Sunday, April 18, 2010
Isang Makulay at Matagumpay na PBL Opening
by Max Bringula
Abante ME Edition, 16 April 2010
The images speak for itself. It was colorful and magnificent. Ganito maituturing ang katatapos na opening ceremony ng PBL Season 5 o Pag-asa Basketball League na ginanap noong Biyernes, 09 April 2010, sa sa Multi-Purpose Function Hall ng IPSA (International Philippine School in Alkhobar).
Isang makulay at matagumpay na ceremony ang nasaksihan ng manonood at mga panauhin nang pormal na simulan ang PBL Season 5.
Naging panauhing pandangal sa nasabing okasyon si Labor Attache David Des T. Dicang ng POLO-Eastern Region Operations na siyang naghatid ng Inspirational Remarks. Kasama niyang dumalo ng hapong iyon ang dalawang bagong opisyales na manunungkulan sa POLO-Eastern Region Operations, sina Welfare Officer Ron Lionel M. Bartolome at si Sergio Borgueta bilang Administrative Officer. Kanyang ipinakilala ang dalawa at hinilingang magbigay ng kanilang maikling pananalita. Si WelOff Ron Lionel ay naghandog pa ng awitin na siyang ikinasiya ng mga naroroon.
Dumalo rin sina Mr. Reggie Montana, AFCSCOM (All Filipino Community and Sports Commission) Overall Chairman, Ms. Mary Jane Tupas, President – OFW Congress, at Mr. George Palencia, Chairman – United Bicolanos, at Founder and Chairman ng FAHAP (Filipino Association of HR and Administrative Professionals).
Labing-tatlong koponan ang lumahok sa Season na ito (anim sa Class A at pito sa Class B) na ang pawang hangarin ay makamit ang prestihiyosong PBL Championship Trophy sa Category A at sa Category B. Ang mga koponang ito ay ang mga sumusunod:
Class A – Day by Day, GMC Thunders, JCLORIM Warriors, JIL Theos, JUSL at UR Divine Desert University.
Class B – CCWIM Eagles, CLSF Markers, JCILSA, JCPP Eagles Wings, JTLG, Living Water at Salt & Light.
Ang ceremony ay sinimulan sa pagpapalabas ng footages ng nakaraang apat na seasons, ang Season 1 hanggang Season 4 na nilikha ng Creative Arts Ministry ng JIL, at sinundan ng Parade of Teams kasama ang kanya-kanyang muse at mascots. Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay pinangunahan naman ni Allisa Andrea E. Liangco ng JCCF, Jubail, at ang Sportsmanship Oath ni Jhun De Rama ng UR Divine Desert University.
Sumunod dito ay ang Opening Remarks ng inyong lingkod bilang Chairman ng Pag-asa Community Support Group kung saan aking binigyang-diin sa mga koponan na maglaro na may kahinahunan at hangaring manalo di lamang sa mata ng mga manonood at kapwa manlalaro, kungdi higit sa lahat, ang manalo sa mata ng Diyos.
Samantala, tinanghal na Best Muse sina Cheska Pauline Agas at Samantha Nicole Agas na mula sa JCILSA, at ang Salt and Light bilang Best in Uniform. Napili namang Most Organized Team ang JIL Theos.
Naghandog naman ng special numbers ang grupo ng Day by Day, ang UR Lighthouse, JCLORIM Dancers, Sumphonia, Bangon Kabataan at Triune Movers. Si Mr. Bong Buella ng FILPOP at Mr. Jun Daniel ng UR-Lighthouse ang naging Hosts ng nasabing okasyon.
Sa unang game na ginanap, nanalo ang JCLORIM Warriors against GMC Thunders ang back-to-back Champion ng PBL Season 3 & 4 sa score na 70-68 sa Category A, at ang JTLG Eagles against TJM-4 Markers sa score na 55-49 sa Category B.
Ang PBL ay taunang liga na isinasagawa ng Pag-asa Community Support Group sa Eastern Province, Saudi Arabia para sa kanilang mga miyembro. Ito’y nasa ika-limang Season na mula ng ito’y mag-umpisa noong 2006. Taun-taon din na nagkakaroon ng tema o theme ang liga, at sa taong ito, ang tema ay “Sama-samang Nagkakaisa sa Pagpapalakasan”.
Ang organizing committee ng PBL sa taong ito ay binubuo nina: Tim Mallari (Commissioner), Robert Punzalan (Asst. Commissioner), Ervin Bayona (Head-Technical Committee), Dennis Oliver (Asst. Head – Technical Committee), Arthur Valeros (Head-Table Committee), Alex Ventura (Asst. Head-Table Committee), Junald Pellazar (Asst. Head-Table Committee), Tony Gloria (Marketing & Promotion), Robert Punzalan (Finance), George Conejos (Secretary) Mike Abrera (Logistic) at Luis Macaraeg at Lito Migabon sa Support.
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment