Si kuya Bobet at ate Gee sa loob ng precint pagkatapos bumoto.
Kuha nang ang inyong lingkod ay bumoto sa Precinct 1 sa Alkhobar.
by Max Bringula (Abante ME Edition, 05 May 2010)
Nakaboto ka na ba?
Kung ika’y registered overseas absentee voter at di ka pa nakakaboto, ala eh, ano pang hinihintay mo? Pasko? Matagal pa yon. Bumangon ka na’t bumoto. Now na!
Ilang araw na lang ang natitira para sa overseas absentee voting na nagsimula noong April 10 at magtatapos sa Lunes, May 10, sa ganap na ika-isa ng hapon dito sa Gitnang Silangan (ala-sais ng gabi sa Pilipinas).
Huwag ng makipagsabayan sa mga kababayan nating kadalasa’y bumubuhos sa huling araw. Huwag ng gumaya pa sa iba na laging “last minute” ang hinihintay. Alisin na natin ang ugaling iyan na nakatatak na sa kamalayan ng Pilipino na kung kaylan ang huling araw ay doon magsusulputan at magkukumahog.
Sa ulat na ating natanggap mula kay Ellene Sana ng Center for Migrant Advocacy (CMA), mayroon lamang 72,034 OFWs sa mahigit-kumulang na 500,000 registered overseas absentee voters sa buong mundo ang nakaboto na mula ng mag-umpisa ang OAV noong April 10. (Philippine Daily Inquirer, 29 April 2010)
Ito’y 14% pa lamang kung tutuusin. Ayon sa DFA Overseas Absentee Voting Secretariat (DFA-OAVS), karamihan sa mga boto na ito ay mula sa Hongkong na mayroong 21,459 ang nakaboto, sa Riyadh na may 5,897 na bumoto, at sa Singapore na may 4,199 na bumoto.
Ang iba pang bilang ng botante ay galing sa Jeddah (3,345 voters), Alkhobar (2,545 voters), Los Angeles, USA (2,162 voters), Kuwait (2,160 voters), Abu Dhabi (1,682 voters), New York (1,467 voters) at London (1,369 voters).
Inaasahan namang tataas pa ang bilang ng mga boboto sa darating na huling mga araw bago mag-May 10.
Kung kaya’t kung di pa tayo nakakaboto, gawin na ngayon, pagka’t siguradong daragsa ang tao sa mga presinto sa May 10 para bumoto. Tumungo na sa embahada at konsulada sa inyong lugar upang bumoto. Sa Saudi Arabia, ang voting period ay ang sumusunod:
Riyadh - 9:00 AM – 5:00 PM during weekdays, at 10:00 AM – 6:00 PM during Thursday and Friday.
Alkhobar – 11:00 AM – 7:00 PM during weekdays, at 10:00 AM – 6:00 PM during Thursday and Friday.
Sa ibang mga lugar, ang opisyal na oras ay 8:00 AM hanggang 6:00 PM araw-araw. Ina-adjust na lamang ito sa araw ng weekends.
Sa May 10, ang voting period ay mula alas-otso ng umaga hanggang ala-una ng hapon (8:00 AM – 1:00 PM) lamang.
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
“Tanong ko po kung puwede me bumoto. Dati po nakaboto ako at may pangalan. May pangalan pa kaya ako ngayon kasi di na ako nakapag-register ulet.” – Dolly ng Riyadh
Hi Dolly, kung nakaboto ka na dati bilang overseas absentee voter, maaari kang makaboto ulet kahit di ka nakapag-register nitong nakaraang OAV registration period. Alamin mo lamang kung naroon ang pangalang mo sa Certified List of Overseas Absentee Voters (CLOAV) na ni-release ng COMELEC. Maaari kang bumisita sa kanilang website, www.comelec.gov.ph o sa website ng Philippine Embassy sa Riyadh, www.philemb-riyadh.org. Maaari ka ring tumawag sa OAV Section ng Philippine Embassy sa Riyadh sa telepono na (01) 4820507 ext. 2127, o mag-fax sa numero (01) 4883945 upang malaman kung nasa listahan ang iyong pangalan.
(For comments and reactions, please eMail at maxbringula@yahoo.com or send text message only on 00-966-502319535. Paki-lagay rin ang inyong pangalan at lugar.)
For previous articles published in Tinig sa Disyerto, visit http://abanteme.blogspot.com/.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment