Friday, July 16, 2010
Induction ng Bagong Pangulo at Opisyales ng UAP-KSA
Max Bringula (Abante ME Edition, 16 July 2010)
Matagumpay na idinaos noong Biyernes, 09 July 2010, ang Induction ng bagong opisyales ng United Architects of the Philippines, KSA-Eastern Province Chapter (UAP-KSA-EPC) para sa taong 2010-2011, at ang pagpapakilala sa mga bagong miyembro nito. Ang seremonya ay ginanap sa Arwad Suite, Alkhobar kung saan mismong si Labor Attache David Des T. Dicang ng POLO-Eastern Region Operations ang nagsagawa ng Induction at Oath-Taking sa mga sumusunod na opisyales at miyembro:
Liyo C. Cefre (President), Dionne S. Monteloyola (Vice-President for Program and Development), Arsenio Q. Laborte (Vice-President for Operation), Geraldin G. Suede (Secretary), Ronald Z. Cruz (Treasurer), Perfecto S. Catis, Jr. (Auditor), Directors (Celfred G. Recato, Hermoso Y. Delos Reyes, Rosario F. Fernando, Joselito A. Diasanta, Joel Catiis and Francis F. Fernandez), and Ex-Officio, Errol J. Pineda (President, 2009-2010). Sila ang bumubuo ng 2010-2011 UAP-KSA-EPC Board of Directors.
New Members: Noel P. Macaraeg, Hermoso Y. Delos Reyes, Jr., Nerwin S.D. Hernandez, Arturo F. Soriano, Romualdo P. Quario at Wilfredo M. Calimlim.
Si LabAtt Des Dicang din ang naging Guest Speaker kung saan ang theme ng okasyon ay “Architects Innovation and Competitiveness towards Globalization”. Hinamon ni Dicang ang grupo na lalo pang paglinangin ang kanilang kaalaman upang magiging competitive sa lumalaking market ng architecture sa buong mundo.
Sa ngayon, pinagtutuunan ng grupo ang pagtuturo at pagsasanay sa mga aspiring architects na nagnanais na kumuha ng Special Professional Licensure Board Examination (SPLBE) sa taong ito. Nagkaroon din sila ng Technical Product presentation noong nakalipas na Marso ng taong kasalukuyan, at hinihikayat ang kanilang miyembro na patuloy pang magsaliksik at mag-aaral ng mga bagong pamamaraan at disenyo sa arkitektura.
Ang UAP-KSA-Eastern Province Chapter ang kauna-unahang chapter o sangay ng UAP-Philippines na itinatag sa Saudi Arabia. Bilang mother chapter, inaasahan na ang UAP-KSA-EPC ay handang harapin ang hamon na buklurin ang mga Filipino architects di lamang sa Eastern Province kungdi maging sa Central at Western Region upang kilalanin ng kapwa architects at ng iba pang Filipino professionals organizations sa Saudi Arabia bilang accredited professional organization of Filipino architects.
Bumuo rin ang UAP-KSA-EPC ng committees upang tumugon sa iba’t ibang community activities kung saan sila ay kabahagi, tulad ng Committee on Internal Affairs (Chairman - Arch. Arsenio Q. Laborte), Committee on Professional Practice (Chairmen – Arch. Arsenio Q. Laborte and Arch. Ronald Z. Cruz), Committee on Government and External Affairs (Arch. Liyo C. Cefre), Committee on Education (Chairman – Arch. Dionne S. Monteloyola), Committee on Personal Development (Chairmen - Arch. Geraldin G. Suede and Arch. Perfecto S. Catis, Jr.), Committee on Filipino Architecture (Chairman – Joselito A. Diasanta), and Committee on PPO Sportsfest (Chairmen – Arch. Arlie B. Lunar and Arch. Allan P. Del Rosario).
Sa kauna-unahang pagkakataon din ay nagkaroon ng first officer na babae ang UAP-KSA sa katauhan ni Arch. Geraldin G. Suede na siyang nahalal na Secretary ng grupo. Buong puso namang tinanggap ni Arch. Suede ang hamon bilang the lone-woman officer in the usually man’s world of architecture. Nagbiro naman si LabAtt Dicang na halos kasing-taas niya pala ang unang babaeng officer ng UAP-KSA na ikinasiya ng mga naroroon.
Bahagi rin ng programa ang turnover speech ng outgoing President na si Errol J. Pineda at ang turnover ng gavel, UAP Flag, Certificate of Chapter Membership, Financial Statements, atbp. sa bagong Presidente nito na si Arch. Liyo C. Cefre, at ang acceptance speech at paglalahad ng bagong Pangulo ng kanyang programa.
Ipinakita rin ng gabing iyon ang Highlights ng activities na nilahukan ng UAP-KSA-EPC sa taong 2009-2010, tulad ng 3rd SPLBE Passers Oath-Taking Ceremony, Technical Support Presentation, 4th Batch SPLBE Review for 2010, 36th UAP National Convention in Manila, at ang 112th Independence Day Celebration sa Eastern Province, Saudi Arabia.
Sina Arch. Geraldin G. Suede at Arch. Angelito M. Pangilinan ang naging Master of Ceremony sa 2nd UAP-KSA-EPC Induction of Officers and New Members.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment