Wednesday, June 16, 2010
Blood Letting Program, Inilunsad ng SOFHCARE
Max Bringula (Abante ME Edition, 16 June 2010)
Sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng King Fahd Hospital of the University (KFHU), Alkhobar, at sa patnubay ng POLO-Eastern Region Operations ng Philippine Embassy, Riyadh, pormal na ilulunsad ng SOFHCARE (Society of Filipino Healthcare Workers) ang Blood Letting Program sa Eastern Province, Saudi Arabia sa darating na Huwebes, 17 June 2010. Ito’y gaganapin sa mismong hospital ground ng KFUH na magsisimula ng alas-nuwebe ng umaga at magtatapos ng alas-dose ng tanghali o 12:00 noon.
Sa mga interesadong nating kababayan na nais mag-donate ng kanilang dugo, maaari kayong tumawag sa mga sumusunod: Mr. Dennis Dasal – 0545793075, Ms. Wilda Diaz – 0507873295, Mr. Jaypee Vega – 0545203763 at Ms. Mary Jane Tupas -050786413.
May Blood Donation Cards na kailangang i-fill-up ng magdo-donate bilang pre-qualification requirements at dapat i-submit bago mag-Huwebes. Ito’y makukuha sa Mohammad Dossary Hospital (MDH). Kontakin lamang si Mary Jane Tupas para rito. Gayunpaman, sa mga di makakagawa nito subalit nagnanais na maghandog ng kanyang dugo, maaari pa rin kayong magtungo sa KFHU sa araw na iyon ng Huwebes para sa “on-the-spot” pre-qualification.
Sa mga Filipino organizations naman na magvo-volunteer ng kanilang mga miyembro para sa programang ito, hinihilingan na sila’y mag-sumite ng listahan na nakasaad ang pangalan ng kanilang organisasyon, ng coordinator at kanyang contact number, at pangalan ng mga blood donor volunteers. Dapat isaad din ang oras na kanilang pagtungo sa KFHU.
Nais iparating ng Pangulo ng SOFHCARE na si Mr. Dennis Dasal ang taus-pusong pasasalamat sa pamunuan ng King Fahd Hospital of the University na sina Dr. Bassam Al-Awary, Vice Dean and Director General at kay Dra. Iman Al-Sheikh, Director of the Clinical Laboratories ng KFHU, sa kanilang suporta sa proyektong ito. Gayundin kay Labor Attache Hon. David Des T. Dicang ng POLO-ERO sa kanyang walang-sawang pagtulong sa mga OFWs sa pamamagitan ng ganitong mga proyekto.
Kaya, mga kababayan ko, tayo ng mag-alay ng ating dugo. Kung may isang marangal na bagay na magagawa tayo sa ating kapwa, ito ay ang pag-alay ng dugo sa nangangailangan. Tandaan na sa bawat patak ng dugo, isang buhay ang ibinibigay nito.
TSD Readers’ Corner:
(Para sa mga masusugid nating mambabasa ng TSD o Tinig sa Disyerto, tayo’y maglalaan ng espasyo sa column na ito para sa inyong mga katanungan o kahilingan, at sisikapin ng inyong lingkod na matugunan ito sa abot ng ating kaalaman.)
Puwede bang kasuhan ang asawa ko
Ako po si Aida ng Pampanga. Ang problema ko ay ang asawa ko na nagpakasal sa Aramco ng Alkhobar. Kay Josephine, isang nurse. Nagpagawa sila ng marriage contract para malaya sila. Marami siyang babaeng naanakan. Pwede ko bang kasuhan si Josephine at asawa ko. Gusto ko na mapauwi sila para matanggal sa trabaho.
Hi Aida, kung kayo ay legal na ikinasal ng iyong asawa, may karapatan ka na kasuhan ang asawa mo ng bigamy o yung pagpapakasal muli sa iba bagamat may asawa na. Batay sa iyong pagkakabanggit, ganito ang ginawa ng iyong asawa. Kumunsulta ka sa isang abogado upang higit na maliwanagan ang tamang hakbang na dapat mong gawin. – Max
Nais nang makauwi
“Kabayan, nais ko sana na humingi ng payo sa inyo. Isa po akong takas dito sa Riyadh. Wala naman po akong kaso sa employer ko kungdi ang trabahong in-aplayan ko ay iba ang binigay sa akin. Maintenance Plumber ang in-aplayan ko sa isang hospital. Sa hindi ko malamang dahilan, na-terminate kami ng mga kasama kong nadatnan ko na rito samantalang pasado naman kami sa exam. Tapos, lahat pa ng departamento rito sa hospital ay ayaw kaming tanggapin, hanggang mapunta ako sa ground maintenance. Taga-hakot po ako ng basura. Tapos 800+200 ang sahod ko, pero ginawa nilang 600+200. Kaya ko nagawang tumakas. Ngayon ay nagtratrabaho ako bilang waiter. Magwa-one year na ako sa August. Gusto ko na po sanang umuwi. First time ko lang po mag-abroad kaya natatakot at nalilito ako kung ano ang gagawin ko. Please lang po payuhan ninyo ako sa gagawin ko. Maraming salamat.” – Carlos
Hi Carlos, makaka-uwi ka lamang kung mag-surrender ka sa ating Embahada. Sila ang magsasa-ayos ng travel documents mo para ka maka-uwi. Maaaring ilagay ka sa deportation muna bago ka pauwiin. Usual na procedure ito. Kung walang habol sa iyo ang employer mo at walang kaso na isinampa sa’yo, makaka-uwi ka agad. Maaari kang tumawag sa ating Embahada riyan sa Riyadh sa sumusunod na numero – 4821802 / 4823559 / 4880835 / 4820507. Maaari mo ring tawagan ang numerong ito, 055-1633760. Kababayan natin yan na tumutulong sa mga kapwa natin OFW. Kamo, ni-refer kita. - Max
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment