Tuesday, June 15, 2010
Mga Tsikiting ng OFWs, Magtatagisan ng Talino sa Little Prince and Princess 2010
Max Bringula (Abante ME Edition, 15 June 2010)
Handang-handa na ang mga bulilit na napili para sa Little Prince and Princess 2010 na ipamalas ang kanilang angking galing at talino sa Coronation Night na gagawin sa Biyernes, 18 June 2010, sa IPSA (International Philippine School in Alkhobar).
Ang nasabing patimpalak ay taunang isinasagawa ng OFW Congress – Eastern Province, Saudi Arabia, para sa mga tsikiting na lalaki’t babae na di lamang guwapito’t magaganda, kungdi bibo’t biba pa. Mga batang maipagmamalaki ng kanilang mga magulang na OFWs.
May sampung pares ng mga bata na magtatagisan sa pag-awit, pag-sayaw, pagganap at iba pang larangan, suot ang kani-kanilang costumes sa iba’t ibang Filipino festivals, tulad nina:
Chrystalle Jume Urgel at Daniel Masindo – Kadayawan sa Davao (Flowers and Fruits / Charla U. Deflin at Oliver Jaison Juria – Zamboanga Hermosa / Jazmin Hazel S. Olano at Manss Danielson A. Molina – Mascara Festival / Ma. Junisse Josephine G. Morata at Jay Karl Manlogon – Sambalilo Festival / Janaya C. Castaneda at Jourdan C. Castaneda – Panagbenga Festival / Ronavie Mallari at Manie Chomchuen – Pahiyas Festival / Eliana C. Ramos at Sean Eugene Pengson – Sinulog Festival / Gabrielle Sue Melecio at Kyle Martinez – Pintados / Fey Angela Cabanglan at Ahmad Labrilla / at Mariel Mallari at Brix Raneses.
Malalaking premyo ang naghihintay sa tatanghalin na Little Prince and Princess 2010 at sa mga runner-ups nito. Panauhing pandangal sa naturang okasyon si Labor Attache David Des T. Dicang ng POLO-Eastern Region Operations na siya ring magbibigay ng Inspirational Message.
Ang Little Prince and Princess 2010 ay isa sa mga programang inihanda ng POLO-ERO sa buong buwan ng Hunyo, sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang Filipino community groups sa Eastern Province, bilang pagdiriwang ng ika-isandaan at labing-dalawang taon ng Kasarinlan ng Pilipinas.
Nito lamang nakaraang Biyernes, 11 June 2010, napanood ang mayamang kultura ng labing-anim na rehiyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng kakaibang pagtatanghal na ipinakita ng Filipino community groups sa Eastern Province, at ang pinakahihintay na Konsiyerto ng Kalayaan kung saan tampok ang TFC Pop Star Middle East Grand Champion at 2009 WCOPA (World Championship of Performing Arts) Grand Champion Senior Vocalist na si Kimverlie Molina. Noong June 4 naman ay ginanap ang Independence Day celebration sa Jubail na tinampukan ng sayaw at awitin at ang pagpili sa Mr. and Ms. Little OFW.
Ipinahahatid ng pamunuan ng OFW Congress – Eastern Province, Saudi Arabia, ang paanyaya sa bawat OFWs na saksihan ang pagpili ng magiging Little Prince and Princess sa taong 2010 sa Biyernes na darating.
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Mga Pahabol na Reaksiyon sa Masarap, Masakit ang Maging OFWs
“Dear kuya Max, while reading your column, na-touch ako on about the life of an OFW. Oo tama nga ang nagsulat nito na masarap, mahirap ang maging OFW. Tulad ko na isang ina na nag-sacrifice na umalis para sa pamilya, kahit masakit tinitiis ko para lang maka-ipon kami, at makabayad ng utang. Sayo na nagsulat, saludo ako because you have the courage to share the experience of OFW. More power! God bless.” – Mabel of Bahrain
“I’d read your column about OFWs. Little things we give away surely come back to us some other day coz God never forget to give rewards to those who share their unselfish heart. God bless! More power!” – Magdalena T. Matias – Juffair, Kingdom of Bahrain.
“Sir Max, about po sa MASARAP, MASAKIT ANG MAGING OFW’s, dito po sa Qatar may dagdag ang OWWA na pahirap. Kasi po pag umuwi kami at dito magkuha ng OEC, kailangan naming magbayad ng Pag-ibig Membership. Bakit sa Pinas, sa POEA, wala naman. Dito lang.” – Fe of Doha, Qatar
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment