Saturday, June 26, 2010

OFWs Exempted sa Passport Appointment


Max Bringula (Abante ME Edition, 27 June 2010)

Bilang pagkilala sa malaking kontribusyon ng OFWs (Overseas Filipino Workers) sa ekonomiya ng Pilipinas, malugod na inihayag ng Office of Consular Affairs ng Department of Foreign Affairs (OCA-DFA) na i-exempt sila sa kasalukuyang ipinapatupad na Passport Application and Renewal by Appointment ng DFA.

Sakop ng kautusang ito ang mga OFWs na nagbabakasyon at nais na sa Pilipinas mag-renew ng kanilang passport o mag-apply ng bagong e-Passport, at yung mga paalis pa lamang para mag-trabaho sa abroad. Para sa huli, kailangan nilang ipakita ang dokumento na sila’y papaalis para magtrabaho sa abroad, tulad ng employment contract o job orders, at travel ticket. Maging ang mga Pilipino na nangangailangan agad ng passport tulad ng dependents ng mga OFWs at yaong mga businessman at travelers ay hahayaang di na dumaan sa Appointment System.

Ang mga employment agencies ay binigyan din ng special slot sa OCA-DFA upang ma-expedite ang passports applications ng kanilang mga aplikante. Dagdag pa rito, magkakaroon ng Special Processing every other Saturday para sa mga urgent passport requirements at maaaring magbukas na rin sila every weekend sa darating na panahon.
Maaari ring mag-apply ng passport di lamang sa opisina nito sa ASEANA Business Park, Bradco Avenue corner Macapagal Boulevard, Paranaque City (malapit sa SM Mall of Asia), kungdi maging sa labing-siyam na Regional Consular Offices (RCOs) ng DFA tulad ng Bacolod City, Baguio City, Batangas City, Butuan City, Cagayan de Oro City, Cebu City, Clark Field (Pampanga), Cotabato City, Davao City, General Santos City, Iloilo City, Legaspi City, Lucena City, Puerto Princesa, San Fernando-La Union, San Fernando-Pampanga, Tacloban City, Tuguegarao City, at Zamboanga City, o kaya’y sa Satellite Office ng DFA sa POEA sa Mandaluyong City.

Para sa kaalaman ng lahat, ang Fees na babayaran para sa e-Passport ay ang sumusunod - Regular Processing (20 days) - PHP 950.00 / Express Processing (10 days) - PHP 1,200.00 / Lost Passpport (additional fee) - PHP 200.00.

TSD Readers’ Corner:

(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)

Proseso sa Pag-renew ng Passport

Good day, sir. Gusto ko pong malaman kung paano proseso sa pag-renew ng passport. Kasi mag-expire na yung passport ko sa August 13. Ano po kailangan? Thanks.” - Daniel Menor ng Jubail

Hi Daniel, dahil ikaw ay narito sa Eastern Province, maaari kang magtungo sa IPSA (International Philippine School in Alkhobar) kapag may schedule ng Embassy On-Wheels (EOW) na isinasagawa kada buwan upang ikaw ay makapag-renew ng iyong passport. Aalamin mo lamang kung kaylan ang kanilang schedule. Kung kakailanganin na ma-renew agad, tutungo ka sa Riyadh sa ating Philippine Embassy roon. Dahil August 13 pa naman ang expiration ng iyong passport, hintayin mo na lamang ang sunod na schedule ng EOW sa Alkhobar na maaaring sa darating na 01 at 02 ng July 2010, ayon sa huli nilang advisory. Maghanda ka ng passport size pictures mo na blue ang background para sa MRP (machine-readable passport). Kung e-Passport naman ang ibibigay nila, di na kailangan ang passport photos dahil may makina na na nakalaan para rito. Mas mainam na maghanda ka na rin ng litrato at Saudi Riyals 200 para sa passport fee. - Max

Passport Renewal sa Regional Office

Gud pm po sir Max. Ask ko lang tungkol sa renewal sa passport. Next year uwi na ko sa Pinas. Pati ba sa regional office kailangan makipag-appointment o tulad ng dati?” – Ronnie ng Jeddah

Hi Ronnie, para sa mga OFW, hindi na kailangan na makipag-appointment pa dahil exempted na ang OFW sa ipinaiiral na Appointment System. So, tulad ng dati, maaari kang tumungo maging sa Regional Office ano mang oras para magkaroon ng e-Passport. - Max

Passport Releasing

Dear Sir, magtatanong lang po ako sa inyo kung kelan mare-release yong passport. May 13 po ako nag-renew dyan sa Alkhobar.” – Efren Flores ng Al Hassa, Hofuf

Hi Efren, isang buwan lamang ang palugit at maaari ng i-release ang passport. Kung May 13 ka nag-renew, dapat ay mare-release na yun ng June. Sa dahilang walang schedule ng Embassy On-Wheels itong buwan ng Hunyo, siguradong ready na ang passport mo pagpunta nilang muli sa susunod na buwan (July 2010). Para makasigurado ka, maaari mong puntahan ang site ng Philippine Embassy sa http://www.philembassy-riyadh.org at doon ay nakalagay ang mga Passport na ready for releasing. - Max

3 comments:

  1. kuya max magandang balita po ito para sa ating mga ofw. pwede po bang i repost ko ito? thank you & gb!

    ReplyDelete
  2. Dear Kuya Max,

    May tanong po ako yon kaibigan ko sa pinas eh ex-saudi po sya at expired na yon passport nya kailangan nyang magpa-renew kasi inapply ko sya dito sa amin pwede bang ang agency nalang ang magparenew?

    ReplyDelete
  3. hello kuya max.ako po ay bago pa lang magaaply ng passport at sa denmark ang punta ko as an aupair.do I need to make an appointment?but I am planning to go to tuguegarao soon.pwede po ba?salamat po ng marami.Godbless.jona of bambang nueva vizcaya

    ReplyDelete