Wednesday, June 2, 2010

Mga OFWs sa Jubail, Magdaraos ng 112th Philippine Independence Day





Max Bringula (Abante ME Edition, 04 June 2010)

Isa sa maunlad na bayan ng Saudi Arabia ay ang Jubail na matatagpuan sa Eastern Province. Ito ay binubuo ng lumang bayan ng Al Jubail na dati ay isang fishing village, at ang bagong Industrial Area na sinimulang itayo noong 1975. Ngayon ang taguring sa buong bayan ay Madīnat al Jubayl o Ṣinā`īyah o Jubail Industrial City.

Mula noong 1975 hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pag-unlad ng bayang ito at ngayon siya’y itinuturing na isa sa pinakamalaking industrial complex in the world at pinakamalaking industrial centre ng Saudi Arabia. (Source: Wikepedia)

Mayroong mahigit na 100,000 OFWs na nagtratrabaho sa Jubail sa iba’t ibang planta ng petrochemical, fertilizer, at steel. Gayundin sa industrial port at commercial port nito at water desalination, at sa mga kilalang kumpanya tulad ng SABIC, Al Hadeed, Al Suwaidi at maging sa Royal Saudi Naval Base.

At dahil malaki ang populasyon ng mga Pilipino, aktibo ang mga Pinoy dito sa gawaing komunidad tulad ng sports, consular services (passport renewals, authentication, notarization, etc.), independence day celebration, musical and cultural shows, medical mission, civic and social events, at marami pa para sa kapakanan ng mga OFWs doon.

Sa gabay ng mga kilalang community leader tulad nina Jaime King, Roi Alojado, Ador Tanedo, Robert Olarte, Romeo Elmer Reyes, Ervine Lanquino, Ruel Madeja, Adel Merino, atbp., ang mga kaganapang ito ay matagumpay na naisasagawa.

Buo naman ang suporta ng mga OFWs sa Jubail sa mga community activities na ginaganap doon tulad ng idaraos na 112th Independence Day Celebration at 15th Migrant Workers’ Day sa June 04 (Friday) sa Marafiq Beach Camp, Jubail.

Sa nasabing selebrasyon ay magkakaroon ng parade of colors, at parada ng Embassy officials, FilCom officers and guests. Tampok din sa selebrasyon ang pagpili sa magiging Little Miss Philippines kung saan ang mga kalahok ay dependents ng OFWs, mga batang babae mula 4 to 9 years old.

Ipinahahatid ni Mr. Lonquino, Chairman ng Dissemination Drive Committee, ang paanyaya sa lahat ng mga OFWs di lamang sa Jubail kungdi sa buong Eastern Province na makiisa at dumalo sa selebrasyong ito sa Jubail.

Ang nasabing activity ay naisakatuparan sa pangunguna ng FilCom-Jubail at sa pakikipagtulungan ng POLO-Eastern Region Operations ng Philippine Embassy, Riyadh sa pamumuno ni Labor Attache David Des T. Dicang.

Ang Filcom Jubail ay binubuo ng mga sumusunod na opisyales: Robert F. Olarte (President), Romeo Elmer Reyes (Executive VP), Eleuterio T. Lulo (Internal VP), Tomas S. Mercado (External VP), Jesus P. Mendoza (Secretary), Edilberto C. Trinidad (Asst. Secretary) , Ma. Estrella G. Tiangco (Treasurer), Conrado S. Torralba (Asst. Treasurer), Silvano A. Quigao (Auditor), Miguel G. Villanueva (Asst. Auditor), Romeo B. Padilla (PRO), Ervine E. Lanquino (Business Manager), John Doriel P. Lulo at Arvin G. Tanedo bilang mga Sergeant-at-Arms, at mga Committee Chairmen na sina Elmon Rix P. Lulo (Membership and Recruitment), Ricardo V. Zuilan (Sports and Recreation), Ma. Dulce R. Valencia (Cultural and Social), Antonio G. Fajardo (Nomination and Election), Ben T. Tamayo (Ethics, Issues and Grievance), George G. Salomon (House Rules, CBL), Federico G. Canio (Awards and Recognition), Marcelino S. Gamboa (Ways and Means), Emmanuel T. Santos (Project and Livelihood), Jilbert S. Mejia (Reintegration, Education and Training), Adel J. Merino (Social Welfare Services), at Romeo Elmer S. Reyes (Overall Committee Chairman).

No comments:

Post a Comment