Ang nursing staff ng Mohammad Dossary Hospital habang nagkakaroon ng medical mission. Ang buong staff ng Mohammad Dossary Hospital kasama si Mary Jane Tupas. Makikita sa larawan (nakaupo sa may kaliwa) si Mr. Abdul Fettah Ennayel, ang Director General ng MDH
Max Bringula (Abante ME Edition, 21 May 2010)
Bilang pagkilala sa naiambag ng Filipino expatriates sa Saudi Arabia, at sa kanilang likas na kasipagan at abilidad sa trabaho, buong pagmamalaking inilulunsad ng Mohammad Dossary Hospital (MDH) ang isang Free Medical and Dental Check-up para sa mga OFWs sa Eastern Province, Saudi Arabia, sa pakikipagtulungan ng OFW Congress-Eastern Province.
Ang medical mission ay gaganapin sa Biyernes, 28 May 2010, mula ala-siyete ng umaga hanggang ika-apat ng hapon (8:00 AM – 4:00 pm) sa hospital ground and facilities ng Mohammad Dossary Hospital kaalinsabay ng kanilang programang Health Awareness.
Magkakaroon ng sumusunod na medical services and consultation:
1) Free blood pressure check-up and consultation.
2) Free Laboratory tests – fasting cholesterol, fasting blood sugar, plus CBC and Thyroid function test for female over 35 years of age.
3) Free dental check-up and consultation (only for the first 250 persons registered on the said date)
4) Free eye check-up and consultation (only for the first 250 persons registered on the said date)
Ayon kay Mary Jane P. Tupas, Director of Nursing ng Mohammad Dossary Hospital at President ng OFW Congress, ang medical mission na ito ay taun-taong ginagawa ng MDH sa kanilang empleyado at sa buong komunidad ng OFWs, sa pakikipagtulungan ng OFW Congresss.
Kanyang ipinapaabot ang paanyaya sa lahat ng mga Pilipino sa Eastern Province na makibahagi sa programang ito at i-take advantage ang libreng check-up at consultation.
Para sa mga katanungan tungkol sa nasabing programa, maaari kayong makipag-ugnayan sa mga sumusunod na opisyales ng OFW Congress - EP: Junielyn Marte (DG for Health) – 0568892482 / Mary Jane Tupas (President) – 0507886413 / Andrew Nathaniel Santos (Sec. General) – 0553552107 / Joselito Tomas (DG for Information) – 0508124346 / at Martin Valenzuela (DG for Membership) – 0502422157.
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Nagnanais na Makauwi
“Sir Max, gud evening. I’m Lea of Dammam. I got your number from my friend. I just want to refer to you my problem. I came here in KSA w/o contract. I’m now 8 months. Pwede ba ako makauwi sa Pinas?”
Dear Lea, kung papayagan ka ng amo mo, maaari ka namang makauwi. Yun nga lamang dahil 8 months ka pa lang, ito’y maituturing na Resignation (kahit walang kang kontrata), at dahil diyan ikaw ang magbabayad ng air ticket mo pauwi. Mas mainam na kausapin mo ng maaayos ang amo mo at ipaliwanag sa kanya kung bakit nais mong umuwi na. Kung hindi naman gaanong kabigat ang kadahilanan ng iyong pagnanais na umuwi, mas makakabuting manatili ka sa iyong trabaho at tapusin ito. Isaalang-alang mo na kung wala ka rin namang mapapasukang iba (dito o sa Pilipinas), mas mainam na na may trabaho ka ngayon. - Max
“Gud PM po, Sir Max. Pwede po humingi ng payo syo? Domestic Helper po ako sa Riyadh. Bale mag-aanim na pong taon ako nagtratrabaho sa amo ko. Ngayon po, balak ko na pong umalis sa kanila. Pwede po ba akong humingi ng employment record. Thank you very much.”
Kabayan, pwede kang makahingi ng employment record. Karapatan mo yan bilang isang manggagawa. Kausapin mo lang din ng maayos ang iyong amo tungkol sa hinihiling mong employment record. - Max
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
I'm happy to hear this from you guys, hopefully palalawakin pa ninyo ito para sa mga kababayan nating nangangailangan ng serbisyo. OFW din ako dito sa nyc at meron akong paboriting dentsit who sldo offers free dental check up. East Harlem dentists
ReplyDelete