Monday, May 24, 2010

TSD - Isang Taon Na!

Ang inyong lingkod kasama ng aming Editor In-Chief at Press Photographer, Bhoy Biazon.
Kopya ng unang artikulo sa Tinig sa Disyerto, 16 May 2009.
Max Bringula (Abante ME Edition, 24 May 2010)

Parang kaylan lang. Isang taon na pala ang column kong ito sa Abante Middle East Edition, ang Tinig sa Disyerto (o TSD). 16 May 2009 nang unang lumabas ang TSD sa Abante ME sa pamamagitan ng ating artikulo noon na may titulong “Alikabok Muling Nanalasa”. At mula noon ay sunud-sunod na ang naging mga panulat natin na tumatalakay sa wide-ranging topics sa buhay OFW dito sa Gitnang Silangan.

Sa isang taon ng TSD, maraming mga talakayin na rin ang ating inihatid sa mga mambabasa para sa kanilang dagdag-kaalaman, gabay at pag-iingat. Ilan sa mga ito ay ang “Paano Ba Aawitin ang Lupang Hinirang” (19 May), “Kahirapan sa Bansa, May Solusyon Pa Kaya” (24 May), “Pilipinas, Malaya Ka Na Nga Ba?” (12 June), “Mabilis na Pagtaas ng Swine Flu Cases, Nakaka-alarma” (24 June), “Proteksiyon at Paalala sa OFWs” (12 July), “Muling Pagdaraos ng OAV Registration” (18 July), “Computer-Literacy ng Bawat OFWs” (29 July), “Huwag Nagpapaniwala Agad” (12 Aug), “Akyat-Bahay Patuloy na Umaatake – Dapat Mag-ingat” (13 Aug), “Karapatang Bumoto, Wag Sayangin” (24 Aug), “Mga Dapat Tandaan sa Buwan ng Ramadan” (25 Aug), “Mag-ingat sa mga Mapag-panggap” (15 Sep), “e-Passport Ready Na, Mga Dating Passport Pwede Pa Rin” (06 Oct), atbp.

May mga patungkol din sa iba’t ibang Filipino community activities at mga mahahalagang balita sa atin tulad ng “Filipino Professionals, Sama-samang Nag-Oath-Taking” (20 July), “Cory Aquino, Simbolo ng Demokrasiya” (03 Aug), “PBL Games Muling Bubulusok” (15 Aug), “Isang Victory Party Para Kay Kimverlie” (19 Aug), “IBL 5th Season Opening, Matagumpay na Idinaos” (05 Sep), “Natamong Tagumpay sa Pagbisita ni PGMA” (28 Sep), “Dahil Kay Ondong at Pepeng” (14 Oct), “Pag-asa, Isang Dekada Na” (23 Oct), “Dam…Dam…Dam…ang Kawawang Dam” (25 Oct), “Embassy On-Wheels sa EP, Tuloy-Tuloy Na” (27 Oct), “Saring-Himig, Nagwagi ng Silver Award” (29 Oct), “Dagdag na Manpower Para sa POLO-ERO” (31 Oct), “Efren Penaflorida, Tinanghal na Kampeon” (28 Nov), “Isang OFW Nakasama sa Napaslang sa Maguindanao Massacre” (08 Dec), atbp.

Nagkaroon din tayo ng mga sensitibong isyu at balita kung saan nakatanggap din ang inyong lingkod ng mga puna, pagbatikos at kung anu-ano pang mga di magagandang salita na kaakibat na ng buhay ng isang mamamahayag. Subalit ang lahat ng ito’y ating napagtagumpayan pagkat tayo’y panig sa totoo at tama lamang. Ilan sa mga panulat na ito ay ang “Simpatiya Kay Laila” (06 July),
Opisyal Na Pahayag ng Programang Bantay OCW ni Susan K” (19 July), “Pagtulong sa Kapwa OFW ang Tanging Hangad Ko” (25 July), “Paano Nga Ba ang Tamang Pagtulong” (12 Sep), “Reaksiyon sa Press Release ng Migrante” (18 Oct), at “Panawagan ng isang HSW na Magkaroon ng Day-Off” (06 Nov).

Iba’t ibang personalities din ang ating nailathala sa ating column na naging laman ng mga balita’t peryodiko tulad ni Pound-for-Pound King na ngayon ay Congressman na ng Saranggani District, Manny Pacquiao, ang yumaong Ginang Cory Aquino, gayundin ang King of Pop, Michael Jackson, Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Ambassador Antonio P. Villamor ng Philippine Embassy, Riyadh, Labor Attache David Des T. Dicang ng POLO-ERO, TFC Pop Star Champion Kimverlie Molina, CNN Hero Efren Penaflorida, at marami pang iba.

Sa puntong ito, nais kong pasalamatan ang mga taong naging daan upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng Tinig sa Disyerto sa Abante ME Edition. Unang-una, of course, ang aming Editor In-Chief at guwapong tulad ko rin (hehehe… ) na si Bhoy Biazon na naka-base sa Bahrain. Gayundin si Manong George Palencia, Bagong Bayani awardee, na siyang nagpakilala sa akin kay Mr. Biazon, at sa mga kapwa ko manunulat at mamahayag na siyang umalalay sa akin at nagbigay ng lakas ng loob sa larangang aking pinasok tulad nina Flor Catanus ng ABS-CBN TFC Middle East, Joe Avancena ng Saudi Gazette, at Dinan Aranan ng ABS-CBN TFC Middle East and Arab News.

At syempre, hindi magiging tagumpay ang column na ito kung wala ang mga libo-libong mambabasa na sumusubaybay sa aking panulat mula sa iba’t ibang bahagi ng Gitnang Silangan tulad ng Bahrain, Qatar, UAE, Kuwait at Saudi Arabia na walang-sawa ring nagpapadala ng mga eMail at text messages sa inyong lingkod.

Sa inyo pong lahat, maraming-maraming salamat sa inyong pagtitiwala. Ang papuri ay sa ating Diyos lamang!

Sa mga nagnanais na makakuha ng sipi ng mga nabanggit na artikulo, maaari kayong sumulat sa aming Editor In-Chief, Mr. Bhoy Biazon, P.O. Box 50, Manama, Kingdom of Bahrain, o kaya’y tumawag sa telepono 00-973-17877525 o mag-fax sa 00-973-1717877526. Maaari rin kayong mag-eMail sa abantenews@yahoo.com, o sa pinnacle@batelco.com.bh. O kaya nama’y bumisita sa website ng Tinig sa Disyerto, ang http://abanteme.blogspot.com/.

*********

TSD Readers’ Corner:

(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)

Nagtatanong sa Kalagayan ni Wilfredo C. Andrada

Good PM, Sir. Isa po akong avid reader of your article here in Qatar. Gusto ko sanang humingi ng tulong sa inyo. Tungkol sa aking pamangkin na si WILFREDO C. ANDRADA. Siya po ay nagtratrabaho sa Riyadh. 3 yrs na po na wala kaming balita sa kanya. Ang sabi ng iba baka nakakulong siya. Paano po naming matutukoy ang kanyang kinaroroonan? Sana po matulungan ninyo kami. Lubos na gumagalang – Jorge ng NDIA. Doha, Qatar – 974-3263145

Dear Jorge, nakipag-ugnayan na kami sa Embahada ng Riyadh tungkol sa pamangkin mo. Advise kita kapag may balita o development akong matanggap mula sa kanila. - Max

1 comment:

  1. congratulation po kuya max sa isang taon na pagbibigay inspiration and balita sa inyong mga tagasunod. more power. gb!

    ReplyDelete