Saturday, May 29, 2010
Passport Application and Renewal, by Appointment Na
Max Bringula (Abante ME Edition, 29 May 2010)
Para sa kaalaman ng lahat, may bagong patakaran ngayon na pinatutupad ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas sa mga kumukuha ng bagong passport at nagre-renew, ito ang Passport Appointment System.
Kung dati rati ay kailangang tumungo ng mga applicants, alas-kuwatro pa lang ng umaga sa dati nitong opisina sa Pasay City (malapit sa Cuneta Astrodome) upang mauna sa pila, ngayon ay hindi na. Yun lamang may appointment schedule (date and time) at appointment reference number ang makakapag-transact para kumuha ng bagong passport o mag-renew sa bagong opisina ng DFA Office of Consular Affairs (OCA) sa ASEANA Business Park, Bradco Avenue corner Macapagal Boulevard, Paranaque City (malapit sa SM Mall of Asia).
Ang bagong patakarang ito ay inilunsad ng DFA-OCA upang maiayos at mapadali ang pag-apply ng bagong passport at pag-renew. Hindi na kailangan pang pumila ng mahaba ang isang aplikante tulad ng dati.
At upang matiyak na ito’y maisasagawa, mahigpit na ipinapatupad ngayon ng DFA-OCA ang “no appointment, no processing” policy.
Narito ang ilang mga dapat malaman sa Passport Appointment System.
1) May dalawang pamamaraan ng pagkuha ng appointment:
a) DFA Appointment Website – mag-log in sa www.passport.com.ph.
b) DVA Appointment Hotline – tumawag sa (02) 737-1000.
2) Tandaan ang inyong Reference Number na siya kakailanganin kapag
nagtungo na sa DFA para sa inyong appointment schedule.
3) Kailangang nasa DFA Consular Office ng 30 minutes before the appointment schedule. Early and late comers would not be entertained. Dapat eksaktong 30 minutes before the time ng iyong schedule ay naroroon ka na.
4) Kailangan ang Physical appearance ng aplikante. Hindi pwede ang
chaperone o kaya’y proxy sa mga aplikanteng 18 years old and above.
5) Bumalik sa araw ng Release Date ng inyong bagong passport. Samantala, maaari ring ipa-deliver na lamang sa inyong address ang passport at hindi na kailangan pang bumalik sa DFA. Tumungo lamang sa Delivery Counter para magbayad ng delivery fee kung nais na ipa-deliver ang passport.
Kung may karagdagang katanungan o nangangailangan ng paglilinaw, maaaring tawagan ng OFW at pamilya nito ang DFA sa mga sumusunod na numero: 831-8971; 551-4437; 551-4402; 834-4424; 836-7760; 836-7748, 836-7750 at 834-4835.
e-Passport, Available Na
Samantala, maaari ng mag-avail ang sinuman ng e-Passport (o Philippine Electronic Passport). Ito ang siyang ipinamamahagi na sa mga bagong nag-a-apply ng passport at sa mga nagre-renew sa Pilipinas.
Mas highly-secured ang e-Passport kumpara sa MRP o sa dating green passport. Ang e-Passport ay hindi pwedeng ma-tamper kung kaya’t nakapagbibigay ito ng mas mainam na border protection at security sa mga mayroon nito.
Sa e-Passport, di na kailangan pang magdala ng passport photos dahil may mahine na gagamitin na siyang magka-capture ng image at personal data.
Ang Fees na babayaran para sa e-Passport ay ang sumusunod -
Regular Processing (20 days) PHP 950.00
Express Processing (10 days) PHP 1,200.00
Lost Passpport (additional fee) PHP 200.00
Magsisimula na ring mag-issue ang Philippine Embassy ng e-Passport. Sa Riyadh, hinihintay na lamang ang makina na gagamitin. Ang e-Passport ang siyang ipapalit sa dating MRP (machine-readable passport).
*********
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Nagtatanong tungkol sa e-Passport at Embassy On-Wheels
Gud PM po Sir Max. Si Mr. Joel Icawat po ito. Tanong ko lang po kung nag-i-issue na ba diyan sa IPSA ng e-passport.
Hi Joel, sa ngayon ay hindi pa, subalit malapit ng magkaroon at ito’y gagawin muna sa Consular Section ng Philippine Embassy sa Riyadh. Kapag mayroon na rin sa Eastern Province, Saudi Arabia, ipapaalam namin agad ito sa inyo. - Max
Magandang araw po sa inyo, magtatanong lang po ako kung meron na po bang info kung kelan po ang susunod na schedule ng Embassy On-Wheels dito sa Alkhobar? Thank you po and God bless! – Julius Caesar Dimapilis
Hi Julius, katatapos lang ng Embassy On-Wheels dito sa Eastern Province noong 13 and 14 May. Wala pang kasunod na schedule. Kung magkakaroon uli, ito ay kadalasang ini-schedule sa huling Huwebes at Biyernes. - Max
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment