Friday, July 9, 2010

Apat na Pilipino, Patay sa Aksidente sa Hofuf

Max Bringula (Abante ME Edition, 09 July 2010)

Isang nakalulungkot na balita ang ipinarating sa atin ni Erwin Camahalan, empleyado ng National Guard Hospital sa Al Hassa, Hofuf sa nangyari sa kanyang kasamahan sa trabaho na si Joyce Demetillo Hasan, nurse sa nabanggit na hospital. Si Joyce na nasa edad na mahigit trenta anyos ay namatay kasama ng kanyang limang taon na anak na si Aldwin Hope, at ng magulang ni Joyce na sina Roberto Demetillo at Beth Demetillo, sa isang aksidenteng naganap kahapon ng Miyerkules, 07 July 2010, sa ganap na ika-walo ng gabi sa Al Oun District ng Hofuf.

Mula sa pagbisita sa pamilyang Camahalan, pauwi na ang apat ng oras na iyon kasama ang dalawa pang kasama na sina Gener na siyang nagmamaneho ng sasakyan at si Peter lulan ng SUV Chevrolet. Habang binabaybay nila ang daan pabalik ng Alkhobar ay biglang may isang sasakyan ang palipad na nag-crossover sa kanilang linya sanhi ng isang aksidente rin at nag-resulta sa collision ng mga sasakyan na bumibiyahe sa gawing iyon kasama na rito ang SUV na totally-wrecked sakay ang pamilyang Demetillo.

Agad nag-responde ang mga awtoridad na naroon at dinala ang mga sugatan sa hospital na malapit sa lugar na pinangyarihan at ang mga bangkay na namatay agad on the spot.

Si Joyce ay magta-tatlong taon ng nagtratrabaho sa NGH at may asawa na nagtratrabaho sa military sa Pilipinas, na si Col. Al Hassan. Samantala ang magulang ni Joyce na si Bert Demetillo ay nagtratrabaho naman sa Tri-Star Company, Hofuf at ang ina nito na si Beth Demetillo ay isang titser sa Al Riyada International School sa Hofuf.

Ipinagbigay-alam na ng asawa ni Joyce ang pangyayari sa Department of Foreign Affairs (DFA) at nakipag-ugnayan na rin ang NGH sa Embahada ng Pilipinas, gayundin ang Tri-Star Company at ang Al Riyada International School ay naabisuhan na rin. Habang tinitipa ko ang balitang ito, papunta na sa Al Hassa, Hofuf ang representatives ng Embahada at POLO-Eastern Region Operations upang kunin ang buod ng mga pangyayari at maisaayos sa madaling panahon ang pag-uwi sa mga bangkay.

Ayon kay Welfare Officer Ron Bartolome ng POLO-ERO, may instruction na silang natanggap mula sa DFA na i-expedite ang pag-uwi ng mga bangkay kung kaya’t ito ang kanilang dagliang ginagawa ngayon.

Nais naman ng asawa ni Joyce na si Al na pumunta ng Saudi upang personal na maasikaso rin ang pagpapa-uwi ng bangkay ng kanyang asawa’t anak at mga magulang nito.

Marami ng mga aksidente sa sasakyan ang nagaganap hindi lamang dito sa Eastern Province kungdi sa buong Saudi Arabia sanhi ng kakulangan ng pag-iingat sa pagmamaneho lalo na ng mga katutubo rito na kumikitil ng buhay di lamang sa mga kababayan natin kungdi maging ng ibang mga expatriates at locals. Kaya’t puspusan ang ginagawa ng gobyerno ng Saudi para sa Driving Safety awareness sa kanilang mga kababayan at pati na sa mga expatriates. May mga Traffic Rules na pinatutupad at huhulihin at magmumulta ang mga offenders tulad ng di pagsunod sa tamang speed na 120 mph lamang sa daan.

Sa mga kababayan natin, sikaping mag-ingat sa pagmamaneho at ugaliin na mag-seat belt kapag na sa sasakyan.

Sa mga kaibigan ng mga Demetillo na nais malaman ang buod ng pangyayari, at mag-abot ng simpatiya at tulong, maaari ninyong kontakin si Mr. Erwin Camahalan sa CP No. 050-2140157.

TSD Readers’ Corner:

(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD (Tinig sa Disyerto), tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)

Embassy On-Wheels sa Alkhobar, Gaganapin sa 15 ang 16 July 2010

Sa mga nagtatanong sa atin thru text and eMail tungkol sa Embassy On-Wheels (EOW) kung kaylan ito gaganapin ulet sa Eastern Province, nakatanggap na po tayo ng official advice from Philippine Embassy, Riyadh, Saudi Arabia, na ang EOW ay gaganapin sa darating na Huwebes at Biyernes, 15 and 16 July 2010.

Sa dati pa ring venue, ang International Philippine School in Alkhobar (IPSA), gaganapin ang EOW, na magsisimula ng ika-walo ng umaga (8:00 AM) ng Huwebes at magtatapos ng ika-lima ng hapon (5:00 PM). Sa Biyernes naman, magsisimula ito ng ika-walo ng umaga (8:00 AM) hanggang alas-dose ng tanghali lamang (12:00 NN).

Sa mga naghihintay ng release ng kanilang passport, mainam na bumisita o i-tsek muna sa site ng Embahada kung available na ang inyong passport. Maaari kayong bumisita sa kanilang site sa www.philembassy-riyadh.org.

No comments:

Post a Comment