PBL Season 5 MVP, Danilo Dula, habang tinatanggap ang kanyang tropeo.
Max Bringula (Abante ME Edition, 24 June 2010)
Sa ikatlong pagkakataon, muling tinanghal ang GMC Thunders na Kampeon ng PBL (Pag-asa Basketball League) sa katatapos na Season 5 na ginanap noong Biyernes, 18 June 2010 sa Al Gosaibi Hotel Sports Complex, Alkhobar, Saudi Arabia.
Sa score na 75-73, sinelyuhan ng Thunders ang kanilang pamamayagpag sa liga ng PBL bilang kampeon sa tatlong magkakasunod na taon - sa Season 3 noong 2008, sa Season 4 noong 2009 at ngayong 2010 sa Season 5.
“It’s a back-to-back-to-back feat for the Thunders”, ani ni Tim Mallari, Season 5 PBL Commissioner. “Mga veterans talaga ang team nyo, ang hirap gibain”, dagdag pa niya.
Isang mahigpitang laban ang nasaksihan sa pagitan ng GMC Thunders at ng JIL Theos. “The Theos have given the GMC a good fight”, ang tinuran ng Chairman ng Pag-asa na naroon ng gabing iyon para panoorin ang laban ng dalawang “bigatin” ng PBL.
Hindi lumayo ang lamang ng Thunders sa Theos na nagpakita ng kakaibang liksi at husay upang igupo ang kalaban. Sa First Half, isa lang ang naging lamang ng GMC sa kalaban sa score na 13-12, at sa Third Half ay dalawa sa score na 50-48. Tanging sa Second Half naka-ungos ng siyam na puntos ang GMC sa score na 33-24.
Nang pumasok ang Fourth Quarter lalong umigting ang sagupaan sa dalawang koponan na nakaragdag sa init ng panahon ng araw na iyon. Bagama’t may masarap na hangin namang dumarampi na siyang kataka-taka pagkat labis ang init at humid ang nararanasan sa Saudi Arabia mag-dadalawang linggo na.
Sa natitirang dalawang minuto, may dalawang puntos na lamang ang GMC sa JIL sa score na 63-61 at parehong nasa “On Penalty” situation ang magkabilang panig. Naka-ungos ang JIL sa libreng buslo na kaloob ni Sammy Mallari (Jersey No. 32) at ang score ay nabaligtad in favor of JIL sa score na 64-63. Subalit agad naman itong binawi ng GMC at sa maikling segundo lamang ay lumalamang agad ito ng dalawa hanggang apat na puntos. Hindi rin nakatulong ang dalawang tawag ng referee na technical sa GMC upang tuluyang umungos ang JIL Theos. Bagamat sa oras na 1 minute and 47 seconds ay nakalamang ang JIL Theos ng limang puntos sa pamamagitan ng 3-points score na ginawa ni Russel Pia (Jersey No. 27).
Sa huling 57 seconds ng laro, nasa dalawang puntos na lang ang lamang ng JIL at isang saglit ito’y naging pantay na sa score na 71-71 sa pamamagitan ng winning shot na pinakawalan ni Louie Dela Cruz (Jersey No. 6) ng GMC. Subalit muling nakuha ng JIL Theos ang lamang hanggang maka-ungos na ito ng dalawang puntos sa score na 73-71. Parang kidlat namang binawi ito ng GMC sa libreng buslo ni Alex Bautista (Jersey No. 22), hanggang magkaroon ng deadlock sa natitirang 2 seconds sa score na 73-73. At bago tuluyang nalagas ang segundo sa natitirang oras, isang mala-kidlat na shoot ang pinakawalan ng Player of the Day na si Louie Dela Cruz upang tuluyang tanghalin ang GMC Thunders na kampeon ng PBL Season 5.
“This is an AWESOME Victory!!! GMC Thunders has just clinched the PBL 5 Division A title against the formidable JIL Theos” ani ni Larry Estaq, ang dating Coach ng GMC Thunders sa nakaraang dalawang seasons, na ngayo’y nasa Pilipinas na, sa mensaheng ipinadala niya sa atin.
“PBL-5 is very significant in the spiritual life experience of the GMC Family especially to the Thunder Players. This PBL season teaches us a lot of lessons. After two consecutive losses in the Elimination Round, it blurred our hope to defend our title as “Back-to-Back Champion. But God works in mysterious ways, higher than our ways. He plans things beyond our thoughts. He works on impossible things beyond our knowledge and capabilities. The Lord teaches us how to pray effectively in this PBL season. He taught us to depend on Him”, ang dagdag pa niya.
“We are jumping and shouting with joy. This is so far the sweetest victory for GMC Thunders. My gratitude to the GMC Family for their never-say-die ‘Yes, yes, Lord’ chanting, cheering and praying” ang buong pagmamalaking nasabi ni Rudy Purugganan, ang kasalukuyang coach ng GMC Thunders.
“Great, great night sa laban ng Thunder vs. Theos. Sulit ang pagod kasi nagwagi ang GMC Thunders”, wika ni Danilo Dula na siyang tinanghal na MVP ng PBL Season 5.
“Grabe!!! Balita ko next season, GMC Thunders vs. PBL All-Star na raw ang labanan. Isang team na lang daw ang makakalaban. Congrats Thunder and thanks to Louie Dela Cruz. Ang galing mo, bro”, ang walang-mapaglagyang saya na pahayag ni Danny Bautista.
Ang GMC Thunder Team ay binubuo nina Senior Ptr. Larry Estaq, Gov. Ptr. Kurt Babar, Team Mngr. Rudy Purugganan, Asst. Efren Munar, Coach Pol Blanca, Coordinator Alvin Ditan, Staff Louie Alcantara, Players: Louie dela Cruz, Alex Bautista, MVP Danilo Dula, Captain Ball Marlon Kahler, Bairon Kahler, Raffy Golez, Raniel Ureta, Christopher Ybarle, Ryan Carganilla, Ross Diaz, Erwin Dimaculangan, Erwin Capiral, Jun Taniegra at Jojo Taiza.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment