Saturday, May 29, 2010
Marami Pa Rin ang Nabibiktima ng Text at eMail Scam
Max Bringula (Abante ME Edition, 27 May 2010)
Dala nga ba ng labis na pangangailangan kung bakit marami pa rin sa ating mga kababayan ang nabibiktima ng Text at eMail Scam, o sadyang mabait lamang ang Pinoy at madaling mapaniwala? Maaaring lehitimo ang dahilang ito kung kaya’t kahit kataka-taka na ika’y mapili sa dinami-dami ng Pinoy na manalo ng isang milyong piso ay agad ka pa ring naniwala at kinalaunan ikaw na itong nagpapadala ng pera sa halip na ikaw ang tatanggap sana ng perang napanalunan.
Ganito ang nangyari sa isa nating kababayan na nagngangalang Miriam Gumpad. Ayon sa text message na ipinadala sa atin ni Amira Bartolome ng Alkhobar, KSA, labis daw siyang nalungkot sa sinapit ng kaibigang si Miriam dahil dalawang buwan na sahod daw nito ay naipadala sa nagpakilalang Atty. Fajardo. Huli na ng malaman ni Miriam na siya’y nabiktima ng scam. Nagsisisi siya na agad naniwala sa text message na natanggap na umano’y nanalo siya ng isang milyong piso mula sa Manny Villar Foundation. Nakadalawang beses siyang nagpadala ng pera na bale pinaka sahod niya ng dalawang buwan.
Malaking kawalan ito kay Miriam pagkat di naman ganoon kadali kitain ang pera lalo pa nga’t di naman kalakihan ang kanilang tinatanggap na sweldo kada buwan. Hiniling ni Almira na mailathala sa Abante ME Edition ang nangyari sa kaibigan upang magsilbing babala sa iba ang gayong karanasan.
Samantala, nagpadala rin ng Advisory ang Philippine Embassy sa Riyadh patungkol sa lumalaganap na bagong eMail scam na ginagamit ang pangalan ng Philippine Embassy at iba pang Philippiine institutions sa abroad.
Isang OFW sa Saipan ang lumapit sa Philippine Consulate General doon upang i-verify ang eMail na natanggap niya na umano’y galing sa Philippine Embassy sa Muscat, Oman na nagsasabing nanalo siya ng 500,000 pounds at hinihingi ang kanyang mga mahahalagang inpormasyon upang mapadala ang perang napanalunan niya.
Dahil dito, nanawagan ang Philippine Embassy sa mga overseas Filipino workers na siyang numero unong target ng mga ganitong panloloko na mag-ingat at huwag magpapaniwala agad kung may matatanggap na eMail at nagsasabing sila’y nanalo ng kagamitan o cash prizes. Sa halip, agad na i-report o i-verify ito sa Embahada at Konsulada sa inyong lugar. Sa Philippine Embassy sa Riyadh, maaari kayong tumawag sa kanilang numero na 01-4823559 (telepono), o mag-fax sa 01-4883945 o mag-eMail sa filembry@sbm.net.sa.
“Let us try to raise our awareness and be on guard against unscrupulous and insidious cyber criminals who will try all sorts of trickery to steal other people’s identities or swindle their hard-earned money,” ang babalang sinabi ni Ambassador Antonio P. Villamor.
Dapat magtulungan ang bawat isa na masugpo ang ganitong mga panloloko. Paalalahanan natin ang ating mga kasama na huwag na huwag magpapaniwala agad sa mga text at eMail na natatanggap. Pakasiguruhin na lehitimong text at eMail iyon at hindi isang scam lamang. Magtanong at mag-verify bago sumagot o gumawa ng karampatang aksiyon.
Nasa ating mga sarili rin ang ikapapahamak natin. Tulad ng madalas nating naririnig na “walang maloloko kung walang magpapaloko”.
At tila pursigido ang mga ito na makapanloko. Kamakailan lamang ay may natanggap akong text sa aking roaming number mula sa numerong 00-639094877562 na ganito ang sinasaad:
CHARITY FOUND OF CONG. MANNY PACQUIAO N’FORM U DAT UR CELL# WON 750,000, 2ND PRIZE WINNER DRAW, MAY 22, 2010. DTI PERMIT 2168 SERIES OF 2010. PLS CALL ME NOW. ATTY. REY A. CUANGCO. CONTACT # 09206396120.
“Lokohin mo ang lelong mong panot” ang aking naibulalas. Ako pa ang lolokohin ng mokong na ito. At mali-mali pa ang spelling. Gawin daw “Found” yung Fund.
Kaya mga kasama, huwag magpapaniwala agad upang di tayo mabiktima.
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Naghahanap kay Jenilyn Ronquillo
Gud AM po, Max. Isa ako sa mahilig magbasa ng Abante. Naisip ko kasi na baka ikaw ang daan para makatulong sa problema ko. Ako si Leonardo Morales. May asawa ako dito sa Riyadh pero hinde ko alam kung san sya dito. Ang name nya, Jenilyn Ronquillo. Gusto ko na syang pauwiin sa Pinas. Salamat. Sana matulungnan mo ako. – Leonardo Morales ng KSA (966-560737226)
Sa mga nakakakilala kay Jenilyn at nakaka-alam ng kanyang kinaroroonan, maaari po ninyong tawagan ang asawa nitong si Leonardo sa nabanggit na numero sa itaas. - Max
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
I have received the same format of scam thru text a while ago, Nanalo day ako nang 750, 000 sa Foundation ni Manny Pacqiuao... Long ago when I receive text scams like this, I am very furious because I am a very busy person and those things are waste of my time....
ReplyDeleteBut now, it all changed, I pity those people who are behind all this scam. maybe the scourging emptiness in their pockets, difficulties of life brought them into this so-called "Raket". Kawawa naman sila. Dahil sa kahirapan kaya nakagagawa nang masama.
Anong Gagawin natin?
Para hindi sila malugmok sa kasalanan, I suggest that people should be vigilant about this kind of scam, people should not easily be snared by this, drop the ignorance at Huwag magpapaloko, so that wala nang manloko pa.
I pray for all those "Scammers", maawa kayo sa mga naloloko nyo at sana makapamuhay kayo malinis at makontento sa anumang biyaya meron kayo.