Saturday, June 12, 2010

Walumpung Filipino Organizations sa EP, Sama-samang Magdiriwang

Ang mga Filipino Community Heads habang nakikipag-meeting kay Labor Attache David Des Dicang ng POLO-ERO para sa gagawing Regional Presentation.
Max Bringula (Abante ME Edition, 10 June 2010)

Muling mamamalas ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa Eastern Province, Saudi Arabia sa darating na Biyernes, 11 June 2010, sa pagdiriwang na gagawin para sa ika-sandaan at labing-dalawang taon ng Kalayaan ng Pilipinas.

Walumpung Filipino organizations sa iba’t ibang larangan ng civic, sports, regional at professionals groups sa Eastern Province ang kasama na kakatawan sa labing-anim na rehiyon sa Pilipinas tulad ng:

Region 1 (Ilocos) - CIASI (Confederation of Ilocano Association, Inc.) o Samahang Ilocano, Saring Himig, Ulupan na Pangasinan ed Saudi Arabia (UPSA), United Resources Multi-Purpose Cooperative (UREMCO), at International Electronics & Communication Engineers of the Philippines (IECEP).

Region 2 (Cagayan Valley) – Foundation of Filipino Workers Worldwide (FFWW), Eastern Lawn Tennis Association (ELTA), Saudi Aramco Chess Group (SACG), MEDEA Tanghalang Pilipino, at Filipino Association of HR and Administrative Professionals (FAHAP).

Region 3 (Central Region) – Cabalen Aguman Capampangan, Samahang Novo Ecijanos, Bulakenyo Community, Filipino Bankers Tennis Association, at Guardians Reformist Republican International (GRGI).

Region 4 (Calabarzon & Mimaropa) – Rizal International Society in Arabian Land, Romblomanos Association in Saudi Arabia, Order of the Knights of Rizal (OKOR), Fiipino Overseas Workers Association (FOWA), at Batangueno ng Saudi Arabia (BANSA).

Region 5 (Bicol) – United Bicolanos, FILPOP Music Club, FilBowlers, BUMPIHA, at Awit at Sayaw.

Region 6 (Western Visayas) – All Filipino Community and Sports Commission (AFCSCOM), Ro-Akeanon, Saudi Arabia Hiligaynon (SAHI), Pinoy Overseas at Royal Commission Hospital (PORCH), at World Organizer of Martial Arts, Inc. (WOMA).

Region 7 (Central Visayas) – Cebuano Integrated Society of Tribal Allies (CISTA), Boholanos, OFW Congress, Overseas Negrenses, Cebu Institute Alumni Association (CITAA), at Hawak-Kamay.

Region 8 (Eastern Visayas) – Sangkay KSA, Leytenos, Harmonicans, Philippine Society of Safety Practitioners, at Entablado Pilipino.

Region 9 (Zamboanga Peninsula) – ALFIDASCA, PhilTech-SA, Society of Filipino Health Care Workers (SOFHCARE), SMPII, at Table Tennis Enthusiast Club (TTEC).

Region 10 (Northern Mindanao) – Society of Filipino Fashion Designers (SFFD), Desert Fox Shooters, Organization of Brilliant and Respectable Artists (OBRA), Alpha Phi Omega Fraternity Alumni Association (APO), at UFMCI.

Region 11 (Davao) – Philippine Institution of Certified Public Accountants (PICPA), Computer Society of Filipinos (COMSOFIL), Filipino Community in Jubail (FILCOM), D’Heroes, at Jubail Tennis Association (JTTA).

Region 12 (SOCCSKSARGEN) – Pag-asa Community Support Group (PCSG), Beta Sigma Fraternity, United Filipino Basketball Federation (UFBF), Institute of Integrated Electrical Engineers (IIEE), at Philippine Institute of Mechanical Engineers (PSME).

Region 13 (CARAGA) – United Surigaonon Association (USA), Filipino Volleyball Association in Saudi Arabia (FIVOASA), Filipino United Netters Badminton Club (FUN), Social Development & Aid Organization, at CYBERCOOP.

Region 14 (National Capital Region) – Philippine Professional Organization (PPO), Society of Performing Arts (SPA), Master Builders Association of the Philippines, Philippine Institute of Civil Engineers (PICE), at Filipino Scrabble Group.

Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) – Western Mindanao Overseas Workers, Mindanao Association Eastern Saudi Arabia, Ranao Overseas Tennis Association (ROTA), United Muslim Association (UMA), at Triskellion Alumni Association.

Cordillera Administrative Region (CAR) – St. Louise University Alumni Association (SLU), Filipino Expatriates Multi-Purpose Cooperative, Ras Tanura Overseas Filipino Workers Association (ROFWA), Guardians Republican International, Inc. (GRII), at Philippine Guardians Brotherhood, Inc. (PGBI).

Bawat rehiyon na nabanggit ay magtatanghal ng awit o sayaw kung saan nakilala o kilala ang rehiyong kinabibilangan. Magkakaroon din ng Regional Booth na maglalaman naman ng iba’t ibang produkto, damit at iba pang bagay na mayroon sa nasabing rehiyon.

Ang proyektong ito’y brainchild ni Labor Attache David Des T. Dicang ng POLO-ERO at ng Overall Program Coordinator, Mr. Jaypee Vega ng FILPOP/ OFW Congress /Saring Himig na ang layunin ay magkakilanlan ang iba’t ibang Filipino community groups at lumalim pa ang pagsasamahan.

Samantala, may inihandang premyo sa mapipiling Top 3 Best in Presentation at Top 3 Best Regional Booth.

Bahagi rin ng pagdiriwang ang pagsasagawa ng Palarong Pinoy kung saan magkakatunggali ang labing-anim na rehiyon sa mga larong sariling-atin tulad ng Patintero, Yoyo, Pabitin, Paluan ng Palayok, at marami pa.

Isang natatanging konsiyerto naman ang magigjng finale ng selebrasyon, ang Konsiyerto ng Kalayaan, tampok ang TFC Popstar Middle East Grand Champion at 2009 WCOPA (World Championship of Performing Arts) Grand Champion Senior Vocalist of the World na si Ms. Kimverlie Molina.

Ang buong pagdiriwang ay sisimulan sa isang floral offering sa Pambansang Bayani, Gatpuno Jose Rizal, na pangungunahan ng Order of Knights of Rizal, at pagkatapos ay ang Cultural Parade ng 16 Regions kasama ang Embassy officials at kadete ng IPSA at Ati-Atihan mula sa Ro-Akeanon sa ganap na ika-pito ng umaga.

Ang Bagong Bayani awardee na si Mr. Alex Asuncion ang magbibigay ng espesyal na mensahe para sa pagdiriwang.

Ang tema ng selebrasyon sa taong ito ay “KALAYAAN 2010: TAGUMPAY NG BAYAN”.

2 comments:

  1. Kuya max help mu nman ako makipag communicate sa mga Filipino's dyan sa saudi, Magkakaroon kase ako ng event dyan which is THE GLOBAL RUN, Mr. Cesar Guarin The First Filipino Global runner and the Father of Ultramarathon is on quest, he is going to Run From kuwait to UAE to Saudi arabia. We need kase some filipino organization to help us in organizing this event.

    Thanx.
    Beth from CCWIM Qatif/Dammam before
    you can me an email at elizabethcedo@yahoo.com nsa pinas po ako now.

    ReplyDelete