Friday, April 23, 2010
Mga Iba't Ibang Katanungn sa OAV
by Max Bringula (Abante ME Edition)
Kasabay ng paninimula ng Overseas Absentee Voting (OAV) nitong April 10 na magtatagal hanggang May 10 na siyang araw ng eleksiyon sa Pilipinas ay ang pagsulpot din ng iba’t ibang katanungan hinggil sa isinasagawang OAV sa iba’t ibang bahagi ng mundo kung saan may botanteng Pinoy.
Minabuti ng inyong lingkod na ilathala ang mga katanungang ito para na rin sa kaliwanagan at kaalaman ng nakararami.
1) Names Delisted from the Voters’ List
Isa sa pinakamalimit na tanong na ating natatanggap ay tungkol sa pagkaka-tanggal (o pagkaka-delisted) ng pangalan ng mga botante sa Voter’s List na inilabas ng COMELEC bagamat nakaboto naman sila sa eleksiyon ng 2004 at 2007. Walang maibigay na konkretong kasagutan ang opisyales ng Embahada tungkol dito kungdi ang pagsasabing may mga kadahilanan ang COMELEC kung bakit dine-list nila ang mga ito. Gayunpaman, kanilang nire-recommend na magpadala ng inquiry sa COMELEC ang mga na-delist ang pangalan. Maaaring mag-fax sa numerong 00-632-5212952 o tumawag sa kanilang telepono 00-632-5522251. O kaya naman ay mag-eMail sa coav@comelec.gov.ph o sa comelec_coav@yahoo.com at copy-furnished ang Embahada (para sa Riyadh, filembry@sbm.net.sa at sa Eastern Region, polo_ero2005@yahoo.com).
Maaari ring mag-fax sa Overseas Absentee Voting Secretariat ng DFA sa numerong 00-632-8330914, o tumawag sa kanilang telepono 00-632-8344361, o kaya’y tawagan ang OAV Section ng ng Philippine Embassy sa Riyadh kung kayo’y nasa Saudi Arabia sa kanilang telepono na (01) 4820507 ext. 2127, o mag-fax sa numero (01) 4883945.
Nawa’y may magagawa pang paraan na makaboto ang mga na-delist ang pangalan bago matapos ang May 10, 2010 na siyang huling araw ng botohan para sa OAV.
2) Names Transferred to Other Location
May mga pagkakataon naman na ang pangalan ng botante ay napunta sa ibang lokasyon. Ano ang dapat gawin sa ganito upang makaboto?
Tulad sa itaas, mag-eMail sa COMELEC (coav@comelec.gov.ph or comelec_coav@yahoo.com) at copy-furnished ang Embahada (filembry@sbm.net.sa kung nasa Saudi Arabia at polo_ero2005@yahoo.com kung nasa Eastern Region, Saudi Arabia) upang payagan siyang makaboto kung saan siya naroroon at nag-register at hindi sa lugar kung saan napunta ang kanyang pangalan.
3) Voter is transferred to Other Location
Sa ganitong pagkakataon, kailangang i-request ng botante sa kanilang kumpanya na payagan siyang pumunta muna sa lugar kung saan siya orihinal na nag-register. Halimbawa, kung ang botante ay nag-register sa Alkhobar, subalit nalipat ang work place niya sa Riyadh, kailangang pumunta siya sa Alkhobar at doon bumoto. Hindi na maaaring mailipat pa ang registration niya sa Riyadh sa panahong ito kung saan nakapaglabas na ang COMELEC ng Certified List of Overseas Absentee Voters (CLOAV).
4) Voter Went Home for Vacation
May mga nagtatanong din na kung sakaling sila ay magbabakasyon, maaari ba silang bumoto sa Pilipinas bagamat sila’y naka-rehistro sa ibang bansa bilang overseas absentee voter?
Ang sagot dito ay hindi. Hindi na maililipat pa ang registration pagkat nakapaglabas na ang COMELEC ng CLOAV. Kung magbabakasyon, dapat sikaping makaboto muna bago uuwi ng Pilipinas, o kaya’y sikaping makabalik sa lugar o bansa na pinagtratrabauhan o naninirahan bago matapos ang May 10.
5) Security of Voter’s Vote or Ballot
May mga nag-aalala naman sa seguridad ng kanilang boto na hindi magkakaroon ng dayaan at mababale-wala ang kanilang boto.
May nakatalagang SBEI (Special Board of Election Inspectors) sa oras ng botohan at maging sa oras ng pagbibilang ng boto. Sila’y nai-train na mangalaga sa seguridad ng boto. Bukod pa rito ay may nakatalaga rin na SBRCG (Special Ballot Reception and Custody Group) na siya nag-iingat ng lahat ng mga accountable election forms and paraphernalia na ginagamit sa eleksiyon. Sila ang nagha-handover nito sa SBEI sa simula ng eleksiyon at sila rin ang tatanggap nito pagkatapos, kasama na ang mga ballot boxes. Ang lugar na pinaglalagyan ng mga ito ay naka-double lock kung saan ang susi ay hawak ng magkaibang tao.
Dagdag pa rito, may mga Poll Watchers na mula sa iba’t ibang partido o kandidato na pinapayagang mag-monitor ng kaganapan sa botohan at sa pagbibilang ng boto.
May nakapagsabi sa amin at nagtatanong kung bakit karton lamang ang gamit sa ballot box at di yung nakagawiang yari sa bakal tulad ng nakikita sa Pilipinas. Itinatanong din nila kung bakit ordinaryong ink lamang o stamp pad ang ginagamit sa mga bumuboto na itinatatak sa kanilang daliri at di yung dating indelible ink.
Sa puntong ito ating ipinarating na sa COMELEC ang bagay na ito upang hingin ang kanilang paliwanag o kasagutan sa bagay na ito.
Paalala rin natin sa mga di pa nakakaboto na magtungo na sa malapit na Embahada at Konsulada ng Pilipinas o sa Philippine School na ginagamit para sa OAV upang bumoto. Huwag ng hintayin pa ang huling araw upang di sumabay sa pagdagsa ng mga botante.
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment