th Congress. Nagbahagi rin ng kanyang sariling karanasan ang tagapagsalita ng okasyong iyon na si Engr. Ransam Pirote tungkol sa tamang pakikitungo at pakikihalubilo sa iba’t ibang uri ng tao. Si Mr. Pirote na isang Bagong Bayani awardee rin, ay Training Coordinator ng ARAMCO.
Masasabing isang malaking tagumpay ang isinagawang seminar/workshop sa dahilang ang ganitong mga talakayin ang mas higit na kailangan ngayon di lamang ng mga overseas Filipino workers (OFWs), kungdi maging ng ibang mga foreign workers sa bansa. Ito’y isang mahalagang sangkap upang lalo pang magtagumpay ang sino man sa kanyang trabaho at larangang kinabibilangan. Kung kaya’t ganoon na lamang ang papuri’t pasasalamat ng mga nagsidalo sa organizer ng katatapos na seminar/workshop.
Ang mga nurses na dumalo ay sina: Sreekumari P.N., Marykutty James, Lorlyn Camacho, Pushpa Mammen, Bala Nagamal, Kavitha Pilakadan, Tamil Arasi, Susan George, Rosamma George, Shany Baby, Shiji Joseph, Teresita Unlayao, Mary Jane Recassa, Leela Balan, Susamma Punnose, Sisily Nalor, Minimol Chandy, Angelina Rigor, Sreekala, Moly Thomas, Rechil Gardose, Irene Dela Cruz, Maya K.G., Tessymol Varghese, Sheeja Mathai, Noriet Alvia Barcia, Soly Abraham, Shani Rose, Rianne Apolonio, Junielyn Marte, Amy Bautista, Pramada C.K. Nair, Simmy Jacob, Suzanne Jane Castillo, Cherry Anne Barrientos, Susan Thankachan, Marizen Cabral, Riya Shiju, Soumya Mathew, Abdullah Salem Al-Mashgari, Jephonie Padre, Gulshan Begum, Binu Thomas, Asima Begum, Lijo John, Reena Joseph, Retheesha R., Soledad Tambua, Cindy Manguiat , Reniel Simbillo, Jerome Duterte, Florie Yuson, Mary Mammen, Arlene Navarro, Kashmir Dayang, Joerelyn Macahilas, Shobanna K., Rona Palmamento, Gigi George, Grace Illyn Villaverde, Rutchel Laurencio, Elaine Joyce San Jose, Lilibeth Fabro, Beena Saji, Rowena Sarte, Annie Kurakose, Daisy Burca, Estelita Nieves, Smitha Baiju, Shiny Anthony, Bindhu N.M., Mariamma P.M., Deepthi Zakariya, Annaliza Neyra, Joanna Marie Gardiola, Jacquelyn Garimbao.
*********
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Katulong na Pinagbabantaan
Sir Max gud PM. Isa po akong DH dito sa Jeddah. Yung amo ko ay lagi akong sinasabihan ng “I could kill you”. Ano po ba ang dapat kong gawin? Ang magtiis dito o umuwi na lamang? Apat po ang anak ko. Sana mapayuhan ninyo ako. – from a reader in Jeddah
Kabayan, mas mainam na isangguni mo sa ating Konsulada riyan sa Jeddah ang iyong katayuan sa iyong amo, nang sa gayon ay ma-alarma siya kapag nalaman niyang nakikipag-ugnayan ka sa ating embahada. Dahil dito ay maaari siyang tumigil sa kanyang pagbabanta. Kung hindi pa rin at mas lalo pang lumala, mainam na humingi ka na ng tulong sa ating Konsulada upang ika’y kanilang kunin at pansamantalang kupkupin. Ang kanilang numero ay ang mga sumusunod:
051-5016318 (mobile) - Philippine Consulate, Jeddah
051-5124797 (mobile) - POLO-Jeddah
02-6658462 ext. 101 (landline)
Humihingi ng Sipi ng Saudi Labor Law
Hi there. I’m Ghay Cadiz from the Philippines. I got your email address from Tinig sa Disyerto. Ang dami kong natutunan just by reading your articles. I'm not an OFW, but I’m doing some research so I could help my friend who is in Jeddah. I just need a copy of the Revised Saudi Labor Law. If you could send it to me, it would be greatly appreciated. I want to know the law, because I believe sa nasabi mo sa isang article na "ignorance of the law excuses no one”. Thanks in advance. – Ghay Cadiz from Philippines
Hi Ghay, napadala ko na sa iyong eMail ang ni-request mong Revised Saudi Labor Law (in English and Tagalog). With regards sa friend mo, I suggest na kung babalik siya sa amo niya ay may kasama siyang taga-Konsulada natin sa Jeddah. Hindi kasi natin tiyak ang isipan ng mga Saudis.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment