Kuha sa nakaraang pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan. Sa mga ganitong okasyon laging bahagi na ang parada suot ang damit-Pilipino.
Max Bringula (Abante ME Edition, 01 June 2010)
Muling gugunitain sa darating na 12 June 2010 ang Araw ng Kalayaan kung saan ito’y nasa isandaan at labing-dalawang taong pagdiriwang na mula nang ideklara ni Gen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong June 12, 1898 ang kalayaan ng Pilipinas sa pananakop ng Espanya.
Tulad ng nakagawian, ibayong paghahanda na ang ginagawa ng ating pamahalaan hindi lang sa Pilipinas kungdi maging sa bawat Embahada at Konsulada sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Dito sa Saudi Arabia, isang natatanging selebrasyon ang inaasahang magaganap sa pakikipagtulungan ng Filipino community groups. Inaasahan din ang partisipasyon at pagdalo ng bawat OFWs bilang pakikipag-isa sa pagdiriwang.
Sa Riyadh at Eastern Province, Saudi Arabia, magkakaroon ng month-long celebration simula sa unang Biyernes ng Hunyo (04 June) hanggang sa huling Biyernes (25 June).
Narito ang buong schedule ng Philippine Embassy, Riyadh at ng POLO-Eastern Region Operations:
04 June (Friday) – Photo Exhibit (Riyadh) / Health Awareness Program and PhilHealth Launching (Riyadh) / Search for Little Miss Philippines (Jubail, EP)
11 June (Friday) – Sports and Food Festival (Riyadh) / Cultural Parade & Show, Palarong Pilipino and Food Festival (Alkhobar-EP, 7:00 AM – 5:00 PM)
12 June (Saturday) – Flag-Raising Ceremony (Riyadh)
17 June (Thursday) – Health Awareness Program & Blood Donation Project (Alkhobar-EP, 9:00 AM – 12:00 NN)
18 June (Friday) – Film Showing (Riyadh) / Oratorical Contest & Search for Little Mr. and Ms. OFW (Alkhobar-EP, 9:00 AM – 6:00 PM)
24 June (Thursday) – Oratorical Contest (Riyadh) / Choir Presentation (Alkhobar-EP, 2:00 PM – 9:00 PM)
25 June (Friday) – FilCom Night (Riyadh)
Samantala, sa paanyaya ni Ambassador Antonio P. Villamor ng Philippine Embassy, Riyadh, ang TFC Popstar Middle East Grand Champion at 2009 WCOPA (World Championship of Performing Arts) Grand Champion Senior Vocalist of the World, Ms. Kimverlie Molina ay muling magpapamalas ng kanyang angking galing sa pag-awit sa isang musical extravaganza na gaganapin sa dalawang magkahiwalay na lugar, ang Riyadh at Eastern Province, Saudi Arabia. Ito’y magsisilbing handog na rin ni Ms. Molina sa kanyang mga tagahanga sa Saudi Arabia, bago niya tuluyang lisanin ang nasabing lugar para isulong ang kanyang pag-aaral.
Kaya, halina kabayan. Tayo ng makibahagi sa pag-alaala at pagdiriwang ng ating Araw ng Kasarinlan. Ating ihayag at ipagmalaki sa buong mundo ang galing ng Pilipino. Taas-noo nating isigaw, “Ako’y Pinoy!”
Ang tema ng selebrasyon sa taong ito ay “KALAYAAN 2010: TAGUMPAY NG BAYAN”.
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Mga Pagbati sa Isang Taon ng TSD
‘Happy One Year Anniversary sa column mong TSD. Keep up your good work, Especially sa mga ipinararating mong balita tungkol sa ating mga OFWs.” – George Palencia, Bagong Bayani Awardee, Saudi Arabia
“Lubos ang aming pagbati mula sa kabuuan ng S & L sa iyong mga panulat na nag bibigay paalala sa tuwina.” – Robert Yumang, Saudi Arabia.
“Kuya Max, patuloy kang pagpalain ng Diyos sa ibinigay sa iyong talento sa larangan ng panulat sa TINIG SA DISYERTO. Marami kang tagahanga at isa ako doon. Purihin si Yahweh sa buhay po ninyo.” – Cesar Carsula ng Bangon Pilipinas, Bagong Pilipino Movement, Middle East
“Happy Anniversary. May you have many, many fruitful years ahead of you. Marami ka bossing natutulungan thru your articles. God Bless.” – Romino Buccat, Saudi Arabia
“Congratulations and Happy 1 Year Anniversary. Keep up the good work as you continue to enlighten our kababayans including me. More power and God bless!” – Cris Garcia, Saudi Arabia
“Hi gud evening. Congrats, 1 year na pala ang TSD. Sana marami pa kaming mababasa na maganda dito sa column mo. Di ko maipon ang kopya kasi pinapasa ko rin sa iba ang Abante.” – Fe Reyes ng Saudi Arabia
“Thanks din kuya Max. Nang dahil sa’yo ang stress at homesick na naramdaman namin ay nawawala tuwing mababasa namin ang iyong column. More power po kuya. Hapi 1st Year Anniversary. God bless po.” – From a reader in Bahrain.
Tuesday, June 1, 2010
Ibayong Paghahanda sa 112th Philippine Independence Day
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment