Tinig sa Disyerto by Max Bringula (Abante ME Edition, 19 September 2010)
Sa layuning mabawasan kung hindi man tuluyang mapawi ang halos araw-araw na vehicular accidents na nagaganap sa Saudi Arabia, kung saan malaking pinsala ang idinudulot at maraming buhay ang nasasawi, inilunsad ng Traffic Department ng Saudi ang paglalagay ng Saheer o automated traffic cameras sa mga daan, lalo na sa mga prominenteng lugar na marami ang dumaraang sasakyan.
Ito’y una ng ipinatupad sa Riyadh at Jeddah, at ngayon sa Eastern Region naman upang ma-monitor ang mga lumalabag sa traffic rules tulad ng over speeding at crossing the red lights. Kadalasan, dahil sa kawalan ng disiplina ng mga motorists at ng kanilang di pagsunod sa driving etiquette, lokal man o mga dayuhan, nagkakaroon ng mga aksidente. Ang Saudi Arabia ang isa sa mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga nasasawi sa vehicular accidents sa buong mundo na umaabot sa anim na libo kada taon, dagdag pa ang pinsalang dulot nito sa mga properties at iba pang nadaramay.
Para sa kaalaman ng mga motorists sa Eastern Region, narito ang mga lugar na may automated cameras:
1) Dhahran Street intersection signal at Prince Hammoud (kung saan naroroon ang McDonald at Kentucky sa may Dhahran)
2) Dhahran Street signal at the intersection of King Abdulaziz (Dhahran)
3) Dhahran Road intersection signal at Alkhobar Corniche (kung saan naroroon ang AlKhobar Police Station)
4) Alkhobar Corniche signal (sa may Meridian Hotel sa Alkhobar)
5) King Abdul Aziz Street 10 cross 16 signal (Alkhobar)
6) King Abdul Aziz Street with Pepsi sign (Alkhobar)
7) Mecca Street Signal (sa Auto Agencies area, Alkhobar)
8) Bridge signal (kung saan naroroon ang Alkhobar housing, at sa kanan ang Al-Ghanem Market, at sa kaliwa ay ang Al-Fawzia Market)
9) Al-Khobar Street Signal (sa may Al-Subaie Auto Exhibition)
Gayundin may mga automated cameras na nagmo-monitor ng lalabag sa maximum speed limit in kilometers per hour sa mga sumusunod na lugar:
1) Dammam – Khobar Highway (Dammam Housing), ang maximum speed ay 100.
2) Dammam – Khobar Highway (Doha, Dana Technical College and Gulf Palace), ang maximum speed ay 110.
3) All Highways (sa Rashed Al-Qaeda Road at sa university at director ng Dammam area papuntang Jubail, Al-Hasa at Riyadh roads) ang maximum speed ay 100.
4) Jubail Highway, ang maximum speed ay 100.
5) Aziziyah Highway (Alkhobar), ang maximum speed ay 100.
Upang maiwasan ang aksidente at hindi mapatawan ng traffic fines, kapag nag-Yellow ang traffic signal, dapat ng mag-menor habang malayo pa at huwag habulin ang red signal. Kapag nag-menor ka, mababalaan ang nasa likuran mo at siya’y magdarahan na rin, lalo na’t kapag binukas mo pa ang iyong flasher bilang babala sa mga parating na sasakyan.
Ipinapaala rin na kapag liliko sa kanan (sa may intersection) at naka-red signal, lumingon muna (sa kaliwa) kung may paparating na sasakyan o kung may tumatawid bago lumiko.
Gayundin, ugaliin na kapag titigil sa may traffic signal, ang sasakyan ay di tatapak sa crosswalk ng pedestrian o ng mga tumatawid.
Ang sinumang mahuhuli o malilitratuhan na lalabag sa mga nasabing traffic rules ay mapapatawan ng traffic fines.
Pinapaalalahan natin ang ating mga kababayan na sumunod sa mga patakarang ito ng Saudi Traffic Department upang maiwasan ang aksidente at di maperwisyo sanhi ng ating paglabag.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment