Tuesday, June 1, 2010

Semi-Final at Championship Games ng PBL Season 5, Pinananabikan

Makikita ang laban sa Class A between JIL Theos at Day by Day.


Max Bringula (Abante ME Edition, 02 June 2010)

Matapos ang isang ma-aksiyon at makapigil-hiningang laro na nasaksihan sa Elimination Round sa pagitan ng mga sumusunod na koponan: Class A - JIL Theos, GMC Thunders, UR Divine Desert University, JCLORIM Warriors, JUSL Knights at Day by Day at Class B - CLSF Markers, CCWIM, Salt & Light - Heralds, JCILSA, JTLG, Living Water at JCPP, isang kapana-panabik na Semi-Final naman ang sisimulan sa darating na Biyernes, 04 June 2010, ng Pag-asa Basketball League (PBL) Season 5 sa Al Gosaibi Hotel Sports Complex, Alkhobar, Saudi Arabia.

Sa Elimination Round, nanguna ang JIL Theos sa Class A na may limang panalo at walang talo, at ang CCWIM sa Class B na may anim na panalo at wala ring talo. Dahil rito, ang dalawang koponang nabanggit ay nasa “teams-in-waiting” na lamang at maghihintay ng kanilang makakalaban para sa Championship Round.

Naging maigting ang labanan sa Elimination Round kung kaya’t nagkaroon ng triple tie sa dalawang category. Sa Class A, nag-triple tie ang GMC Thunders, JCLORIM Warriors at UR Divine Desert University, at sa Class B ang JCILSA, JTLG at Living Water naman ang nag-triple tie.

Upang malaman kung sino sa mga koponang ito ang makakaharap ng “team in-waiting” para sa Championship Game, ini-adopt ng PBL ang quotient system kung saan kukunin ang kabuuang puntos ng bawat koponang kasama sa nag-triple tie. Ang mangunguna at papangalawa sa dami ng puntos sa parehong category ang siya namang maglalaban sa isang knock-out games, at ang magwawagi ang siyang makikipagtunggali sa “team in-waiting” na JIL Theos sa Class A at CCWIM sa Class B.

Sa bilangang ginawa, nanguna sa puntos ang GMC Thunders at pumangalawa ang JCLORIM Warriors sa Class A, at sa Class B, ang JCILSA at Living Water naman.

Ang knock-out games ay gaganapin sa June 4, at ang Championship Games naman at Closing Ceremony ay sa June 18, 2010.

Ipinapaabot ng organizing committee ng PBL ang pasasalamat sa lahat ng mga koponang lumahok at sa bawat sentrong kabilang sa Pag-asa sa kanillang suporta sa liga. Taglay ang temang “Sama-samang Nagkakaisa sa Pagpapalakasan”, sinikap ng PBL at ng pamunuan ng Pag-asa na makapagbigay ng kakaibang liga sa kanilang mga miyembro at tagasubaybay ng taunang PBL.

Ang organizing committee ng PBL sa taong ito ay binubuo nina: Tim Mallari (Commissioner), Robert Punzalan (Asst. Commissioner), Ervin Bayona (Head-Technical Committee), Dennis Oliver (Asst. Head – Technical Committee), Arthur Valeros (Head-Table Committee), Alex Ventura (Asst. Head-Table Committee), Junald Pellazar (Asst. Head-Table Committee), Tony Gloria (Marketing & Promotion), Robert Punzalan (Finance), George Conejos (Secretary) Mike Abrera (Logistic) at Luis Macaraeg at Lito Migabon sa Support.

TSD Readers’ Corner:

(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)

Good PM, Sir Max. I’m an avid reader of your articles. Sir, may itatanong ako syo tungkol sa membership ng OWWA. Sir, matatawag bang active ang membership ko sa OWWA dahil every 4 or 5 years akong nagbabakasyon. Dyan lang ako nakakabayad. Salamat po. God bless you. – Reader from Saudi Arabia

Kabayan, ang OWWA membership ay naka-base sa number of years ng iyong kontrata na ini-report mo nang una kang nag-file ng OEC (Overseas Employment Certificate) sa POEA. Kung two years ang ini-report mo (which is siyang normal na number of years ng isang kontrata), ang OWWA membership mo ay mag-e-expire din after two years. At dapat siyang i-renew kapag umuwi ka’t nagbakasyon. Sa dahilang after 4 or 5 years ka naka-uwi, ibig sabihin niyon ay expire na ang iyong OWWA Membership. Gayunpaman, ang OWWA Membership ay maaaring i-renew kahit di ka nagbabakasyon. Makipag-ugnayan ka lang sa OWWA Representative ng ating Embahada o Konsulada. - Max

1 comment:

  1. Kuya Max and Kuya help me communicating with other Filipino organization pls. even in Philippine Embassy to help us...

    may mga filipino radio station ba tyo dyan?

    ReplyDelete