Sunday, October 17, 2010

Orangers Tinanghal na Kampeon sa CEBL 2010 / Pacelo Hinirang na MVP

Max Bringula (Tinig sa Disyerto - Abante ME Edition, 15 Oct 2010)

Matagumpay na nagtapos ang CEBL (CLSF-Emmanuel Basketball League) 2010 nung Sabado, 09 October 2010, sa pamamagitan ng makulay na awarding ceremony na ginanap sa Al Gosaibi Hotel Sports Complex, Alkhobar.

Tinanghal na kampeon ang koponan ng Orangers at pumangalawa ang Yellow Markers, pangatlo ang White Kings at ika-apat naman ang Blue Eagles.

Sa score na 66-62, tuluyang naitala ng Orangers ang pagiging kampeon sa CEBL 2010 sa kapana-panabik na championship games na ginanap noong Sabado, 02 October 2010 sa katunggali nitong Yellow Markers. Gitgitan ang naging laban ng dalawang koponan kung saan hindi lumayo ang score ng magkabilang panig at nag-all 18 sa huling 4 minutes ng 2nd Quarter. Subalit sa huling minutong natitira ay umarangkada ng husto ang Yellow Markers kaya’t lumobo ang score nito sa 32 points laban sa kalaban na 22 points nang matapos ang 2nd Quarter.

Gayunpaman, hindi nagpatinag ang Orangers. Sa pamamagitan ng sunod-sunod na puntos na ginawa ni Marlon Pacelo (Jersey No. 26), na may pinakamaraming puntos na ginawa, nakopo na ng tuluyan ng Orangers ang kampeonado laban sa Yellow Markers. Nagtala si Pacelo ng record-breaking na 45 points out of the 66 points ng Orangers at siyang dahilan upang hirangin siya bilang MVP (Most Valuable Player) ng CEBL 2010.

Napiling Mythical Five sina Marlon Pacelo (Center) ng Orangers, Bernie Aranda (Power Forward) ng White Kings, Pedro Crodua (Small Forward) ng White Kings, Julius Mendoza (Off Guard) ng Eagles, at Jerry Camilla (Point Guard) ng Yellow Markers.

Second Mythical Five naman sina Jonathaniel Reyes (Center) ng P.I.R.A.T.E.S., Benjie Tingson (Power Forward) ng Blue Markers, Arjay Galang (Small Forward) ng Yellow Markers, Frene Navarro (Off Guard) ng Orangers, at Roger Estrellado (Point Guard) ng Royals.

Samantala, binigyan ng Sportsmanship Award si Arthur Valeros ng White Kings na kilala rin bilang Daddy ni EJ at JE.

Nagpapasalamat ang pamunuan at organizers ng CEBL sa lahat ng mga koponang lumahok tulad ng Orangers, Yellow Markers, Purple Royals, White Kings, Blue Eagles at P.I.R.A.T.E.S. Gayundin sa mga sumusunod na manlalaro:

ORANGERS – Goeff Dayoc (JN1), Geoff Pahayhay (JN6), Gerry Valencia (JN8), Jeoff Balmores (JN17), Noel Baitlon (JN22), Nelson Lulu (JN11), Edwin Macquiling (JN13), Dean Mark Hernandez (JN14), Leal Permalino (JN20), Frene Navarro (JN10), Pol Lulu (JN23), Chris Cruz (JN24), Rommel Dasig (JN25), Marlon Pacelo (JN26) at Ricky Libiran (JN32).

YELLOW MARKERS – Francis Franco (JN1), Mhel Galope (JN7), Joey Razal (JN10), Francis Gillana (JN11), Arvin Quijano (JN12), Lito Nartea (JN13), Arjay Galang (JN15), Chris Icasiano (JN16), Cedric Tibay (JN17), Khem Luarez (JN19), Nap Mariano (JN22), Jerry Camila (JN24), Jolly Sudaria (JN26), at Elmer Sto. Tomas (JN33)

WHITE KINGS – Albert Cabansag (JN1), Arnold Limpiado (JN3), Jessie Andal (JN5), Arnel Rodriguez (JN16), Arthur Valeros (JN7), Renie Magalong (JN8), Shaun Fajardo (JN9), Roy Masung (JN27), Joel Mabandos (JN11), Dong Macalino (JN14), Fermin Garcillar (JN15), Bernie Aranda (JN24), Lloyd Alagasi (JN25), Joseph Zabala (JN38) at Pedro Crodua (JN12).

BLUE EAGLES – Dono Mendoza (JN1), Nino Policarpio (JN4), Debb Balucan (JN5), Ron Gregorio (JN6), Mark Macale (JN7), JR Aguirre (JN8), Julius Mendoza (JN10), Gabriel San (JN11), Bong Asucena (JN12), Joey Cinense (JN13), Joseph Tenorio (JN14), Francisco Cudal (JN15), Ferdie Lantaca (JN20), Gary Delos Santos (JN22), at Omar Sabile (JN66).

1 comment:

  1. hi im chu, and im looking for mr arthur valeros. im hes old friend. namiss ko po kasi sya matagal na kaming walang communication. i do hope may magbigay sa akin ng email add nya. my email add fruitfulzip@gmail.com. tnx so much & more power!

    ReplyDelete