Sunday, May 23, 2010
JEJEMON FEVER PATAYIN! - DepEd
Nina Nonnie Ferriol at Al Jacinto (Abante, 24 May 2010)
Mahigpit na nananawagan ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang na makipagtulungan sa mga guro upang masugpo ang lumalalang problema ng mga mag-aaral dahil sa pagiging "jejemon".
Sinabi ni DepEd Sec. Mona Valisno na bagama't sa paaralan at ang mga guro ang pangunahing nagtuturo sa mga estudyante ng tamang edukasyon, subalit malaking responsibilidad pa rin ng mga magulang na gabayan at magsilbing modelo sa kanilang mga anak.
Dahil sa problema sa nauusong "jejemon" kung kaya't bumabalangkas na ang DepEd ng mga solusyon at regulasyon sa mga paaralan na ipatutupad kontra sa paglaganap ng "jejemon fever" na siyang dahilan ng mali-maling spelling (Filipino man o English) at pagbagsak sa "composition at grammar" ng mga mag-aaral.
Nananawagan din si Valisno sa mga mag-aaral na gumagamit ng cellphone na sa halip na i-shortcut ang mga mensahe ay buuin na lamang at i-maximize ang nakalaang mga karakter para sa small messaging system (SMS) at huwag ng gumamit ng mga salitang "jejemons" dahil maling-mali umanong pausuhin ang ganitong mga klase ng spelling at komposisyon.
Sinasabing mayroong apat na kategorya ang jejemons, ito ay ang: MILD - e0wpU. mxTAh p0eh; MODERATE - e0w pf0w. nAh m1sz pf0u qtAh. MwAhxx!; SEVERE - 30w Po3h! an0h p03h gWa U? Txt nA An6 mGa giZing pFa!; at TERMINAL JEJEMONS - 30w p0EH. m3n4 p1p0L! nUam1Xz k0 pHoU k30! j3j3j3j3!.
Mula sa Zamboanga City, isinatinig din ni DepEd Asst. Sec. Jonathan Malaya ang determinasyon ng kagawaran na sugpuin ang masamang impluwensiya ng "jejemon fever" sa kaisipan ng mga kabataan.
"They should be able to send communication in a manner that is comprehensible and the Department of Education has to make a stand. The teachers should teach students the right way to communicate," ani Malaya.
Isang halimbawa ng "jejemon" texting ay: "e0wSsZz p0wh-hZzmUsZtAhH nUah pOwhHzz kEowHsz?" na kung iintindihin lamang ay ang ibig sabihin: "Hello po, musta na po kayo?"
Samantala, isang "jejemon" texter ang nagsabing dapat napuna rin ng Department of Education ang kanta ng Sex Bomb Dancers na "Bilog na Hugis Itlog" dahil kahit saan anggulo tingnan ang hugis ng itlog ay hindi ito bilog kundi oblong.
"Ang dami pong problema naming mga estudyante tulad ng libro, desk at silya, silid-aralan, pero ang pagte-text ba namin ng jejemon ay panghihimasukan pa ng DepEd? Yun nga pong kanta ng Sex Bomb Dancers na Bilog na Hugis Itlog ay mali po, bakit hindi nila pinansin? Bilog po ba ang hugis ng itlog?" tanong pa ni Jejemon Rhea.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment