Tinig sa Disyerto by Max Bringula (Abante ME Edition, 25 September 2010)
Sa hangaring higit na mapabuti ang pagsasagawa ng consular outreach services ng Embahada sa Eastern Province, o kilala sa tawag na Embassy On-Wheels (EOW), isang pagsasanay ang isasagawa para sa mga volunteers nito sa darating na Huwebes, September 30, 2010 mula ika-anim ng gabi.
Ito’y isang joint-project ng Embahada at ng AFCSCOM (All Filipino Community & Sports Commission) kung saan magkakaroon ng Seminar at Workshop na mahahati sa tatlong bahagi.
Sa unang bahagi ay tatalakayin ang Basics of the Philippine Passport Law, e-Passporting (procedures, comparative cost, features) at iba’t ibang Notarials services. Ito’y pangungunahan ni Consul Romulo Victor Israel, Jr., Second Secretary and Consul ng Philippine Embassy, Riyadh.
Sa ikalawa at ikatlong bahagi naman ay pag-uusapan ang roles, functions and responsibilities ng EOW volunteers na pangungunahan ni Engr. Ransam Pirote, past overall Chairman ng AFCSCOM, at mga piling consular staff ng Embahada.
Ang nasabing okasyon ay dadaluhan mismo ni Ambassador Antonio P. Villamor na siyang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita, at ni Labor Attache David Des T. Dicang ng POLO-Eastern Region Operations.
Naatasan din sa iba’t ibang bahagi ng programa ang mga sumusunod na opisyales – Mary Jane Tupas, OFW 5th Congress President (Invocation), Jaypee Vega, AFCSCOM Incoming Deputy Chairman of Cultural Affairs and OFW 5th Congress Director General (National Anthem), Reggie Montana, AFCSCOM Overall Chairman (Welcome Remarks), at Max Bringula, AFCSCOM Deputy Chairman of Community Affairs (Closing Remarks).
Mayroong mahigit na limampung EOW volunteers na tumutulong tuwing nagkakaroon ng Embassy On-Wheels sa Alkhobar tulad ng gatekeepers, line and crowd controllers (o marshals), Form checkers o verifiers, encoding helpers, passport releasing assistants at volunteers coordinators. Sila ang mga sasanayin at bibigyan ng higit na empowerment para matiyak ang kaayusan ng mga darating na EOW o Embassy On-Wheels.
Ang pagkakaroon ng pagsasanay ng EOW volunteers ay pagkilala ng kanilang mahalagang bahagi sa lalo pang ikatatagumpay ng consular outreach services ng Embahada sa Silangang bahagi ng Saudi Arabia. Ang pagpapatupad ng e-Passporting na siyang kapalit sa MRP (machine-readable passport) at ng dating manual o green passport kung saan tinitiyak na daragsang muli ang mga kapwa OFWs sa EOW ay lalo pang nagpa-igting sa hangarin ng mga volunteers na harapin ang hamon na pag-ibayuhin ang pagtulong sa mga kapwa kababayan sa pamamagitan ng buwanang Embassy On-Wheels.
*********
EOW sa September Muling Ipinagpaliban
Samantala, isang Advisory ang ipinadala ng Philippine Embassy, Riyadh dated 04 September 2010 na nagsasaad ng muling pagpapaliban ng EOW sa Alkhobar sa buwan ng Setyembre. Ito’y direktibang nanggaling mismo sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa Manila para sa lahat ng Embahada at Konsulada ng Pilipinas sa ibayong dagat. Ang dahilan ay ang paglilipat ng Personalization Center ng Machine-Readable Passport sa bagong opisina ng Consular Affairs ng DFA sa Aseana Business Park, Macapagal Boulevard cor. Bradco Avenue, Paranaque City.
Sisikapin ng Embahada na makapagbigay agad ng pahayag ng susunod na EOW sa October sa madaling panahon.
Maaari namang puntahan sa Riyadh ang mga passport na ready for release. Dalhin lamang ang resibo ng pagbayad. Kung hindi personal na makakapunta, maaaring ipakuha ito sa inyong kasama o kakilala. Kailangan lamang ng Authorization Letter na manggagaling sa inyo. Gayunpaman, mas mainam na i-check muna kung available na ang inyong passport sa website ng embassy sa www.philembassy-riyadh.org. O kaya naman, maaari kayong tumawag sa kanilang hotline na 01-4823559. Kung nangangailangan naman ng extension ng passport sanhi ng emergency cases, maaari kayong magtungo sa Embahada mismo para mabigyan ng pansamantalang passport o travel document.
Sa iba pang mga katanungan tungkol sa Passporting, pwede kayong mag-eMail sa filembry@sbm.net.sa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano nga ba mgaing volunteer dyan sa EOW kuya?
ReplyDelete